Nakakalungkot lang na may mga taong mas pinipiling tingnan kung ano ang kulang sa kanila kaysa magpasalamat sa kung anong meron sila. Piliin mong laging magpasalamat sa kung ano mang meron ka dahil pinagpala ka rin. 🙃 Pagkatapos ng ulan may mga raindrops! Ito'y biyayang mula sa Langit. Pinagpalang gabi sa ating lahat.
@Fherdz in February 2022
Blue-banded Bee 🐝 (Amegilla cingulate) Ang Amegilla cingulata, ay karaniwang kilala bilang Blue-banded Bee, nangangagat ngunit hindi kasing agresibo ng ibang mga bubuyog. Mabilis at mailap ang mga ganitong bubuyog kaya mahirap kunan ng magandang anggulo. Kailangan mo ng mahabang pasensya at timing para makakakuha ng magandang shot. Kaso sa mga kuha ko ay puro nakatalikod. Lol 😁Sana kapag nakakita ulit ako ng ganito ay makunan ng nakaharap at magandang closeup. Mamgandang…
Last Month ay nagkaroon ng problema sa payroll account namin sa isang kilalang Banko dito sa Pinas. Dahil karamihan sa amin ay nakatanggap ng text message bilang babala na nagpapaalam sa amin na mayroong " An unusual transaction ". Ang kagandahan naman merong fraud detection system sa bank, ang seste nga lang temporarily blocked ang atm namin. Ibig sabihin di kami maka withdraw gamit ang atm namin. Kaya ang payo sa amin mag report daw kami sa pinakamalapit na bank sa amin…
Isa pang Moth ang gustong ibahagi sa iyo dito. Marahil ay nakakita na kayo ng ganitong uri ng moth ngunit para sa akin ito ang unang pagkakataon. Dahil humigit-kumulang 160,000 species ang mga moth, sinusubukang i-google kung anong uri ng species ito ngunit walang eksaktong pagkakakilanlan. Ang pinakamalapit na uri ay Macrobrochis gigas moth sa pamilya ng Erebidae. Pero kung alam niyo baka naman pwedeng paki comment nalang sa ibaba. Maraming salamat at magandang araw sa…
Ang mundong ating ginagalawan ay walang katiyakan ang Diyos lamang ang tiyak. Hindi nakakagulat na ang mga bagay ay nangyayari nang walang katiyakan. At wala tayong magagawa tungkol dito. Kaya magtiwala ka sa Diyos sa lahat ng bagay na mayroon ka, sa iyong pera, sa iyong karangalan, sa lahat ng materyal na bagay na tinataglay mo sa buhay. Dahil kayang baguhin ng Diyos ang iyong sitwasyon sa isang kisap-mata. Siya pa rin ang soberanong Diyos higit sa lahat. Dahil puno na ng…
Minsan kung may problema ang natural tendency natin ay isolve kaagad yung problema. Pero alam din natin na meron mga problema na kahit gusto natin diskartehan ay sadyang imposible at wala na sa kontrol natin. Ito yung mga sitwasyon na hirap tayo, na parang bibigay na tayo dahil parang walang pag-asa. Nais ko kayong i-encourage na imbis na pinipilit natin laging diskartehan ang mga sitwasyon natin ay sana matutunan natin ilapit ito sa Panginoon. Dahil Sakanya ay walang…
Buti pa ang kape nireremind kang kaya mo 'yan, Samantalang yung iba diyan bigla ka nalang pinabayaan. Magandang hapon mga kabayan Halina kayo at ako'y inyong samahan.☕
Lesser Cream Wave🦋 (Scopula immutata) Nauna kong ibinahagi dito na maraming species ang Moth. Kaya minsan mahirap tukuyin kung ano ang eksaktong pagkakakilanlan ang mga ito. Pero ang ibabahagi ko ngayon ay isang maliit na Lesser Cream Wave moth na nakunan ko noon sa probinsya namin. Ito ay kadalasang matatagpuan sa kagubatan at kakahuyan, na ayon sa aking nabasa ay ang pangunahing pagkain nila ay mga damo at maliliit na halaman tulad ng dandelion. Magandang araw sa ating…
Mabuti ang Diyos anuman ang mga pangyayari na ating kinakaharap! Siya ang nagbibigay sa atin ng biyaya at lakas upang matiis ang ating pasakit at pakikibaka at gumawa ng paraan upang magtagumpay at magwagi. Dahil ang bawat pagsubok ay isa lamang pagkakataon upang magtiwala sa ating Panginoong Lumikha. Mapagpalang araw sa ating lahat.🥰
Ramdam na ramdam na ang init ng pulitika sa social media, Lalo na ngayong opisyal na nagsimula ang kampanya. Ang mga botante at panatiko ay kanya kanyang simpataya. Sa kanilang sinusuportahang kandidatura. Sila-sila na ang babangayan para sa pambato nila. Para maipagtangol lang ang kapartido nila. Pero sa nga lang kahit magkaiba sinusuportahan. Wag sanang dumating sa puntong mag-aaway ang magkakaibigan. Magkakaiba man ang pananaw at prinsipyo nila. Sana manatili at…
Golden Apple Snails Eggs🐌🐚 (Pomacea canaliculata) Ito ang itlog ng Golden kuhol, ang tawag sa amin ay itlog ti bisukol (Ilocano)🙂 yung golden siya pero ayaw tanggapin sa pawnshop.😁Ang mga kuhol na ito ay peste sa palayan dahil kaya nitong mangitlog ng hanggang 500 sa isang Linggo. Mabilis silang dumami at maging perwisyo sa pananim na palay. Sabi ng iba, laman tiyan din yarn, dahil masarap daw itong gawing adobo at gawing pulutan.😁
Napakahalagang planuhin ang ating mga goal sa buhay dahil kung wala ito hindi natin alam kung anong direksyon ang ating tatahakin. Para tayong umaabanting bulag. Ngunit alam niyo ba na mas importante sa pagset natin ng goal or plan ay ang pag-align natin ng goal at plan natin sa plano ng Panginoon sa buhay natin. Dahil kung hindi ito aligned, hindi tayo magiging successful. 🙂 Kung against tayo sa plano na Panginoon sa buhay natin ay para nating pinipilit umabante pero pader…
Maging matiyaga. Minsan kailangan mong dumaan sa mahirap na proseso para makamit ang mga pangarap.🙂 Pero ang masilayan kita, munti kong pusa ay sapat na. Advance happy Valentines day!❤Good Night 💤🌙🙃
Nababalot ng kulay pula ang mundo Dahil ngayon ay araw ng mga Puso Pero mag ingat nalang po tayo Kung naghahanap tayo ng ka-valentina't ka-valentino. Dahil ang pagmamahal ay parang siling labuyo Pinapainit lang niya ang nanlalamig mong Puso Sa una ay walang kasing sarap ang anghang nito Naglalagablab na tila mundo mo’y huminto Pero sa paglipas ng oras ay unti-unting naglalaho Ang anghang ng pagmamahal ay tuluyan ng nagbago.
Kumusta ang Valentine's niyo kahapon mga ka-piNoise? Sana ay naging masaya kayo kahapon. Pero sa ngayon balik Macro ulit tayo. Kaya ang i-share ko sa inyo ay isang nymph ng Sickle-bearing bush-cricket (Phaneroptera falcata). Habang masaya ang valentines ng iba, ang cricket naman na ito ay tila ang lungkot niya dahil mag-isang nagdiwang ng valentines kahapon. Lol. 😁 Kung wala kang ka valentines kahapon wag mag alala darating din ang tamang tao para sayo. Pero sa ngayon bakit…
Small Minnow Mayfly (Family: Baetidae) Ang ibabahagi ko ngayon ay isang maliit na insekto ng Mayfly na kasing liit ng lamok kaya mahirap kunan ng magandang larawan. Tinatawag itong Small Minnow Mayfly mula sa Pamilyang Baetidae. Dahil mahirap matukoy kung anong species ito ng mayfly, marahil ito ay mula sa Genus Callibaetis o Genus Acentrella ayon sa ating kaibigang google. Ito lang muna ang maibabahagi ko ngayon araw. Maraming salamat.🙃
Huwag hayaan ang iyong mga kabiguan na mamuno sa iyong buhay. Lahat tayo ay may mga pagkakamali at kabiguan ngunit tandaan na mayroon tayong opsyon na isantabi na lamang ang mga damdamin at emosyon sa mga maling pangyayari at magsimulang muli. Pinatawad tayo ng Diyos, pinipili Niya na huwag alalahanin ang ating mga kasalanan. Mamuhay tayong may pag-asa dahil ang kabiguan ay hindi ito ang katapusan kapag patuloy tayong sumusulong! Magandang gabi sa ating lahat.🙃
Ang pagkabalisang isipan at magulong sitwasyon ay palaging nararanasan sa buhay na ito, ngunit hanggang kailan mo pinanghahawakan ang pagkabalisa? Kaibigan, hindi mo kailangang mabuhay sa pagkabalisa maliban kung pipiliin mo ito. Lumapit at humiling sa Diyos na kumilos sa iyong puso, nangako Siya na bibigyan ka Niya ng kapayapaang higit sa lahat ng pang-unawa. Kung handa kang magtiwala sa Kanya, palalayain ka Niya.🙃 Isang maliit na paru-paro, Sa dahon ay payapang nakadapo.…
Mapait man sa simula, pero habang tumatagal ay tumatamis. Kesa naman sa matamis sa simula pero sa dulo ay naging mapait na. Buti nalang may cake na nagbigay tamis, kaya napakanta tuloy... 🎶Ikaw nga ba ang icing sa ibabaw ng cake ko.🎵🎶 Mangandang hapon, halika kayo at kape tayo.☕
Huwag kalimutan na sa pinakamadilim na panahon ng ating buhay, ang Diyos ay gumagawa ng paraan para sa atin. Palagi Siyang gumagawa sa mga mahiwagang paraan. Hindi man natin nauunawaan ang mga paraan Niya dahil Siya ay napakatalino at perpekto. Subalit gaano man kawalang- katiyakan ang buhay na ito, ang pag-ibig ng Diyos ay palaging ating seguridad. Kaya huwag nating katakutan ang ating kinabukasan dahil lagi tayong ligtas sa Kanyang mga bisig. Magandang gabi sa ating lahat🙃
Buti pa ang Pag-ibig may loyalty card plus na. Pero ang pag-big mo sa kanya kahit loyal ka iniwan ka pa rin niya.🙃 Update muna tayo sa Virtual Pag IBIG mga ka- PiNoise! Dahil may bagong loyalty card na naman, naging Loyalty card plus na ito. Ang pinagkaiba ay yung loyalty card plus may chip na parang atm card at maaari na ngayong gamitin bilang cash card kung balak mong mag-loan. Mas convenient, less hassle at mas mabilis mag-file dahil online ang lahat. Isa pang kagandahan…
Black Weevil🙃 (Otiorhynchus sulcatus) Ayon sa ating kaibigang google isa itong uri ng Black Vine Weevil at native sa Europa, ngunit karaniwan din sa North America. Dahil mahigit sa 60,000 species ang weevils na inilarawan sa buong mundo, gayunpaman maraming species ay hindi pa rin alam ng siyensya. Since nakunan ko dito sa Pinas ito, marahil isa din itong uri ng species ng black vine weevil dahil wala naman pagkaiba. At mga ito ay isang peste ng maraming halaman sa hardin.…
Palaging may mga taong hindi kapareho ang prinsipyo at paniniwala. Minsan ay hindi ka rin niya nagugustuhan pero okay lang iyon. Tandaan na hindi lahat ay may lugar sa iyong buhay. Hindi natin kailangang pasayahin ang lahat dahil hindi tayo tumatakbo sa isang paligsahan ng katanyagan. Ang ating priyoridad ay ang pasayahin at dakilain ang Diyos sa ating mga ginagawa. Kaya patuloy tayong gumagawa ng mga tamang bagay at naghahatid ng kahusayan. Magandang gabi sa ating lahat.🙃
Dahil holiday ngayon pero walang holi-holiday dahil may mga gawaing bahay na kailangang tapusin. Kaya ito munang larawan ng pizza ang i-share ko sa inyo dito. Meryenda namin kahapon pero ngayon ko lang mai-share para sabay-sabay tayong matatakam. Lol. 😁
Akala ko kape lang ang nagbibigay saya at kumukumpleto ng aking umaga. Pero pati pala good morning mo ay sapat na.🥰😂 Kape muna guys.☕☕ Bago mag laba😁
Rice Weevil bubok (Sitophilus oryzae) Yung mag saing ka na pero ganito makita mo sa rice container niyo. Ang maliit na insektong ito ay tinatawag na rice weevil o bukbok sa bigas. Kilala rin bilang grain beetle, karaniwang matatagpuan sa pantry rice at butil. Kung nakain mo na ang mga surot na ito sa kanin, huwag mag-alala. Dahil hindi nakakalason sa mga tao o hayop. Pero laman tiyan din yarn. Lol.😂 Gayunpaman, ang mga ito ay masasamang peste at maaaring makapinsala sa buong…
Long-Horned Beetle. Ang Longhorn beetle ay isang malaking pamilya ng mga beetle, na may higit sa 35,000 species. Karamihan sa mga species ay napakahaba ang antennae, kasinghaba o mas mahaba kaysa sa katawan nila. Gayunpaman, may ibang miyembro ng pamilya na ang antennae ay medyo maikli. Mahirap tukuyin kung ano ang siyentipikong pangalan ng ganitong uri ng longhorned beetle. Pero dahil nasa Pinas marahil isa itong Anoplophora glabripennis o mas kilalang Asian Long-Horned…