Napakahalagang planuhin ang ating mga goal sa buhay dahil kung wala ito hindi natin alam kung anong direksyon ang ating tatahakin. Para tayong umaabanting bulag. Ngunit alam niyo ba na mas importante sa pagset natin ng goal or plan ay ang pag-align natin ng goal at plan natin sa plano ng Panginoon sa buhay natin. Dahil kung hindi ito aligned, hindi tayo magiging successful. 🙂 Kung against tayo sa plano na Panginoon sa buhay natin ay para nating pinipilit umabante pero pader na ang nasa harap natin. Ang kung pagpipilitan natin ay maaari natin mabasag ang pader pero siguradong sugatan at injured tayo. Matuto tayong magplano ayon sa kalooban ng Diyos para please natin Siya sa lahat ng ating gagawin at upang tayo ay maging matagumpay sa lahat ng ating gagawin. Mapagpalang araw sa ating lahat 🙂
4 comments
Kaya sa bawat desisyon o plano natin sa buhay ay ipanalangin ang favor and blessings ni Lord. Kalooban parin ng Diyos and maghari at hindi ang kalooban natin patuloy lang panampalataya at ipagkatiwala sa Diyos ang lahat ng bagay na gusto natin.
Siyang tunay mam.
Amen, sir!
Amen uncle. 🙏