Malapit na ang Halalan. Saan ka sa tamang daan o sa limang daan? Wag ganun, 1k dapat. Lol. 😂 Kahit sabihin nilang "tanggapin ang pera at iboto ang nasa konsensya" halla ka, makonsensya ka.😂 Nais ko lang ipaalala sa ating lahat na wag natin sirain ang relasyon natin sa kapamilya, kaibigan, katrabaho, kaklase, at kapwa natin dahil iba ang opinyon natin kung sino ang “best” president ng bansa natin. May kanya-kanya tayong karapatan bumoto kung sino ang nakikita natin na magiging best leader para sa ating bansa. Kung maaari lang sana sa pagpili natin ng mga future leaders ng ating bansa, wag sana natin isipin lang ang sarili natin. Yung idea na dahil kamaganak natin, kakilala natin, close sa pamilya natin, sikat sa lugar natin, etc. Sana kung boboto tayo ay isipin natin kung sino ba talaga ang makakabuti para sa lungsod natin, para sa probinsya natin at para sa bansa natin. At sana ang basehan natin ay yung Character at Competence ng mga tumatakbo na mga opisyal. Balik tayo sa tanong sa tamang daan o sa limang daan? Nasa atin na yon, sana wag natin ibenta ang boto natin. Wag tayong tumanggap ng pera. Dahil mali ito at dahil kung tumanggap tayo ng pera ay ipinapakita natin nabibili tayo. Isa-isa at dahan-dahan natin baguhin ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapakita na hindi tayo nabibili dahil ang hangad natin ay ang kabutihan ng bansa natin. Ipakita natin ang pagmamahal sa ating bansa pagkatapos ng eleksyon na kahit sino pa ang maupo na opisyal natin sa ating lungsod, probinsya at buong bansa ay sana ibigay natin ang suporta natin. Dahil command ito ng Panginoon na dapat ay nagsusubmit tayo sa authority. At dahil bilang isang Pilipino ay dapat ipagpray natin lagi at suportahan ang mga lider natin para sa ikabubuti at ika-uunlad ng bansa natin. Magandang hapon sa ating lahat.😉 📸ctto
4 comments
Tama wag sirain ang relasyon ng dahil lang sa hindi pariho ang kandidato na suportahan hehehe.
Kaya nga mam.
Don tayo sa malaki ang bigay uncle bwhahahaha✌😂
Xanaol may malaking bigay