How to Survive! 💪 Sa buhay kahit mayayaman nagdadaan din sa hirap, di man masabing sa hirap ng walang pambili kundi hirap na di nila maunawaan kahit nasa kanila na ang lahat. Ang kahalagahan kasi sa buhay na meron tayo marunong makontento, di na hinahangad ang mga bagay na di naman abot..kung ano lang ang binigay na buhay sayo ng Diyos ay don tayo..ako di naman hangad ang yumaman sa mundong ibabaw ang hiling ko lang kalakasan magandang kalusugan..sa pamilya sa mga anak ko daig ko pa siguro ang mayaman non..mayaman sa puso..tanggap ang buhay.. Sa probinsya bago ka makapagsaing mag babayo ka muna ng palay para maging bigas bago mag saing kailangan mo munang mag igib sa balon o bukal pero ang napakasaya non kakain kayong sabay-sabay nag tutulungan magluto yon ang di matatawaran ng salapi.. Ayan dahil di piligro ang gas ko ay minabuti kong mag luto ng ulam dito sa uling matagal tagal kasi to pakuluan kaya ayan dito ko sya palalambutan..mahirap naman walang hirap sa araw-araw ganun ang buhay kung paano matapos ng payapa ang maghapon. Hahayaan ko na ng bukas di ko naman alam kong anong mangyayare bukas...ang mahalaga ay yong ngayon..tinola po pala ang ulam ko..nakaharap ako dito sa kalan nag papaypay tulo ang sipon kasi nga mausok.🤣😂
11 comments
totoo po sipagan lang din at yung stable na buhay para sa pamilya natin lalo na sa mga anak natin
Diba sissy hehe gandang tanghali anong ulam naten diyan?
Ahahaha yum ang sabaw ng tinola
Totoo sis, maging kuntento sa anumang bigay ng Diyos at magpasalamat Hindi naman masama ang pangarap na umasenso sa buhay ibibigay rin Yan sa biyaya ni Lord basta matuto tayong makuntento anuman meron ngayon upang maging masaya. Happy morning sis!
Korek sis. Kung alin ang ibigay araw-araw don ako sissy hehe..anong ulam naten dyan..
Kaya nga sis maging kontento sa araw araw na blessings para maging masaya sis :) gulay sis ang ulam at tirang ulam kahapon.
Ang sarap siguro tumira sa probinsya kase kakayod ka talaga. Minsan aaminin ko na di ako nakokontento kung sa anong meron kame dahil siguro hindi ko maibigay ang mga needs ng mga bata especially sa foods. Madalas kase tinitipid ko sila sa pag kain para maka survive kame sa pang araw araw.
traditional ways are the best
True sis, kahit anong estado ng ating buhay magpasalamat at makontento tayo
That is life mate, it's so unpredictable that's why we must always be ready to accept and to adapt.
True sis diskarte lang yan sa Buhay ..mga mayayaman na kilala ko maalalaki utang at magulo pamilya