Noong nakaraang araw ay paru-paro ang dumapo Ngayon naman ay isang maliit na gagamba ang nakipaglaro Aba! gustong-gustong magpakuha ng litrato Tingin doon, tingin dito Kung maka-posing parang modelo Kita niyo naman umaangulo Mga mata'y nakatitig sayo. Marahil ito ay isang uri ng Jumping Spider Thiania.🕷 Pero wag niyong pansinin ang daliri ko dahil nag dra-dry ang skin niya.😁
@Fherdz in May 2022
Maging ang mga pagsubok na ating kinakaharap ay gawa ng ibang tao, o ito ay epekto ng mga pangyayari sa ating buhay na maaaring ilayo tayo sa Diyos. Pinapaalalahanan tayo ng Panginoon na wag tayong matakot at wag tayong magalala dahil walang masamang plano sa atin ang mangingibabaw kung hindi Niya ito pahihintulutan. Ang intensyon ng Panginoon sa atin ay ang kabutihan natin. Prenoprotektahan Niya tayo sa lahat ng bagay na hindi natin ikabubuti. Kaya kung may pinagdaraanan…
Ang pagkakaiba ng mabisang panalangin ay hindi sa nagdarasal kundi sa puso ng nagdarasal. At ang pagkakaiba ng nasagot na panalangin at hindi nasagot na panalangin ay kung ang panalangin ay ayon sa kalooban ng Diyos o hindi.😍🙏 Kaya magse-share ako ng praying mantis ngayon, pero hindi siya nagdadasal kundi nagpapa-cute lang sa akin para makunan ng larawan.😍
Ilang araw nalang election na.😁 Oh ayan may pa ayuda ang mga kandidato.. YOUNG'S TOWNSAND at LIBO, este Youngs Town at Ligo sardines.😂 Pero sana May 9 na dahil malapit ng magpatayan ang mga FB friends at kakilala ko dahil lang sa mga iniidolo nilang kandidato.😂✌ 📸ctto
Simpleng paalala.😁 Minsan kailangan nating magkamali para matuto at magpakumbaba, pero kung nagkamali ka na at nadapa ngunit walang pagbabago at ikaw pa ang mayabang...Aba! naman ibang usapan na yan.... Kaya paalala lang mga kaibigan sa darating na halalan ay huwag agad mangulangot pagkatapos bumoto baka matulad ka dito.😂 📸ctto.
Kung nanghihina na ang loob ninyo dahil sa problema na hinaharap ninyo. Nais ko lang ishare sainyong lahat ngayong araw na hindi kayo magisa sa laban ninyo sa buhay. Iwanan man kayo ng lahat ng tao ay nandyan padin ang Panginoon sa tabi ninyo lalo na kung tatakbo kayo Sakanya ay hindi Niya kayo tatanggihan. Tumawag lang kayo sa Kanya dahil mahal Niya kayo. Tutulungan at gagabayan Niya kayo kung matututunan ninyo na isuko at hayaan na Siya ang may kontrol ng buhay niyo. 🙃…
Ang ina ay isang ina na hindi napapalitan. Happy Mother's day sa lahat ng nanay dito. Yakapin at ipadama sa ating mga ina na mahal natin sila habang buhay pa sila. Pero isang nakakalungkot lang balita dahil may isang anak na nag disown sa kanyang ina dahil lang sa pagsuporta niya sa kandidatong kalaban ng sinusuportahan niya. At ang ang iba naman anak na nagpakamatay dahil na bully siya sa pagsuporta sa ibang kandidatura. Grabe ang pulitika, kung hindi tayo mag-iingat…
Isinama ni Google ang watawat ng Pilipinas sa doodle nitong Lunes, araw ng halalan sa ating bansa.🇵🇭 Pero habang ini-exercise natin ang ating karapatang bumoto ngayon, ipagdasal din natin ang isang mapayapa, maayos, at kapani-paniwalang halalan. Nawa'y ang katuwiran, mga plano, at itaguyod ng Diyos habang umaasa tayo sa Kanya para sa kinabukasan ng ating bansa.🇵🇭 Manalangin tayo para sa kalakasan, proteksyon, at karunungan sa mga maglilingkod sa ating mga presinto ng pagboto…
Natapos din ang eleksyon at sana ang mga nanalong leaders ng ating bansa na binoto natin o hindi ay respetuhin, suportahan at patuloy natin ipagdasal ang success nila at ng ating bansa. Kaya sana walang rebelde, magkaisa na lang tayo. Asahan natin ang mas magandang Pilipinas, ang isipin natin dapat at the end of it eh Pilipino ka.🇵🇭 Kaya flex ko nalang itong nakunan kong picture ng manok na pula. Hindi naman siya pangsabong at pinapatigil na din ang e-sabong. Pero kung…
Minsan makikita mo ang tunay na kulay ng isang tao kapag wala ng makuhang pakinabang sayo. Buti pa ang isang Planthopper na ito dahil kusang dumapo sa damit ko. Kaya ayun kahit paano tangal ang napapagal kong puso sa maghapong hapong-hapo.🙃 Ricaniid Planthopper (Ricania speculum)
May nanalo at may luhaan Nagbubunyi at nag iiyakan Ang tanong nasaan ka diyan Yung patuloy na lumalaban O tanggapin ang katotohanan. Ngunit kahit na sino ang nakaupo, ang Diyos ay hindi natutulog dahil alam Niya kung ano ang kanilang mga hangarin. Manahan at magtiwala sa Kanya, dahil Siya ay tapat at makatarungan maaari kang magpahinga sa Kanya. Pero nais ko ding i-share ang isa namang Paru-parong nakunan ko kamakailan lang. Nag-post na ako dati ng ganitong uri ng insekto,…
Bagong Mukha ng 1,000 peso bill! Salamat at nakadaupang palad din kita. Pero saklap napadaan lang talaga sa kamay at di nagtagal. Parang siya hindi nagtagal at sa ibang palad napunta.😁
Naku po naman kung araw-araw ay ganito ang aatupagin. Paniguradong gutom talaga ang aabutin. Kaya NOISE na yarn baka sakaling busog ka pa araw-araw.😜😁 Wag Gobyerno lahat at wag maging tamad. Kayod po tayo dahil ang magandang pagbabago at pag-asenso ay nakadepende sa atin mismo hindi kung sino nakaupo. 🙃🇵🇭 📸ctto
Ano ang pananaw natin sa pera? Ito ba ang pinakamahalagang bagay sa iyong buhay? Gagawin mo ba ang lahat para yumaman?😉 Nais ko lang ipaalala sa ating lahat na walang mali sa pagiging mayaman o pag-asenso sa buhay. Walang mali sa pera dahil ang pera ay neutral - hindi ito mabuti o masama. Kaya hindi natin mahahanap sa Bibliya ang command ng Panginoon na bawal magka-pera. Pero ang mali sa pera na command na mahahanap natin sa Bibliya ay ang “LOVE for money is the root of all…
Ang nature natin ay unahin lagi ang sarili natin. Siguro kung madali o maginhawa ang sitwasyon natin ay mas madaling tumulong sa kapwa natin. Pero kung may matindi tayong pinagdaraanan ay ang focus natin ay nasa sarili nalang natin. Nawa'y tularan natin ang halimbawa ni Hesus na kahit anong sitwasyon natin ay hindi magbabago ang ugali o pagkatao natin. Na nakafocus padin tayo sa pagmamahal natin sa Panginoon at sa kapwa natin. Huwag mag-focus sa ating mga kalagayan. Focus…
Lahat tayo ay may mga paghihirap sa buhay at minsan iniisip na lang natin na hindi sinasagot ang ating mga panalangin kapag ayaw natin ng kasagutan.🙏
Minsan ay ginagamit ng Panginoon ang sitwasyon natin para ipaintindi sa atin na kailangan natin Siya sa ating buhay. Minsan ginagamit Niya ang ating sitwasyon para magbalik-loob tayo sa Kanya. Kaya't kung ngayon ay nahihirapan tayo dahil sa pakiramdam natin ay kulang o hindo sapat ang meron tayo para maitawid ang ating pamilya, inaanyayahan kita na lumapit sa Panginoon dahil Siya ay Tapat at hindi ka Niya pababayaan. Dahil alam ng Panginoon na lahat ng NEEDS natin ay…
HUNTSMAN SPIDER🕷 Yung naglinis ka lang sa bahay niyo tapos may makita kang ganitong gagambang bahay. Ano ang gagawin mo? Ako, ale eh! mapatakbo nalang talaga at pagbalik ko, maraming pitik at anggulo para sa aking modelo. Kaya ito ang i-share ko sa inyo. 😂
Flex ko lang itong Wasp na nakunan ko kanina pagkatapos ng worship service namin. Habang hinihintay ko ang mga kasama kong pauwi ay biglang dumapo sa sahig sa mismong harapan ko ang wasp na ito. Kaya ayos na ayos may modelo na naman ako. Sana magustuhan niyo.🙃
Hindi ito ang katapusan ng mundo. Huwag kang susuko. Marahil ang oras na ito ang pinakamadilim sa iyong buhay; maaaring hindi mo pa nakikita ang liwanag sa ngayon, ngunit sa lalong madaling panahon maysisislayan mo din ang liwanag. Lahat ng nangyayari ay may dahilan. Isa lamang itong pagsubok sa iyong buhay. Lumuhod at manalangin na iyon ang pinakamabisang solusyon sa lahat. Lumapit ka sa Panginoon at magtiwala ka sa Kanya. Sasamahan ka Niya sa iyong laban ng may kapayapaan…
Bago lumukso sa bagay na permanente dapat isipin mo muna kung yun ba talaga ang gusto mo at wag mapapadala sa agos ng panahon, sa agos ng opinyon ng ibang tao. Dahil sa pagtatapos ng araw ay walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili mo. Magandang gabi sa ating lahat.😉 Aw! Awwts sabi ng Aso sa kabila🐕🙃
Spotted Asparagus Beetle🐞 (Crioceris Duodecimpunctata) Yung uwian na pero may nagpakitang gustong maging modelo, kaya pitik agad bago tuluyang lumayo. Buti pa nga siya nagpakita bago lumayo, samatalang siya lumayo pero di man lang nagpakita sayo. #awit #saklaugh! 🤭😁
Green Grasshopper🦗 (Schistocerca shoshone) Maulan na may kasamamg pagkulog ang panahon. Ang sarap sanang matulog dahil malamig kaso kahit anong pilit ayaw dalawin ng antok. Kaya ayun napa-post tuloy ng isang grasshopper na tulad ko kanina pa dilat na dilat ang mata.😳 Mas mabuting dilat na ang mga mata sa katotohanang wala na siya dahil sumama na sa iba. Kesa naman patuloy na pumipikit pikit dahil pinipilit na kahit alam mong ikaw ay pinagpalit.😉
Maganda pag ganitong gabi ay maulan Para ang init ng panahon ay mabawasan Na dulot maghapong alinsangan Pero nais kong ibahagi ang aking nakunan. Ang dalawang Moth na tila nagdadamayan Walang pakiaalam kahit basang basa sa ulan. Buti pa siya may kasama at may napapangiti, samantalang siya naku po wala na siyang paki.😂
Sa ating buhay, halos palaging may dalawang choices - kung gagawin ba ang tama sa mata ng Panginoon o kung gagawin ang hindi ayon sa Kanyang Salita. Sa madaling salita, ang choice ba natin ay ayon sa kalooban ng Diyos o labag sa kalooban ng Niya. Ang reyalidad ay may consequence lahat ng action at choices natin. Maaaring positive ang impact sa atin kung sumunod tayo sa Panginoon pero negative ang impact sa atin kung taliwas sa Salita ng Panginoon ang choice natin. At madalas…
Usap-usapan ngayon sa social media Ang hiwalayang Jason at Moira Noon ay nauna ng napabalita Pero ngayon natin nakumpirma Dahil galing na mismo sa kanila Nakakalungkot pero wala tayong magagawa. Para sa karagdagang balita Hanapin nalang sa inyong social media. 📸CTTO.