Sigaw

0 5

Magandang gabi . May gustoo akong ibahagi at gusto kong maglabas ng sama ng loob . Kaninaa ay dumalaw ang aking mga kaibigan dahil namimiss na namin magbonding at miss na namin yung mga memories na hindi na namin nagagawa . Sa kadahilanang Iba't iba na ang aming mga landas kung dati ay sama sama kami pumasok at kumain at umuwi ngayon hindi na . Dahil nagdesisyon kaming piliin ang kursong gusto talaga namin kaya't iba't iba na ang paaralang aming pinapasukann . Sumabay pa ang Covid kaya sobrang miss na namin ang isa't isa . Dumating sila dito sa bahay wala pa ang aking tito kaya't kami ay nagsasayaaaa maya't maya may kumalampag sa gate at batid kong si titoo na yon . Masiglang bmati ang aking mga kaibigan . Ngunit nagulat kami sakanyang bungad batid nya ay "Ano yan bakit kayo nandito , hindi ba kayo marunong smunod sa patakaran anong oras kayo uuwi ?, wala pa kayoong mga facmask ." Biglang natahimik ang aking mga kaibigan pansamantalang naging tahimik ang paligid . Maya't maya ay umalis sya ulit at nagsaya kaming muli at nagpatuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuloy kami magbonding . Ngunit ilang oras lamang ay dumating muli si tito at sa pagkakataong ito pasigaw na syang nagbanggit ng mga salita , pagkapasok na pagkapasok nya sumigaw sya at ang batid nya ay " BAKIT NANDITO PA KAYO ANONG OORAASSSSS KAYO UUWIIIII ALAM NYO BANG PWEDE AKONG MAKULONG SA GINAGAWA NYO SUMUNOD KAYO SA PATAKARAN WALA PA KAYONG MGA FACEMASK ANO BANG GAGAWIN NYO DITO ? MAAGGSIUWI NA KAYOO!! BAKA SABIHIN NYO MASUNGIT AKO PINAGSASABIHAN KO LANG KAYO..." natakot ang aking mga kaibigan at maya't maya ay nagsiuwi na rin .....

NOTE : Nakikitira lang po ang aking tito dito sa bahay dahil ang aking tatay ay nagtatrabaho sa ibang bansaa , at nakaface mask pong dumating ang aking mga kaibigan tinanggal lamang nila ito dahil mahirap makahinga at nasa loob lang naman ng bahay .

NOTE ULIT : Alam kong may mali rin kami dahil sa panahon ngayon mahirap na at concern lang ang aking tito pero ang akin lang sana winelcome man lang nya. At nagpaalam ako kay papa at pumayag naman sa pagdalaw ng aking mga kaibigan.

Ano sa tinginn nyo kung kayo nakaranas nito anong gagawin nyo . ???

1
$ 0.00

Comments

Naiintindihan ko na baka kapakanan lang ninyo.iniisip ng tito mo pero sana kinausap ka nalang nya ng maayos kaysa sumigaw ng ganun parang walang pinagaralan. Sorry sa term

$ 0.00
4 years ago