read.cash Log in
@Fherdz

@Fherdz in April 2022

@Fherdz

Dahil flyday na kaya ang iba diyan ay kating-kati ng umuwi. Pero yun iba kating-kati na magkajowa! Hinay-hinay lang muna dahil hindi naman basta-basta ang makajowa, kunting kilatis muna bago lumarga. Lol. 😂 Pero wag ka, dahil mas makati pa ang i-share ko sa inyo ngayon kesa naghahanap ng Jowa. Ito ay isang uri ng Tussock Moth Caterpillar na kapag nasagi mo at paniguradong mangangati ka. Dito lang muna mga ka noise dahil uwian na.😂

@Fherdz

Minsan ang buhay parang kape, minsan mapait, minsan matamis. May matapang at may matabang. Pero nasa nagtitimpla kung ano ang gusto niya, kung ano ang pipiliin niya sa timpla ng buhay niya. Kaya piliin lang natin ang tamang timpla para lalong sumasarap at swak sa panlasa. Arat na KAPE muna.☕

@Fherdz

After 2 years ay nakapag face-to -face Sunday Worship na din kami. Nag start last Month pero yun iba pinipili pa ang mag online worship. Kaya ayun nagkita- kita ulit kami kanina ng mga bossing ko sina @Bhongzkie, @ilavpurple828, @girlalu218. Di pa kumpleto dahil next time pa daw magkapag attend ang dalawa ko pang mga bossing, @Sashley at @mallowfitt. Pero balita ko magbi-birthday daw ang isa diyan sa huling dalawang binanggit ko, kaya may magpakain next week. lol. 😂…

@Fherdz

Ganitong uri ng beetle ang nilalaro namin noong panahon ng kupong-kupong at wala pang mga gadget noon. Kunwari kinakausap mo tapos tango ng tango sa lahat ang mga sinasabi mo. Kapag may makita kang ganitong uri ng insekto subukan mong kausapin para alam mo sinasabi ko.😁 Tinatawag itong Click beetle, mayroon itong kakaibang mekanismo ng tunog sa leeg kapag tumatango at marahil dito nila hinango ang kanyang pangalan.🙃 Magandang gabi.☺

@Fherdz

Wag tayong madiscourage sa “slow progress” na nangyayari sa atin para ma -achieve ang goal natin, ang importante ay “merong progress” na nangyayari at nagimprove ng pakonti-konti araw araw. Maging consistent lang tayo at sana matutunan natin ma-appreciate ang importansya ng consistent daily habits dahil ito ang tutulong na sa atin na mapalapit sa goal natin. At sana ay ganito rin sa pananampalataya natin sa Panginoon. Madami sa atin ang hangad na maggrow ang faith o lumalim…

@Fherdz

Huwag mong hangarin ang maghiganti. Napakaikli ng buhay at hindi mo alam kung ano ang mangyayari bukas. Masakit kapag may gumawa ng mali sayo dahil laging may naiiwan na peklat dulot ng mga sugat ngunit kailangan mong mag let go at tanggapin. Lumapit sa Diyos kung saan nagmumula ang tunay na pagpapatawad at hilingin sa Kanya na matutong magpatawad, at magfocus ka sa pang-araw-araw na buhay at magiging okay din ang lahat. Naimbag nga rabii tayo amin awan labas na.🙃

@Fherdz

Ang Diyos ay laging nasa tabi natin... may matinding pinagdadaanan man tayo o wala, broken o hindi, Siya ay nasa tabi natin, laging tapat at sapat. Magandang gabi sa ating lahat.🙃 📸Paruparo sa salamin.🦋

@Fherdz

Yung malapit na ang mahal na araw. Pero siya hindi ka pa rin niya mahal kahit hintayin mo araw-araw. Buti pa ang dalawang insektong ito dahil pagmamahalan nila ay panalo hanggang sa dulo. Kaya Wasp Moth muna ang iiwan ko sa inyo dito Dahil kunting oras nalang, uwian na po. Hübner's Wasp Moth

@Fherdz

May babaeng bumisita sa bahay namin kanina na hindi ko kilala at ang dami niyang tanong. Ito ang convo namin. Siya: Sir, Married or Single? Ako: Bakit po mam, single po ba kayo at available? Siya: Tingin sabay ngiti at sabi, census lang po sir. P Ayun!!.. kaya pala ang daming tanong. #Saklaugh😂 Waley..❌❌ I-share ko lang itong insect na nakunan ko, siguradong hindi siya available dahil makikita mo ang dami ng itlog na binabantayan niya. Maaaring ito ay isang species ng…

@Fherdz

Yung ang init sa labas tapos mahabang pila pa sa banko... ayos!. We find ways yarn.! Kaya habang nakapila pa at di pa naka pasok sa loob gawa muna tayo ng post. Pang tangal pagod na nakatayo kaya dito muna sa noise ibuhos ang time para di mo mamalayan nasa counter na pala. lol.😁 Share ko lang din yung nakunan ko before na isang species ng Bagworm caterpillar. Hindi ko man sure kung anong specific na uri ito ng Bagworm pero ang alam ko lang maliit siya at mabagal kumilos…

@Fherdz

Clubhouse with fries muna mga ka-PiNoise! Wala ng maraming dada, arat na kain na. Lol.😂 Pag ganitong gutom at masarap ang meryenda wag ng patagalin pa.😋🍟🥪 Aba! Samahan ng kape na yarn.☕

@Fherdz

Nakikita ng Diyos ang mga best at worst araw ng ating buhay, ngunit hindi nagbabago ang Kanyang pagmamahal sa atin. Nauunawaan Niya ang matinding pagdurusa na ating pinagdadaanan dahil naranasan Niya mismo ito nang Siya ay pumarito sa lupa upang tubusin ang ating mga kasalanan. Magnilay-nilay muna tayo ngayong Semana at sa mga susunod pang araw. 😊

@Fherdz

Habang inaalala natin ang kamatayan ni Jesus ngayon, idinadalangin ko na pag-isipan natin kung bakit kailangan Niyang dumating sa mundong ito at kung bakit kailangan Niyang mamatay - dahil hindi ito tungkol sa Kanyang sarili o para sa Kanyang sarili, ito ay tungkol sa atin. Ito ay dahil sa Kanyang pagmamahal sa atin upang tayong lahat ay magkaroon ng PAGKAKATAON na maligtas mula sa walang hanggang bunga ng ating mga kasalanan. Malinaw sa Salita ng Panginoon na ang mga taong…

@Fherdz

Yung mamitas ka lang ng bunga ng malunggay para may ulam pero ganito ang bubungad sayo. Isang Praying mantis na gustong magpa-cute at mapa-picture sayo. Hehehe. Dahil Semana santa, nakapagbakasyon ulit ako sa probinsya namin, kaya lubos na lubusin kumain ng gulay at mag-enjoy kasama ang pamilya.🙃

@Fherdz

Tapos na ang mahabang bakasyon kaya balik sa trabaho na. Sana ay nakapagpahinga at na-recharge kayo mga ka-PiNoise. Pero sa akin ata mukhang baliktad dahil sa pagod at puyat sa biyahe galing probinsya. Lol. 😁 Mabuti pa ang kaibigan nating Spider ang sarap ng pamamahinga niya sa isang dahon. Maraming Species ng Spider kaya mahirap tukuyin kung anong uri ng Spider na ito. Pero ayon sa google ang pinaka malapit na nakita ko ay kabilang sa Clubiona o Drassodes Spider.Magandang…

@Fherdz

Ngayong palapit ng palapit ang botohan ngayong Mayo. Kasabay nito ay tila bang may nagbabadyang delubyo. Dahil nagbabala na ang gobyerno na patuloy na maging alerto. Mantakin mo nga naman kabi-kabilaan ang rally ng mga kadidato. Kaya ayon mas lumabas sa fb news feed ko. Kaway-kaway muna tayo at maging handa at alerto. Dahil pagkatapos ng eleksyon panigurado may uupong Pangulo.😁 📸ctto

@Fherdz

Kung tayo ay may pagdududa sa anumang bagay, humingi tayo sa Diyos ng patnubay at karunungan. Huwag kailanman umasa sa ating sariling pananaw, isaalang-alang ang pananaw ng Diyos. Kapit lang at huwag mapagod magdasal at magtiwala sa ating Panginoon. Dahil hindi Siya nauubusan ng paraan para masolusyunan ang ating problema't pinadadaanan.🙃 Kaya kapit lang, katulad ng isang langgam di patitinag sa pinagdadaanan at kapag bumagsak ay tiyak na babangong muli at magsimulang…

@Fherdz

Male Seaside Dragonlet Dragonfly (Erythrodiplax berenice) Share ko lang ang isang makulay na Dragonfly, na-spotan ko noong nagbakasyon ako sa aming probinsya. Dahil maraming species ng tutubi at diko mawari kung anong uri ang isang ito. Ngunit ayon sa google ang dragonfly na ito ay karaniwang kilala bilang Seaside Dragonlet. Kaso sa riverside ko naman nakita 😬 at mabundok sa amin.🙃 Medyo nahirapang kunan ng picture dahil mailap at laging palipat-lipat, buti naka-timing din…

@Fherdz

Kapag nahaharap tayo sa gitna ng paghihirap o masakit sitwasyon, madaling maging masyadong nakatuon sa ating mga problema na nagsisimula tayong mawalan ng pananaw at pag-asa. May posibilidad na hayaan natin na ang mga pagsubok ay diktahan ang ating mga emosyonal na tugon at pagkatapos ay hayaang maimpluwensyahan ng ating mga emosyon ang ating mga aksyon. Ngunit kapag nangyari ito, ang ating likas na pagnanais na makatakas sa pagsubok ay maaaring akayin tayo sa mga…

@Fherdz

Nag-trending nakaraan ang ilang kalabaw na kinulayan ng pink bilang simbolo ng pagsuporta ng ilang magsasaka sa napupusoan nilang kanditato. Pero kung ganyan ang suporta nila, wala tayong magagawa, ang magagawa ko lang ay ay i-share ko dito ang na-picturan kong kalabaw sa aming probinsya. Habang mainit-init pa ang tungkol sa pambansang hayop ng Pilipinas, pero sa akin naman ay walang bahid ng pulitika dahil itim pa rin ang orihinal na kulay. Lol.😬🐃

@Fherdz

Pag ganito karaming bugs ang makikita mo sa taniman mo, siguradong patay ang mga pananim mong mga gulay kung mapabayaan.😬 Kadalasan sa kamote, sitaw at kalabasa mo makikita ang ganitong insekto. Mga perwisyo ito dahil sinisira nila ang mga tanim mo, kumakain at sinisipsip nila ang mga katas mula sa mga dahon, sanga, tangkay, at prutas. Maraming ganito sa tanim ng kapit bahay namin kaya picturan na yarn. Kaya ito ang share ko sa inyo dito.😁 Leaf-Footed Bug (Physomerus…

@Fherdz

Malapit na ang Halalan. Saan ka sa tamang daan o sa limang daan? Wag ganun, 1k dapat. Lol. 😂 Kahit sabihin nilang "tanggapin ang pera at iboto ang nasa konsensya" halla ka, makonsensya ka.😂 Nais ko lang ipaalala sa ating lahat na wag natin sirain ang relasyon natin sa kapamilya, kaibigan, katrabaho, kaklase, at kapwa natin dahil iba ang opinyon natin kung sino ang “best” president ng bansa natin. May kanya-kanya tayong karapatan bumoto kung sino ang nakikita natin na…

@Fherdz

Napakaganda at kamangha-mangha ang mga nilikha ng ating Diyos. Kaya kapag tayo ay nanghihina, tumingin tayo sa maliliit na bagay upang makita ang pambihirang lakas ng Diyos sa lahat ng Kanyang nilikha. Isang maliit na Tortoise Beetles na naman ang aking nasilayan. Handog ko sa inyo at sana ay magbigay kasiyahan at ngiti sa inyong pusong napapagal. Magandang hapon sa ating lahat.🙃 Tortoise Beetle🐞

@Fherdz

Ahas ba kamo?🐍 Ito ang nakita ko kaninang umaga sa may damuhan sa likod ng office. Ganda ng kulay at mata, sayang lang diko ma- picturan ng malapitan dahil mahirap na. Kaya ibayong pag-iingat muna ang kailangan,kahit mukhang mabait pero baka biglang tuklawin ako eh.😬 Hindi ko alam kung ito'y makamandag ang ganitong klasing ahas. Basta ang alam ko ang tunog ng ahas kasi noon HISSssss….🐍 Pero ang tunog ahas ngayon BESssss…👻 Kaya doble ingat nalang muna baka matulad ka sa iba,…

@Fherdz

Uso na naman ang scam, pati sa text message walang patawad sa pag-send baka sakaling makabingwit. Kung ano-ano na ang natatangap kong mga pakulo nila. May pera daw ako, may offer ng work from home, ganitong sahod at iba pa. Kaya doble ingat nalang lalo na sa link na binibigay, wag nating i-click para safe. 😉 Kung na-scam ka noon ng maling tao, sana nadala ka na. Kaya doble ingat na para hindi na muling madapa.😁

@Fherdz

Lunch na! Pero bago ang lahat, Ako po ay nagpapasalamat at pinagpala dahil hindi lang sa blessings na pagkain kundi dahil simula ng pumasok ako sa work Ikaw na ang naging Boss ko. Na transfer ma ako sa ibang branch pero dahil sa pandemya bumalik ulit ako. Thank you Ma’am @ZanneV Good luck and wish you all the best in your next endeavor! Hindi ito paalam dahil kita-kits pa tayo sa online world. Kaya arat na kain na!😋😋

@Fherdz

Sa aking pagninilay-nilay Ikaw ang aking karamay Kahit paano ay napawi ang lumbay Yung akala mo'y walang ng saysay Ang ganitong klase ng buhay Pero andiyan ka para umagapay. Yung nakaupo ka lang habang may hinihintay, pero may isang maliit na kaibigan na dumalaw. Maraming salamat munting kaibigan at ikaw ang ginamit ng Diyos bilang instrumento para mapasaya ang araw ko.🙃🦋