read.cash Log in
@Fherdz more from that month

Wag tayong madiscourage sa “slow progress” na nangyayari sa atin para ma -achieve ang goal natin, ang importante ay “merong progress” na nangyayari at nagimprove ng pakonti-konti araw araw. Maging consistent lang tayo at sana matutunan natin ma-appreciate ang importansya ng consistent daily habits dahil ito ang tutulong na sa atin na mapalapit sa goal natin. At sana ay ganito rin sa pananampalataya natin sa Panginoon. Madami sa atin ang hangad na maggrow ang faith o lumalim ang relasyon sa Panginoon pero wala naman tayong ginagawa para ma-achieve ito. Build a good habit na tutulong sa atin para lumago sa faith natin sa pamamagitan ng pagdarasal at pagbabasa ng Kanyang Salita. Isipin nalang natin, paano natin makikilala ang Panginoon kung hindi naman natin binabasa ang Salita Niya na naglalaman ng lahat ng bagay na tungkol Sakanya at ng lahat ng bagay na dapat natin gawin at mga bagay na hindi dapat natin gawin para mapalapit tayo Sakanya. Mapagpalang araw sa ating lahat.😉🙏

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.