Promise

3 44
Avatar for Expelliarmus30
1 year ago
Topics: Promise, Hope, Birthday, Celebration, Day, ...

November 23, 2022. Wednesday.

Hello kamusta naman po ang lahat? Sana ay nasa maayos kayong kalagayan.

Hindi na sana ako susulat ngayon dahil medyo pagod ako pero dahil naalala ko na may goal nga pala ako ngayong month which is to write at least 20 articles ay bigla akong natauhan hahaha. Hindi muna pwedeng umiral ang katamaran ngayon lalo na at may goal tayong kailangang maachieve.

So kung hindi naman ako dapat susulat ngayon ay ano ang magiging topic ko? Well magkukwento na lang ako ng nangyari sa araw ko kahapon tutal hindi rin ako gumawa ng article kahapon at kung anong nangyari sa araw ko ngayon.

Kahapon ay birthday ng Lolo ko. Wala kaming pera o budget pang handa dahil nagamit namin ang pera sa mga kailangan namin dito sa bahay. Sumasapat lang kasi ang kinikita o sinasahod ng mga tao dito sa bahay sa pang araw araw na gastusin. Pero kahit na walang naging handa ang lolo ko sa kaarawan nya ay nairaos naman namin yung ng maayos. Kumain lang kami ng tanghaliaan sa bahay ng sabay sabay at yung madalas na ulam lang din namin araw araw yung ulam namin. Yun naman ang mahalaga eh, kahit wala kang handa sa birthday mo basta ayos ang kalusugan mo at wala kang dinadamdam na sakit ay ayos na yun.

Pero noong nakaraang linggo na bumisita ang isa kong tita dito sa bahay namin ay nagpromise sya sa lolo ko na pupunta sila sa bday ng lolo ko at hahandaan nila ito. Sinabi pa nga ng tita ko na yun sa mama ko ay susurpresahin nila ang lolo ko. Umasa kami na mangyayari nga ang pinangako ng tita ko na yun pero umasa lang pala kami sa wala. Walang bumisita sa lolo ko kahapon birthday nya kung sino sino lang kaming nandito sa bahay ay yun lang din ang kasama nya.

Naisip ko lang na sana ay hindi na nagbitaw ng salita or hindi na nangako ang tita ko na yun para sana ay hindi na kami umasa. Nakita ko tuloy ang lungkot sa mata ng lolo ko kahapon. Nakita ko na hinihintay nya talaga na may dumalaw sa mga anak nya pero hindi yun nangyari. Ang ginawa ko na lang tuloy para kahit papaano ay nagpatugtog ako ng mga old songs. Paborito kasi ng lolo ko ang pakikinig sa mga kanta at sa tingin ko naman ay sa simpleng bagay na yun ay nabigyan ko ng saya ang lolo ko na may kaarawan. Nagtatampo lang talaga ako sa tita ko na yun kasi pinaasa nya kami at ang lolo ko, sana talaga hindi nya na lang sinabi na pupunta sya dito sa kaarawan ng lolo ko para hindi na naghintay yung tao.

And yan nga yung nangyari kahapon. Hundi na ako masyadong makukwento dahil mas nalulungkot lang ako kapag naaalala ko yung mga nangyari kahapon.

Ngayon naman ay pumasok ako sa school kung saan kami nagfifield study or kung tawagin yun ng iba ay OJT.

Nagdiscuss sa ako ngayon sa mga Grade 10 students na inoobserbahan namin. Malapit na rin kasi matapos ang duty namin sa school kaya malapit na rin kaming umalis doon. Hindi pa dapat talaga ngayon ang schedule ko para magdiscuss pero dahil baka next week ay wala na kami sa school ay naki usap ako sa Cooperating Teacher ko o CT na ngayong araw ko na ididiscuss yung topic ko. Buti at pumayag sya. Mabait din naman kasi talaga yung CT ko na yun.

And yan lang yung nangyari sa akin today. Well hindi naman totally yan lang dahil napagod nga ako ng sobra ngayong araw pero yan na lang muna ang isheshare ko sa inyo.

And that's all for today. Salamat ng marami sa pagbabasa nyo ng article ko na ito.

God bless sa ating lahat.


I made it in Canva

Lead image source: Unsplash

3
$ 0.45
$ 0.40 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @ARTicLEE
Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty
Avatar for Expelliarmus30
1 year ago
Topics: Promise, Hope, Birthday, Celebration, Day, ...

Comments

Sana man lang tumawag un tita mo. Pero may valid reason naman siguro. May mga bagay talaga na di maiwasan. Happy birthday sa lolo mo!

$ 0.00
1 year ago

Oo nga po eh. Pero nakita po namin sa my day nya nag resort po sila hehehhe. Pero okay lang po. Maraming salamat po. ❤️

$ 0.01
1 year ago

Ah un naman pala hehe.

$ 0.00
1 year ago