Maging ang mga pagsubok na ating kinakaharap ay gawa ng ibang tao, o ito ay epekto ng mga pangyayari sa ating buhay na maaaring ilayo tayo sa Diyos. Pinapaalalahanan tayo ng Panginoon na wag tayong matakot at wag tayong magalala dahil walang masamang plano sa atin ang mangingibabaw kung hindi Niya ito pahihintulutan. Ang intensyon ng Panginoon sa atin ay ang kabutihan natin. Prenoprotektahan Niya tayo sa lahat ng bagay na hindi natin ikabubuti. Kaya kung may pinagdaraanan tayo na masakit o mahirap ay sana matutunan natin magkaroon ng pananaw na hindi man natin ito maintindihan pero makabubuti ito sa atin dahil pinahintulutan ng Niya na mangyari. Kaya kahit mahirap o masakit ito, ay pwede tayo maging confident na hindi tayo matitibag nito dahil nakasandal tayo sa Kanya. Sana ay ma-experience nating lahat ang pagmamahal at kabutihan ng Panginoon sa buhay natin. Sana ay tunay natin Siyang makilala para ma-experience natin ang peace kahit may problema tayo, ang confidence na malalagpasan natin ito dahil kasama natin Siya, at ang hope na kahit masakit man ngayon ay maganda parin ang plano Niya.🙏🙃 📸Bulaklak ng kurumbot🏵
3 comments
Tama kaya may problema man o Wala dapat nada kanya Tayo para makatam Ang tunay na kayapaan at pàg mamahal
Amen.🙏 Pintas tlga dayta nga sabong👍👍
tama ka po..ss kasakiman n to ng mga ibng tao..like virus ginwa tlga yn