Last Month ay nagkaroon ng problema sa payroll account namin sa isang kilalang Banko dito sa Pinas. Dahil karamihan sa amin ay nakatanggap ng text message bilang babala na nagpapaalam sa amin na mayroong " An unusual transaction ". Ang kagandahan naman merong fraud detection system sa bank, ang seste nga lang temporarily blocked ang atm namin. Ibig sabihin di kami maka withdraw gamit ang atm namin. Kaya ang payo sa amin mag report daw kami sa pinakamalapit na bank sa amin para ipaayos at makapag withdraw ulit kami. Naayos naman kaso nga lang kailangan mo pang nakapila ng mahaba at dahil doon kinain ang oras ko dahil halfday ako doon sa banko.🙂 Pero kahapon na naman sunod - sunod na text message ang natanggap ko na galing sa bank para ipaalam na merong “an usual transaction” ulit. Nakakabahala lang dahil may mga taong ganito ang hanap buhay nila, mag scam ng di nila pinag hirapan. Kung di ka mag ingat baka maloko ka sa kanilang modus. Buti nalang din walang laman ang aking bank account. Lol. 😂 Kaya mag-ingat nalang tayong lahat dahil sa panahon ngayon dapat maging mapanuri, mapagmatyag… matanglawin😁
1 comment
Maykapat