read.cash Log in
@Fherdz

Habang inaalala natin ang kamatayan ni Jesus ngayon, idinadalangin ko na pag-isipan natin kung bakit kailangan Niyang dumating sa mundong ito at kung bakit kailangan Niyang mamatay - dahil hindi ito tungkol sa Kanyang sarili o para sa Kanyang sarili, ito ay tungkol sa atin. Ito ay dahil sa Kanyang pagmamahal sa atin upang tayong lahat ay magkaroon ng PAGKAKATAON na maligtas mula sa walang hanggang bunga ng ating mga kasalanan. Malinaw sa Salita ng Panginoon na ang mga taong maliligtas lang ay ang mga taong may pananampalataya kay Hesus. Kahit gaano pa tayo “kabait”, kahit gaano pa karami ang natulungan natin, kahit member pa tayo ng simbahan ay hindi ito sapat para maligtas tayo kung wala tayong genuine faith kay Jesus. Dahil kung pwede naman tayo maligtas sa paggawa ng mabubuting gawa o pagiging member o active sa church, hindi na sana bumaba si Hesus sa mundong ito para magsuffer at ibigay ang buhay Niya. Pero ginawa Niya iyon dahil alam Niya iyon lang ang paraan para maligtas tayo sa kapahamakan pagtapos ng oras natin sa mundong ito. Pinagdarasal ko na sana ay maappreciate natin itong araw na ito dahil sa ginawa ni Hesus para sa atin. At sana higit sa lahat ay kung hindi pa natin nagagawa ay ibigay natin ang buhay natin kay Hesus ngayong araw. 🙏 Blessed Morning sa lahat. 😊🥰

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.