Ito ay kwento ni Rachel. May asawa at dalawang anak si Rachel. Parehas silang mag asawa na may magandang trabaho. Maganda ang kanyang buhay. Hindi sobrang yaman, hindi naman din iyong naghihikahos. Kumbaga tama lang.
Nagsimula ang lahat ng makaranas si Rachel ng depresyon. Hindi niya alam ang dahilan. Okay naman ang pagsasama nilang mag-asawa. Nasa mabuting kalusugan ang mga anak.Pero sa araw araw na nagdaan naging sensitibo siya.
Madaling masaktan sa simpleng biro lang. Minsan naman siya iyong lageng nakangiti na para bang walang problema. Ngunit sa likod ng bawat ngiti at halakhak niya ay may nakakubling matinding kaaway.
Isang nilalang na walang mukha pero matindi ang kapangyarihan.
Isang boses na lageng naguudyok sa kanyang isipan ng mga masasamang bagay.
Unting unti nilamon ng boses na iyon si Rachel.
"Gusto ko ng mamatay, sawa na akong mabuhay!" Iyon lage ang laman ng isip niya.
Sa tuwing siya ay natutulog imbes na manalangin para sa magandang kinabukasan. Laman ng kanyang panalangin na sana ay matutulog siya at sana ay hindi na magising pa.
Hanggang sa naisipan niyang planohin ang buhay niya para sa mga anak niya. Isang magandang senyales, pero hindi pala... nagsimula siyang mag isip para sa kinabukasan ng dalawang anak niya. Bawat sahod niya. Tinatabi niya para sa edukasyon at insurance ng anak niya. At ang natitira ay tinatabi niya para sa burial niya.
Bawat araw na nagdaan, walang ka alam alam ang mga tao sa paligid niya sa sitwasyon niya.
Wala siyang pinagsasabihan.
Asawa, magulang man o kanyang kaibigan.
Hindi isang malaking biro ang depresyon. May mga tao nakakaranas nito. Mayaman man o mahirap. Mapa babae man o lalaki.
May kapangyarihan ang isip natin na gumawa ng bagay na hindi natin maintindihan, bagay na nakakatakot at hindi kayang pigilan.
Kaya sana tayo ay maging mapagmatyag. Kapag may nakita tayong senyales ng depresyon. Kapamilya, kaibigan o kakilala man. Wag mag dadalawang isip na bigyan sila ng atensyon. Kailangan nila ng gabay. Taong kayang makinig at susuporta sa kanila.
Dapat po may nasasabihan ka talaga nyan para, kabawas bawas.. Hihihihu Okay lang yan. Hindi parin sapat na dahilang ang depresyon para tapusin ang buhay.... Dapat makatakas tayo sa bangungot na yun