Ibalik sa Dati Ang Mundo

4 84

Isang taong mahigit na tayong ganito,

Dika ba naglulungkot sa sitwasyong Ito?

March 2020 nang magsimula ang mga pagbabago. Lahat ata ay nabago nito. Ang pamumuhay ng mga Tao, at kalarakan ng ating Mundo. Isang nakakahawang sakit daw ang lumalaganap sa buong Mundo. Nakakabahala lahat ay daw pwedeng tamaan nito, bata, matanda, o kahit mapa-sanggol pa man. Pinag iingat ang lahat, nagtalaga ng batas, pinagbawalan na Ang lahat na lumabas ( lockdown ). Hindi handa Ang lahat para dito, maraming ang nagpanic at natuliro.

Marami ang nahirapan at nagdusa dahil sa pandemyang ito. Maraming tinamaan ng sakit at ang iba pa ay nawalan ng Mahal sa buhay. May mga Tao rin na naging kalunos lunos ang sitwasyon, maraming Tao ang mga nagugutom sa kawalan ng trabaho. Ang iba naman ay naapektuhan ang Mental Health, na- stress, depress at iba pa.

Tumagal ang ganitong sitwasyon. 2021 na ganun parin, may pagbabago man ng kaunti ay hindi pa rin natin nasusugpo ang nasabing mapanghawang sakit.

Paano nga ba natin maibabalik sa normal ang lahat?

Nakaka miss na ng sobra ang dating buhay natin bago pa man dumating ang pandemyang ito. Dating buhay kung saan Malaya tayo at nagagawa Ang lahat ng ating gusto.

Nakakalabas tayo at nakakapunta kung saan saan. Kahit pa umabot Tayo ng hating-gabi ay ayos lang. Yan Ang mga bagay na di na natin magawa sa ngayon. Nagkukumpulan at nagkwekwentuhan sa kalsada kasama ang barkada, nakakakain sa mga park at ibat-ibang pasyalan maka attend ng birthday party o fiesta at marami pang iba. Lahat yan ay malimit na nating magawa sa ngayon.

Kaya naman ganun na lang ang ating pagkagusto na maibalik sa dati ang lahat. Siguro ay pagtutulungan at pagsunod sa mga alituntunin lamang talaga ang kailangan nating gawin upang masolusyunan ang kinakaharap nating suliranin sa panahong ito.

Isang makasayasayang araw kung kailan man tuluyan nating masususgpo ang pandemyang ito. Isang araw na karapat dapat nga namang ipagdiwang at ipag-bunyi. Kung kailan man ito mangyayari ay paniguradong inaabangan na nag lahat dahil matagal na natin itong inaasam.

Konting tiis at tyaga na Lang. Samahan na din natin ng tiwala sa isat-isa at tiwala sa ating ama ay malalampasan din nating ang pagsubok na ito.

Kaya natin ito wag lamang tayo mawalan ng pag-asa, lumaban lang tayo at wag sumuko. Kilala ang mga Pinoy sa pagiging palaban kaya sabi nga nila " Covid Lang Yan, Pinoy Tayo". Lilipas din ito napakabilis lang naman ng takbo ng panahon, Malay natin bukas paggising natin ay bumalik na sa dati ang Mundo.

Authors Note:

I just write this article just to motivate everyone, and not to lose hope.

Credits to the owner of my lead image

Source: https://theconversation.com/coronavirus-is-a-failure-of-global-governance-now-the-world-needs-a-radical-transformation-136535

Stay safe

Don't forget to Be Nice and Good to everyone.

Bye.

Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty

3
$ 0.16
$ 0.10 from @FarmGirl
$ 0.03 from @mommykim
$ 0.03 from @ARTicLEE
Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty

Comments

Sa Cebu parang normal na hehe https://www.youtube.com/watch?v=CXypNnBck_g.
Tama, tiis lang muna tayo. Kaya natin to. Mahirap man pero tiwala lang. Tulungan natin ang kaya nating tulungan.

$ 0.01
3 years ago

Buti Po sa inyo medyo maluwag na pala. Samin po medyo mahigpit pa eh. At Tama Po pagtutulungan Lang talaga Ang kailangan.

$ 0.00
3 years ago

babalik din sa dati lahat...di man kagaya nang dati talaga pero at least bumabalik pag ka tapos nang pandemyang ito.

$ 0.01
3 years ago

Opo, pasasaan at lilipas din ang lahat ng problema at babalik din Tayo sa dati. At Sana po very soon na Po Yun.

$ 0.00
3 years ago