Two days, No write

8 36

January 27, 2022. Thursday.

 

Kamusta naman po kayong lahat? Ayan ang tagal ko pong nawala dito. Matagal ba talaga? Hahahha dalawang araw lang naman po. Pero para sa akin ay medyo matagal na rin po yun nasanay din kasi ako na araw araw nag pupublish ng article o kaya naman ay kada paglipas ng isang araw. Parang sa buong pagkakataon na nandito po ako ay ngayon lang ako hindi nakapag publish ng dalawang araw. Pero bakit nga ba hindi ako nakapagsulat nitong mga nakaraang araw? At iyan nga po ang sasabihin ko ngayon sa article na ito.

 

Syempre isa po akong estudyante at alam naman na siguro ng karamihan yun. At marami kasing gawain ang mga estudyante na katulad ko ngayon, ang mga college students. Dapat nga ay Final examination week na namin ngayon pero naextend ito at sa January 31- February 4 na ito gaganapin, next week. Sayang at magpapahinga na sana kami next week kung ngayong week natuloy ang Finals. Ayan mababawasan na naman tuloy ang bakasyon namin at magiging dalawang linggo na lang talaga sya. Pero ganun talaga wala naman kaming magagawa tungkol doon at tanging pagsunod lang ang magagawa namin sa ngayon.

 

Ang dahilan po kung bakit hindi ako nakapagsulat ng dalawang araw ay busy ako sa school, as usual. Laging iyan naman po talaga ang dahilan ng pagiging abala ko pero sanay na ako, buhay estudyante sabi nga nila. Tuwing wala akong klase o vacant ko ay naggagawa ako ng mga requirements, kailangan na kasing maipasa lahat ang mga kulang pang requirements bago matapos ang buwan na ito. Kaya ito naman ako, pinipilit ko din tapusin ang lahat ng kulang ko, pero hindi naman na iyun ganun karami dahil nabawasan na noong Christmas Break dahil kahit paunti unti ay sinimulan ko ng gawin yung iba.

 

Pero dahil nga po naghahabol yung mga teacher namin nagbigay na naman sila ng maraming maraming gawain, hahahhahah opo maraming gawain. Kaya naman ngarag na naman kaming mga magkakalase nitong mga nakaraang araw, simula noong lunes pa po. Medyo naiistress na nga ibang kaklase ko dahil sa tambak na naman ang mga gagawin namin, tapos hindi pa tapos yung mga nakaraang requirement ay may bago na namang gagawin. Ako pinapalakas ko lang ang loob ko para hindi ako matulad sa kanila. At tumutulong din mismo ako sa mga kaklase ko na medyo stress na, nagsesend ako sa kanila ng mga nakikitang kong tips para maka iwas sa stress o mabawasan yung stress nila.

 

Kaya naman wala na po akong free time. Wala akong time na makapagsulat pa dahil kahit yung mga vacant time ko po at nauukupa pa ng paggawa ng mga requirements. Pero pasasaan ba at malalagpasan din namin itong lahat, magtulungan is the key lang talaga. Kailangan talaga sa panahon ngayon ay hindi ka magdamot sa mga kaklase mo na kailangan ng tulong syempre ganun din kapag ikaw na ang nangangangailangan, dapat tumulong din sila. Mas maganda din talaga na sabay sabay kayong magkakaklase na makakatapos sa mga gawain at pumasa, syempre dapat walang maiiwan!

 

Kaya sorry po kung hindi ako masyadong nakakapag basa ng mga articles nyo, sana po ay naiintindihan nyo. Parang hindi ko na din maachieve yung goal ko na to read 5-7 articles a day dahil 2-3 articles a day lang po talaga ang kinakaya kong basahin ngayon eh. Yung goal ko din po na to write 15 articles this month ay parang medyo malabong maachieve ko din dahil sa dami ng absent ko o araw na wala akong publish. Pero kung hindi ko man po maachieve ang mga yan sa ngayon ay okay lang dahil may next time pa naman at next month babawi na lang po siguro ako sa mga next goals ko.

 

Hindi na rin ako updated sa mga ganaps here hahhaha. Ganun din po sa mga airdrops sa SmartBCH, hindi na talaga ako active. Pati na rin po sa Noise Cash at hindi na rin ako nakakapagbasa ng mga message sa Telegram. Pero ang masasabi ko lang po ay itong read cash ay hindi ko talaga maiiwan. Kahit na po gaano ako ka-busy ay gumagawa pa rin ako ng way para makapag online dito at makapagsulat.

 

At hanggang dito na lang po. Next time na po siguro ako makakapag sulat ulit pero hindi po ako sure kung kailan. Biglaan po kasi talaga na natambakan ng mga gawain sa school eh. Pero kapag natapos ko po ng maaga yung iba kong requirements ay baka magkaroon ulit ako ng time para makapag sulat dito. Hindi ko na nga rin po nasulat sa english yung article na ito dahil medyo nagmamadali po ako pero sana po ay maintindihan nyo po. Pero Maraming Salamat po at binasa nyo pa rin ito. Hanggang sa muli po. Bye.

Thank you very much for reading, I hope you do not get tired of reading my works. Thank you for your support and trust in me and my articles. Thank you again.

I would like to thank my Sponsors who are so kind and generous. Please visit and read their articles when you have free time. Their articles are also very beautiful and great so you will definitely enjoy reading. And I also want to thank the people who always read, comment and upvote my articles. Thank you very much too. And may you all be blessed for your kindness and goodness.

Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty

Thanks for reading this.

Keep Safe and God Bless us always.

Don't Forget to Be Nice and Be Good to Everyone.

Bye.

I made it with Canva

Lead image source: Unsplash

7
$ 1.91
$ 1.75 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Giddyboy
$ 0.05 from @Talecharm
+ 2
Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty

Comments

Okay lang yun sis, dapat priority talaga ang pagaaral. Bumawi ka na lang pag may maraming time ka na. Good luck sa examination week, kaya mo na yan. Can't wait na magsulat ka about your graduation day :)

$ 0.03
2 years ago

Maraming salamat po sa pag intindi. Opo babawi na lang po ako. Ako din po hindi na makapaghintay na tungkol po dyan ang isusulat ko naman.

$ 0.00
2 years ago

Fighting langga. Naintindihan ka namin at nandito lang kami sa iyo. Basta be positive ka lang palagi at matatapos mo din yang school works mo. Pray ka palagi kay God. Andyan lang siya palagi gumagabay sayo.

Yes Langga, relate ako dun sa magtutulungan para matapos lahat at para sabay-sabay makamit yung mga goals. God bless you langga palagi.🙏

$ 0.03
2 years ago

Opo. Salamat po. Yes po hindi ko po nakakalimutan na laging humingi ng guidance kay God.

Opo mas masarap po sa feeling kapag lahat kayo ay makikita mong nakapasa kesa po makita mo na may nahihirapan.

$ 0.00
2 years ago

Yes Langga. God is always. We shouldn't forget him.🙏

Yes Langga. Dapat ganyan talaga.

$ 0.00
2 years ago

Tama po palaging nandyan si God para sa atin. Opo yan po dapat ang gawin din ng iba, magtulungan po talaga para walang maiiwan.

$ 0.00
2 years ago

Ang hirap talaga nang buhay estudyante, ganiyan din po ako as of now, ang kaibahan lang, nasa Prelim kami ulit for this 2nd sem, but yung instructors grabe na magtambak ng mga gagawin. Pero laban lang us, gagraduate din tayo soon. ♥️

$ 0.03
2 years ago

Opo eh kahirap po ng buhay estudyante. Ang aga po ata nagsimula ng 2nd sem nyo o late lang po talaga kami hehehhehe. Yes po Laban lang po tayo, kapag natapos naman na po tayo sa pag aaral magbubunga na po lahat ng hirap natin.

$ 0.00
2 years ago