Simula na!

9 51

March 21, 2023. Tuesday.

Hello everyone. Kamusta naman po kayo? Sana ay maayos ang inyong mga kalagayan at masaya po kayo saan man kayong panig ng mundo naroroon.

Martes. Martes pa lang pero ang pagod ko ay parang pang Byernes na. Nagsimula na kasi ang Practice Teaching ko kahapon, March 20, 2023 at pangalawang araw ko pa lamang ngayon.

Nakakadalawang araw pa lang ako pero parang ang sakit na talaga ng ulo ko, pagod na pagod na ako, sobrang puyat ako palagi. Well ganyan ata talaga kapag Educ ang course mo, araw araw talaga pagod. ST or student teacher pa lang po ako pero yung mga ginagawa ko ay parang daig pa ang tunay na teacher hahahha.

Ganito po kasi yan kaya nasasabi ko na nakapagod ang Practice Teaching namin. Hindi ba po dapat kapag nagpapratice teaching na ay sa Major mo ikaw magtuturo, I mean yung field of specialization mo or yung mismong subject mo lang talaga. Pero kasi kami ay 2 subject ang napuntahan. Ako po ay Food major pero meron pa akong isang subject na ituturo bukod sa foods at yun ay ICT. Alam ko naman po na part sya ng TLE pa rin pero parang ang unfair lang dahil noong nakaraang semester ay pumayag na kami na mag-exploratory subjects kami para ngayong sem ay sa Major subject na talaga kami mapunta.

Ang problema po kasi namin dyan ay yung mga pinapagawa. So 2 subjects po yan, ang sa akin ay isang foods at ICT, yung sa mga kasamahan ko ay ibat ibang subject pa po bukod sa ICT, may napunta pa sa garments, electrical, electronics, drafting at iba pa. Sa dalawang subjects po na napunta sa akin na yan ay parehas ko kailangan gawan ng presentation for discussion or kailangan kong gumawa ng visual aids araw araw. Kailangan ko din pong gumawa ng lesson plan araw araw. So it means kada araw ay 2 lesson plan at 2 presentation ang gagawin ko. And syempre hindi lang naman ako basta gagawa ng presentation at ng lessons plan na yan dahil kailangan ko munang aralin ang ididiscuss ko especially sa ICT. Hindi ko naman major ang ICT kaya hindi ako ganun kaalam sa mga nilalaman ng subjects na yan kaya ibig sabihin ay aaralin ko ulit talaga ang ICT bago ko ituro.

Ang schedule ko po sa pagpasok sa school ay 7:30 am to 3:00 pm. At ang hati ng sched ko ay 3 ICT sa umaga, 7:30 to 11:00 at 3 foods sa tanghali at hapon, 11:00 to 3:00. So it means ang vacant ko lang talaga ay lunch break. Imagine that simula umaga hanggang hapon ay magsasalita ako ng magsasalita o magdidiscuss ako sa harap ng mga bata na minsan ay ang kululit pa. Hindi kaya maubos ang boses ko nun?

Tapos pag uwi ay galing school ay hindi rin naman ako agad makakapahinga dahil gagawa ulit ako ng bagong mga presentation at lesson plan para naman sa kinabukasan.

Kung sa iba ay madali lang gumawa ng lesson plan at mga visual aids na yan or PowerPoint presentation na yan, sa akin ay hindi. Ikaw na naman galing ang utak mo sa paggawa ng lesson sa foods tapos biglang magshi-shift sa ICT. As in araw araw ay dalawang lessons talaga ang gagawin ko tapos magkaibang subjects pa talaga. Hindi ko nga alam kung hanggang saan ko pa kakayanin eh hahahha sa totoo lang po.

Kaya naman masasabi ko na Simula na talaga ng mga abala kong araw!

So kapag nawala na naman po ako sa mga susunod na araw at hindi nyo na naman po ako napansin dito at sa ibang platform ay alam nyo na po ang dahilan. And hindi ko po talaga sure kung kailan ako magkakaroon ng maluwag na schedule ulit, siguro sa bakasyon na po yun hahahahha.

Anyway hanggang dito na lang po. Gusto ko lang po talaga isulat, ikwento ito and at the same time ay mag update na din po.

That's all. Thank you so much po sa pagbabasa nitong aking article. God bless po sa inyong lahat and stay safe always.

I made it with Canva.

Lead image source: Unsplash

5
$ 0.18
$ 0.16 from @TheRandomRewarder
$ 0.01 from @LykeLyca
$ 0.01 from @JRamona20
Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty

Comments

mas nakaka nosebleed pala talaga ang pure Filipino language ang gamitin compare sa English grabeee

$ 0.00
1 year ago

Wow! Okay lang yan sis at least malapit na sa graduation.. Isipin mo nlng na soon araw2x mo na rin gagawin yan hehe!

$ 0.00
1 year ago

Yes po thank you po. Opo eh hahaha nagrereklamo ako ngayon pero araw araw ko nga po pala gagawin ang pagtuturo someday hahaha.

$ 0.00
1 year ago

Sobrang busy mo pala langga. Always good health langga. Inom ka ng vitamins then rest din langga. God bless always.

$ 0.00
1 year ago

Opo kaya hindi na nga rin po ako makapagreply at hindi na ganun ka active po din kasi ang dami po talagang gawain. Yes po umiinom po ako vitamins. God bless din po sa inyo.

$ 0.00
1 year ago

Ako rin nagstart na OJT ko and medyo nasasanay na rin naman ako sa lamig ng office. Sinisipon lang konti hehe

$ 0.00
1 year ago

Good luck po sa OJT nyo. Hehehe baon po kayo jacket.

$ 0.00
1 year ago

Medyo nakakapagod nga yung schedule mo pero kaya mo yan basta focus lang.

$ 0.00
1 year ago

Opo pasasaan at masasanay din po ako. Kaso yung gastos lang po talaga ang problema ko eh.

$ 0.00
1 year ago