Ang Tupperware at Ang Payong

11 112

Tupperware- used for plastic food storage containers with tight-fitting lids.

Source: www.merriam-webster.com

Umbrella ( Payong in Tagalog) โ€“ something which covers or embraces a broad range of elements or factor.

Source: www.merriam-webster.com

Good Day Everyone !

Naisip kong isulat ito dahil gusto ko lang alalahanin at balikan ang mga nakaraan ko, nung Bata pa ako. Sobrang kulit ko pa noon, medyo matigas din ang ulo, syempre normal naman yun sa mga Bata. Palagi din ako nagbibilad sa araw dahil sa pakikipaglaro. Simula noong elementary palagi na akong nasa kalsada kasama ang mga kalaro ko o Kung minsan ay mga kaklase. At hanggang mag high school na ako ay nakikipag laro pa rin ako, eto yung mga panahon na halos dipa uso yung mga gadgets na yan kaya wala pang social media na kinaaadikan ng mga kabataan ngayon. At normal din noon na kahit high school na ay naglalaro pa, iba na kasi ang mga kabataan ngayon parang maaga silang nagmamature.

May dalawang bagay Lang akong naaalala na dapat ay paligi kong dala pag uwi galing sa eskwelahan. Dalawang bagay na pinakaimportante nung Bata pa ako. Dalawang bagay na hindi ko pwedeng kalimutan dahil akoโ€™y mapapagalitan.

Simula Elementary ata hanggang Junior high school ay hindi nawala ng dalawang bagay na yan sakin.

Lagi akong may dalang Tupperware kapag papasok sa school dahil dito nilalagay ng aking ina ang baon kong mga pagkain. Minsan pananghalian at minsan pangmiryenda. Ang payong naman ay lagi ko din dala dahil kailangan ko daw ito palagi, umulan man o umaraw.

Binabaunan ako ng aking ina ng pagkain upang hindi daw ako magutom sa paaralan. Ayaw nya na hindi ako kakain kaya hindi sya nakakalimot magpabaon sa tuwina. Ang Tupperware na meron kami ay yung makukulay at iba't iba ang size.

Meron akong laging dalang payong at ito ay laging nakalagay sa loob ng aking bag. Hindi ko din pwede kalimutan na dalin ito palagi. Pero noong elementary pa lang ako ay yung mahaba ang tangkay at hindi yung folding na payong ang binibili sa akin ni mama. Kaya madalas ay nalilimutan ko sya sa school dahil sinasabit ko lamang sya sa mga bintana ng aming classroom dahil Hindi kasya sa aking bag.

Natatawa lamang ako dahil ngayon ay ginagawan ito ng mga kabataan ng kalokohan, sinasabi na mag Mahal pa ng ating mga Ina Ang tupperware at payong, dahil pag ang tupperware nawala mo at ang payong ay nasira mo lagot ka na dahil papagalitan na ka nyan.

Ewan ko lang kung sa iba ay ganito din, panigurado hindi lalo na sa may mga kaya sa buhay ang pamilya. Hindi ganun kalahaga ang tupperware at payong dahil pag nasira ito o nawala ay kaya naman nila bumili ulit. Hindi nila naranasan na mapagalitan dahil lamang sa mga bagay na ito. Para sa akin ay memorable ang mga ganto kahit na napapagalitan ako ay okay lang dahil matututo naman ako.

Dati ay hindi naman big deal ang tupperware at payong na yan pero dahil nga nauso at nagsulputan ang mga memes tungkol dyan ay naalala ko lang ang mga karanasan ko noon.

Authors Note:

Totoo po na napapagalitan ako ni mama dahil sa Tupperware at Payong noon Kaya naisulat ko ito. At wag po kayo mag-alala dahil hindi po ako magsusulat ng article tungkol sa mga manok na Mahal na Mahal ni Tatay dahil unang una ay wala po kaming manok dito sa bahay at pangalawa po ay wala na po akong Tatay. Opo, dahil broken pamili po kase kami. Kaya pagbigyan nyo na po itong kwento ko tungkol sa Tupperware at Payong ni Mama. Hahahhaha.

At pasensya na po pala kayo sa intro ko , gusto ko Lang Po na medyo informative sya. Peace.

Credits to the owner of my lead image : https://www.umbrellaheaven.com/product/wood-stick-orange-umbrellas and https://recyclecoach.com/recyclepedia/food-storage-containers

Thanks for reading this.

Don't forget to Be Nice and Be Good as always.

Bye

Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty

7
$ 7.81
$ 7.64 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Bloghound
$ 0.05 from @Amy05
+ 2
Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty

Comments

Hhahaha dahil sa article mo po eh may naalala 'rin ako. Minsan ko na 'ding naiwala ang lalagyan ko ng tubig, tupperware 'rin ang brand kulay pula.

Napagpalit pala kami ng kaklase ko, akala niya siguro ay 'yung sa akin ay kanya. Nauwi pa tuloy sa pagpunta ng guadian ko sa school ara mahanap ang bote ng tubig.

Hahayaan ko na sana 'yun kasi ayaw ko mapahiya yung kaklase, ikaw ba naman pinuntahan ng magulang tapos nasa loob ka ng room niyo na nandun ang teacher at ilan pang classmates namin kaso nagpumilit pa ang lola ko na kunin ang bote ayun naibalik naman ๐Ÿ˜….

$ 0.00
3 years ago

ako na laging nawawalan ng PAYONG๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚grabee gusto ko nalang maging bato pag naiiwan ko payong ko, ang hirap din kasi minsan dalhin yong mahahabng payong, di pa kasi uso non yong dipindot๐Ÿ˜‚

$ 0.02
3 years ago

Opo yun nga din po yung binibili sakin yung mahabang payong eh ang hirap nun dalhin hahhaha

$ 0.00
3 years ago

Ako hindi ko talaga hilig mag payong kahit sobrang init . Tamad ako na may palaging bit bit hehe pero kahit papano hindi naman ako nangitim ng sobra ๐Ÿ˜Š tapos lagi din ako binabaunan ng mama ko dahil wala naman kaming pera para mabigyan niya kami ng pera para sa school nalang bumili .. Sarap talaga bumalik sa nakaraan ๐Ÿ˜Š

$ 0.02
3 years ago

Ako po dala ko yung payong palagi pero diko naman po ginagamit hahhahha. Kaya nga po sarap balikan ng mga panahon na elementary at high school days.

$ 0.00
3 years ago

Lagot tayo pag nawala natin ang payong at baunan! Hahahaha. Madalas ako makaiwan ng payong,, minsan nakukuha pa pero minsan wala na talaga. Paktay kay ina ๐Ÿ˜‚

$ 0.02
3 years ago

Hahahhah paktay tayo. Ako din po madalas maiwan ko tapos diko na nahahanap nakukuha na ng iba.

$ 0.00
3 years ago

Yup, ahhahahha kapag nasira mo yan o nawala pagagalitan ka talaga... Kasi kasangkapan yan na ginagamit natin sa araw-araw at kailangan ingatan. Kung kaunting bagay lang ay di mo iingatan paano pa kaya sa mga malalaking bagay na? So lesson rin para sa atin yan. AHHAHHAHA TBH, nawalan na ako ng cellphone kasi ninakaw sa akin.

$ 0.02
3 years ago

Opo tama po dapat ingatan natin yung bagay at gamit natin kahit na ano pa man ito maliit man o malaki kase may mahalaga pa rin naman ito.

$ 0.00
3 years ago

I can relate to this one. Noong bata pa ako lagi din akong may dalang payong kasi ayaw ni mommy na umiitim ako sa sikat ng araw at magkasakit sa lamig ng ulan. At dahil medyo malayo ang bahay namin sa paaralan at whole day ang pasukan, nagbabaon na din ako ng pananghalian at inilalagay yun ni mommy sa tupperware na kulay pink. Ang sarap lang balikan yung mga memories noon. Simple pero masaya. Wala masyadong problema.

$ 0.02
3 years ago

Yes tama po ang sarap talaga balikan nung mga panahon na wala pa tayong masyadong iniisip at pinoproblema.

$ 0.00
3 years ago