Lesser Cream Wave🦋 (Scopula immutata) Nauna kong ibinahagi dito na maraming species ang Moth. Kaya minsan mahirap tukuyin kung ano ang eksaktong pagkakakilanlan ang mga ito. Pero ang ibabahagi ko ngayon ay isang maliit na Lesser Cream Wave moth na nakunan ko noon sa probinsya namin. Ito ay kadalasang matatagpuan sa kagubatan at kakahuyan, na ayon sa aking nabasa ay ang pangunahing pagkain nila ay mga damo at maliliit na halaman tulad ng dandelion. Magandang araw sa ating lahat.🙂
2 comments
Kunak no statwa uncle nagmayat naglaing ka lodi 👍👍
Payaman anti