Usapang Pag Ibig
November 18, 2021. Thursday. Ngayong araw ay pag uusapan natin ang pag ibig. Pasensya na kayo dahil kung ano lang ang lumabas sa isip ko tungkol sa topic na ito ay yun lang din ang mismong isusulat ko. Hihihi sorry po. Ano nga ba ang kaya mong gawin para sa "**love**"? Sabi nila love daw ang pinaka masarap na bagay na mararamdaman mo sa buong buhay mo. Ang mahalin ka ng isang tao o magmahal ka ng isang tao ay napakasarap sa pakiramdam. Pero sabi din nila minsan nakakabulag ang pag ibig lalo na kapag sobra ka ng nagmamahal at hindi mo na nakikita ang mga nasa paligid mo at hindi ka na nakikinig sa sinasabi sayo ng ibang tao. “**Love is Bind**” sabi nga nila.
**Image source** https://www.dreamstime.com/love-blind-hand-lettering-love-blind-hand-lettering-white-background-image108711314 Kaya mo rin daw gawin ang lahat para sa taong mahal mo, kahit pa ang mga bagay na hindi mo nagagawa noon para lang mapasaya sya. Isusugal mo ang lahat para lang sa pag ibig at para maging masaya kayong dalawa.
**Image source** https://www.123rf.com/photo_90657873_stock-vector-love-at-first-sight-calligraphy-isolated-qoutes-.html Naniniwala ka ba sa “**Love at First Sight”**? Ako oo, hindi ko man maipaliwanag kung bakit pero naniniwala pa rin ako. Hindi naman kasi malabo na mangyari nga yan sa totoong buhay dahil may mga tao na nakaka experience nito at kinukwento pa ang love story nila. Kayo ba naexperience nyo na nakita nyo pa lang ang isang tao na ito sa unang beses ay naramdaman nyo na ang pag ibig o love na sinasabi nila?
**Image source** https://wallpaperstock.net/first-love-never-dies-wallpapers_w53421.html “**First Love Never Dies**” eh sa quote naman na iyan, ano ang masasabi mo o opinyon mo? Wala pa kasi akong first love kaya tinatanong ko Hahahha. Totoo nga ba na ang unang taong minahal mo ay hindi mo makakalimutan kahit pa na ang mga sumunod mong pag ibig ay mas higit naman sa kanya? Hmm? Sagutin nyo po ito, alam kong yung iba dyan ay may magandang sagot o paliwanag para sa tanong na ito. Ipapasa ko na lang po sa inyo ang tanong dahil hindi ko pa naman po iyan masasagot sa ngayon.
**Image source** https://quotefancy.com/quote/805773/Francis-Chan-True-love-requires-sacrifice “ **Love is Sacrifice**” Hanggang saan nga ba ang kaya mong isakripisyo para sa taong mahal mo? Kahit ba nahihirapan ka na sa sitwasyon nyo ay ipagpapatuloy mo pa rin dahil mas pinapahalagahan mo ang pag iibigan nyo. Kung hindi na ba sya masaya sa iyo ay kaya mo syang palayain at pakawalan para lang sa ikasasaya nya? O kahit na nakikita mo na meron na syang iba ay hindi mo na lang ito papansinin dahil mahal mo sya at ayaw mong mawala sya sa piling mo? Ganyan ba ang sinasabi nilang love is sacrifice? Kung oo, grabe talaga ang dulot ng pag ibig sa atin di ba?
**Image source** https://www.123rf.com/photo_93474657_hand-lettering-love-is-patient-biblical-background-christian-poster-card-scripture-wedding-valentine.html “**Love is Patient**” eto ba yung sinasabi nila na kayang mong maghintay sa isang tao kahit gaano pa katagal? O yung tipong hinihintay mo na magustuhan at mahalin ka rin ng isang taong matagal mo ng minamahal? O ito yung sinasabi nila na kaya mong intindihin palagi ang taong mahal mo kahit ilang beses pa syang nagkakamali? Kapag love talaga ang usapan ay may kanya kanya tanong pananaw at opinyon tungkol dyan. Iba iba tayo ng interpretasyon sa salitang love, dahil sa totoo lang ay napakarami naman talagang pwedeng ibigay na kahulugan sa salitang iyan. Pero bandang huli ay iisa lang naman ang kapupuntahan ng salitang pag ibig, katulad nga ng sinabi ko sa una, ang pag ibig ang pinakamasarap na pakiramdam. Pero minsan ay nagduldulot din ito ng sakit sa atin at kaakibat naman talaga ng pag ibig yun. Lagi nga nilang pinapa alala sa atin di ba? **Kung handa kang magmahal ay dapat handa ka ring masaktan**. Ang mga problema at pagsubok din naman talaga ang nagpapatatag sa pag iibigan ng dalawang taong nagmamahalan kaya parte talaga ng pagmamahal ang masaktan dahil ito din ang magbibigay sa ating ng kalakasan. At hanggang dyan na lang po muna. Bigla lang pumasok sa isip ko ang salitang “**Love**” kaya iyan na rin po ang naisipan kong i-topic ngayong araw. Tutal napakagandang usapin din naman ang pag ibig. At sya, maraming salamat po sa inyong pagbabasa at sana ay nag enjoy kayo po dito kahit papaano. Hanggang sa muli. Maraming Salamat sa inyong pagbabasa, sana ay huwag kayong mapagod na basahin ang aking mga gawa. Salamat sa inyong suporta at tiwala sa aking at sa aking mga articles. Salamat muli. `Gusto ko magpasalamat ng sobra sa aking mga Sponsors na sobrang babait at generous. Bisitahin at basahin nyo rin sana ang kanilang mga artikulo kapag mayroon kayong libreng oras. Sobrang gaganda din ng kanilang mga gawang artikulo at sigurado ang mageenjoy kayo sa pagbabasa. At gusto ko din palang magpasalamat sa mga taong palaging binabasa, nagcocomment at nag uupvote sa aking mga artikulo. Maraming salamat din sa inyo. At nawa ay pagpalain kayong lahat dahil sa taglay nyo kabaitan at kabutihan.` **Thanks for reading this.** **Keep Safe and God Bless us always.** **Don't Forget to Be Nice and Be Good to Everyone.** **Bye.**
****Lead image source: Unsplash****
26 comments
Parang nakaranas na ng pag ibig si ineng.. Totoo lahat yang mga isinulat mo diyan ,pero ang firts love never dies ,ewanmko lng kung totoo ba ito
Hahahah hindi pa naman po. Love for family and friends pa lang po. Hmm? Whats happen to your first love po ba? Hahaha joke lang po hindi naman po ako si marites para magchika chika hahhaha.
Hahaha kinalimutan ko na yon died na siya sa heart ko
Ah sige po wag na po natin ungkatin ang nakaraan hahhaha.
Lahat ng content mo sa article ay totoo talaga! Lalo na sa "live at first sight" hehehe kasi naexperienced ko na rin ang ganyang affection at aabot pa sa puntong lutang kana heheheh.
Hahahahah kamusta naman po ang love life nyo ngayon? Nakatuluyan nyo po ba yung tao na nalove at first sight ka po?
Hindi po, iniwan lang ako bigla.
Ay ang sad naman po nun. Bigla na lang pong nang iiwan.
Pinili niya ang Manila para magtrabaho at di bumalik.
Ay sayang naman po. Pero okay lang po yan marami pa naman pong dadating na tao sa buhay nyo.
Bobo ako sa mga usaping pag-ibig. 47 na ako hindi ko pa yata naramdaman yan haha 😆
Ay hala. Parang it's time for you to find your special someone na po. Pero sabi nga nila kusa naman po iyung dadating sa inyo.
Love has a lot of meanings but if you ask me what be the best meaning of love.. that would be Love is pure that when tainted you can never let it be pure again
Ang galing po nito mommykim. True po kaya kailangan ay wag po dudungisan ang love kasi kapag nadumihan na sya ang hirap ng ibalik sa dati.
di na xia magiging pure
Tama po mommykim. 👍
Love is like a bubblegum, mababaliw ka pagdumikit sayo hahaha..Quote namin yan nung kabataan namin sa Bisaya, "Love is like a bubblegum, kung mupilit makabuang".
Ayy gusto ko po itong quote nyo kasi totoo po sya na kapag dumikit sayo ang love mahirap ng tanggalin hahahha.
Hehe oh di ba sis.
Magagamit ko po itong quote na ito kapag tinanong po sa aking "what is love?" Hihihi
Happy ako sis kung ganun :)
Opo natuwa po ako sa quote na iyan. Tsaka ngayon ko lang po talaga sya narinig. 😊
Owww wow love love love here. Pumapag ibig ata si author ayiehhhhh hehehhw joke. To love is to cry. That's reality. You can never truly love someone if you can't cry or feel a pain. Those tears and pain will turn us into a strong and better one.
Hahahah hindi naman po bigla lang pong pumasok sa isip ko po. Correct po kayo dyan.
My boss said to me that love is not blind it sees but it doesn't mind.
Tama po ang boss nyo dyan.