read.cash Log in
@Fherdz

@Fherdz in June 2022

@Fherdz

Minsan ang lagi nalang iniiwan ay yung Original. Mas gusto ata nila yung HOT & SPICY! O ibang flavor na may asim at sweet na palaban.😂 Kaya siguro nagsawa sa original kasi matabang parang relasyon niyo.😂 Pero wag kang kabahan tungkol sa mga issue na hiwalayan ngayon. 😔 Dahil wala ka namang Jowa.😂😂✌ 📸CTTO

@Fherdz

Huwag mong subukang sirain ang buhay ng isang tao sa pamamagitan ng kasinungalingan kapag kaya nilang sirain ang sa iyo sa pamamagitan ng katotohanan.🙃

@Fherdz

Sabi nila, buti pa ang saging may puso! Pero may puso nga pero kung magmahal naman ay sobrang mahal. Kaya minsan di mo maiwasang mapapamura ka nalang sa sobrang mahal. Kung mahal mo siya wag ka ng umasa Dahil may mahal na siyang iba.🙃✌ 📸ctto

@Fherdz

Ang isang taong nalulunod ay sisigaw at hihingi ng tulong dahil alam niya na hindi niya kayang iligtas ang sarili niya at kung walang tutulong sakanya ay mamamatay siya. Ang problema ay kahit nalulunod na ang isang tao, kung hindi niya narealize na nalulunod siya, kung akala niya ay lumalangoy padin siya pero tinatangay na pala siya ng alon ay hindi siya hihingi ng tulong. Kung umabot ang point na marerealize niya na nalulunod siya, huli na ang lahat. Hindi na siya makasigaw…

@Fherdz

Spotted Eyed Hoverfly🐝 (Eristalinus megacephalus) Balik Insekto muna ang post natin ngayon Ang hirap lang kasing mag-isip ng caption. Kaya itong kaibigan nating Hoverfly ang aking pabaon At sana magustuhan niyo ang aking modelo ngayon. Magadang araw sa ating lahat mga ka Pi-Noise!

@Fherdz

Pride ang rason kung bakit madaming relationship ang nasisira. At ang nakakalungkot ay madalas walang gustong umamin na mataas ang pride nila kaya madaming unresolved conflicts. Ang pride ay hindi kailangan ituro dahil parte ito ng nature natin. Minsan ay ayaw nating mag-sorry o kung mag-sosory man tayo pilit o galit pa.🙃 Ang reyalidad ay sinisira ng pride ang relationship natin hindi lang sa ating kapamilya at kaibigan, kundi pati sa Panginoon. Madalas dahil sa pride kaya…

@Fherdz

Black planthopper / Ricaniid Planthopper (Ricania speculum) Isang magandang hapon sa ating lahat. Nais ko lang i-share itong nakunan kong isang uri ng planthopper. Ang karaniwang pangalan Black planthopper o Ricaniidae Planthopper na kabilang sa pamilya Ricaniidae. Ayon sa nabasa ko ang species na ito ay itinuturing na isang peste sa agrikultura para sa ilang mga pananim. Ngunit sa kabilang banda, ang maliit na nilalang na ito ay isang napakagandang pagkakataon para kunan…

@Fherdz

Madami sa atin ay napapagod dahil walang tigil ang paghabol natin sa “success”. Pero madalas ang definition natin ng success ay madaming pera at nabibili natin ang mga gusto natin. Ang reyalidad ay hindi tayo mauubusan ng gusto (wants) sa buhay natin kaya walang tigil ang paghabol natin. At ang nakakalungkot ay madalas dahil sa nakikita natin sa social media kaya tayo ay naprepressure o nagkakaroon ng desire na makuha din o ma-experience din yung nakita natin sa feed natin.…

@Fherdz

Lagi kong nababasa at nakikita ang meme na ito sa comment section kahit anong articles sa socmed. Ikaw ba naman pinangakoan ng 10k bawat pamilya. Lol 😂 Pero lam niyo naman na pag pulitiko ang nangako laging napapako.😬 Parang pangako ng iba na ikaw lang ang mahal niya, pero nangako rin siya sa iba.😁 📸ctto

@Fherdz

Ichneumon Wasp (Trogus pennator) Isang na namang uri ng Wasp ang nasilayan at nakunan. Kaya masaya kong ibahagi dito para masilayan Ang kanyang angking Kagandahan. Ayon sa aking nabasa tungkol sa insektong ito ay kapag nasa sapat na gulang na ay naghahanap ng mga uod para doon naglalagay ng isang itlog sa uod. At kapag sa tamang panahon, napipisa ang itlog at kinakain ng wasp larva ang loob ng namumuong paru-paro. Kapag ang wasp ay nasa sapat na gulang na kumakain ito ng…

@Fherdz

Bakit sakin ka lagi nakatingin Subukan mo kayang humarap sa salamin. Baka sakaling mahimasmasan at magising Sa pagkakahumaling na parang lasing. Yung tipong lasing ka sa lambing ng iba Kaya ang pagkakamali ko lagi ang nakikita Kapag may kailangan nagbabait baitan, Pero kinasusuklaman kung di na kailangan. Flex ko lang naman itong nakunan kong carpenter bee. Pero double ingat nalang tayo kahit mukhang mabait ito ngunit pag na-sting ka naman ay masakit.😉

@Fherdz

May mga pagkakataon na nanghihina at nawawalan tayo ng pag-asa, ngunit hindi mo kailangang lumaban sa labanan nang mag-isa. Maaari tayong humingi lagi ng tulong. Tumawag sa Diyos at umasa sa Kanya. Hindi Siya bingi o bulag. Alam Niya ang ating puso. Alam niya ang sakit na nararamdaman natin sa loob. At hinding hindi Niya tayo hahatulan o sisisihin sa lahat ng ating pinagdaanan. Nandiyan Siya para suportahan tayo, kaya kilalanin ang katotohanan na hindi natin kayang mabuhay…

@Fherdz

Congrats Warriors sa nanalong 2021-2022 NBA Finals at Curry as finals MVP🏆 Pero may nanalo na din sa pusta 10k kada ulo.😂😂 📸CTTO📸

@Fherdz

Tanggapin natin ang katotohanang hindi na magbabago ang nangyari sa nakaraan. At wala tayong magagawa tungkol dito. Panahon na para magpatuloy tayo at itigil ang pagdadala ng mga pasanin natin noon. Maaari nating ibigay ang lahat sa Diyos at hayaang baguhin Niya ang ating buhay.😉

@Fherdz

Cucurbit Leaf Beetle🐞 (Aulacophora indica) Yung magsasampay ka lang ng labahan pero may biglang bubulaga sa harap mo. Rated spg ngunit pag ingit pikit nalang daw. Kaya ako pitik agad ng maraming angulo para may pagpipilian. Huli sa akto pero di kulong, disturbo nga lang sa pangmalakasang moments nila.😂

@Fherdz

Hindi nangako ang Diyos na ng buhay ay storm-free, ngunit nangako Siya na ang buhay ay stormproof kapag inilagay natin ang ating pag-asa at pagtitiwala sa Kanya. Ibigay mo ang buong buhay mo kay Hesus. Magtiwala at umasa sa Kanya. Sana ay matutunan natin ibigay ang lahat ng aspeto ng buhay natin sa Panginoon para nasa Kanya ang focus natin. Para kahit may pinagdaraanan tayong pagsubok ay magagawa padin natin papurihan ang Panginoon dahil imbis na ang focus natin ay nasa…

@Fherdz

Oriental Mole Cricket (Gryllotalpa Orientalis) Ang insektong ito ay karaniwang kilala bilang oriental mole cricket at miyembro ng pamilyang Gryllotalpidae. Pero ang tawag sa amin sa insektong ito ay Kalla-kalla o Ararawan at ginagawang ulam ng iba dahil masarap at malutong. Kaya tinawag na Ilocano exotic food daw.😁😋 Ang oriental mole cricket ay nakatira sa ilalim ng lupa, at kadalasan nakukuha sa bukid at lupa sa hardin.🙃

@Fherdz

Ayon sa PAGASA mas mahaba daw ngayon ang araw kesa gabi. Ang haba ng araw ngayong Martes ay 12 oras, 59 minuto at 27 segundo.🙃 Gayun pa man, kahit mahaba ang araw o araw-araw mo siyang kasama.🤔 Pero kasama ka nga niya subalit ang puso't isip niya ay nabaling sa iba.😁 📸CTTO📸

@Fherdz

Ang buhay ay maikli at walang katiyakan Ang kamatayan ay tiyak at ang tanging hindi maiiwasang katotohanan na lahat tayo ay mawawala sa mundong ito. Mula sa alikabok tayo ay nagmula, sa alabok tayo ay bumalik. Depende sa plano ng Diyos para sa atin, maaari tayong mabuhay ng mahabang buhay, o ang ating buhay ay maaaring maikli. Nabangit ko ito dahil may kakilala, kapatiran at ate namin na nauna ng namahinga at nakapiling ang ating Ama sa langit. Nakakalungkot man na balita…

@Fherdz

Minsan nahihiya tayo na malaman ng iba ang problema natin. Dahil madalas personal at private ito kaya ayaw din natin malaman ng ibang tao. Nais ko kayong i-encourage na ilapit at sabihin niyo sa Panginoon ang pinagdaraanan ninyo ngayong dahil mahal kayo ng Panginoon. Makikinig Siya at gagabayan Niya kayo. Pero sana ay matutunan din natin na huwag pagpilitan ang gusto natin at Ipagkatiwala natin sa Kanya kung ano ang plano Niya sa sitwasyon natin. 🥰 Ang Panginoon ay…

@Fherdz

Ang daan na nilikha ng Diyos ay hindi madali. Sinadya Niyang hinayaan tayong dumaan sa mga obstacles para mapagtanto natin kung ano ang ibig sabihin ng lumakad sa Kanyang presensya. Magandang gabi.🙃

@Fherdz

Coconut Rhinoceros Beetle (Oryctes rhinoceros) Tag-ulan na naman kung ano-ano nalang ang nagsisilabasan Mga kakaibang insektong gustong magpakunan Kaya ito ang isa sa mga nasampulan Sana ay inyong magustuhan. Sa amin ang tawag dito ay Barairong o Uang at isa sa dahilan ng pagkawala ng puno ng niyog, sa pamamagitan ng pagsipsip na nagreresulta pagkamatay ng puno ng niyog.🙃

@Fherdz

Tutubing Karayom (Damselfly) Isang uri ng Damselfy ang bisita ko kaninang umaga sa aming opisina. Kaya pag dapo niya sa pader, pitik agad bago lumipad sa ibang bahagi ng pader na mas mataas. Buti nalang at may maganda pa akong kuha kahit papaano. Kaya ito lang muna ang ibahagi ko ngayon sa inyo mga ka Pi-Noise! Sana magustuhan niyo. Maraming salamat.😉

@Fherdz

Katapusan na! Ngunit ang mundo hindi pa.😁 Pero ang katapusan ay…KATAPUSAN NG SAHOD. Nakakatakot dahil ang bunsong kapatid ni Jona (due na) at Judith (due date) na si ANNABILL ay nauna pa sa sahod.😆 Mas nakakatakot to kesa sa pangako ni Allan Peter Cayetano na bawat pamilyang pilipino may sampong libo.😂 📸ctto