8 Seconds Rule: II

6 52
Avatar for EvilWillow
3 years ago

Uhm, seeing that the first chapter received quite the views (Thank you for reading). I'll take it that there's someone out there still interested in this piece <3 If you happen to stumble upon this first, you can check on the first chapter first so not to get lost.

https://read.cash/@EvilWillow/8-seconds-rule-unang-kabanata-bfc3e300

Here goes :))

IKALAWANG KABANATA

Pagkagising, puting kisame ang una kong nakita.

Uwuuu, ang pinakamamahal kong panga, nadislocate ata! Argh!

Sinubukan kong tumayo pero napahiga rin dahil sa sakit ng katawan.

Aigoo! Fundador na Boris 'yon!

"Miss Tubera, Mabuti naman at gising ka na, tumayo ka na diyan at bumalik sa klase. Nabigyan ka na namin ng pain killers at iwasan mo nalang ang mag-gagagalaw." sabi ng nurse ng mapansin ang aking pag-galaw.

Haha! Supportive talaga ng mga staffs!

Bumalik na ako sa classroom at dumiretso sa upuan, lunch ngayon kaya wala masyadong tao. Nakita ko sa gilid si Mari kasama si ex-crush na tila ba may sariling mundo. Narinig ko namang nagbubulungan ang mga kaklase ko sabay tingin sakin pero wala akong pakialam sakanila.

Napabuntong hininga nalang ako at inayos ang aking mga gamit para makaalis na, ayoko ng pumasok ngayong araw.

Magpapaalam na sana ako sa kay bes Mari ng mapatigil dahil sa titigan nila ni ex-crush.

1..
2..
3..
4..
5..
6..
7..
8. And they fell in love. Edi kayo na!

Nahiya ata si Mari kaya nag-iwas ng tingin pero si ex-crush naman ay nakatitig parin sakanya, tila ba bighaning bighani sa kagandahan ni Mari.

Ngayon lang nakakita ng tao, boy?

Makalipas ang landian nila, nadako ang tingin sa akin ni ex-crush at akmang tatayo sana ng pigilan siya ni Mari sa pamamagitan ng isang halik sa pisngi.

Tahimik ko nalang na nilisan ang silid at naglakad palabas ng building. Nang makadaan sa faculty office ay nakita ako ni ma'am history. Sinenyasan niya ako para lumapit.

"Ano po iyon ma'am?"

"Pumasok ka muna at pinapatawag ka ng principal" ani niya.

Bakit mukhang malungkot si ma'am? Tungkol ba ito sa nangyari kanina?

Sinundan ko nalang siya at sabay na kaming pumasok sa principal's office.

"Excuse me sir, nandito na po si Miss Tubera"

"Okay ma'am Nerisa, maaari mo na kaming iwan" turan nito kay ma'am history. "Maupo ka hija" baling naman nito sa akin.

"Didiretsuhin na kita Ms. Tubera, dahil sa gulong ginawa mo kanina ay napagdesisyunan ng panel na ikick-out ka. Matinding offense ang ginawa mo kay Mr. Boris at pwede ka nyang kasuhan dahil sa pananakit mo" teka, tama ba itong naririnig ko?

"Pasalamat nalang tayo at mabait si Mr. Boris kaya kick-out lang ang sanction sa'yo" Ano? Anong kabalbalan ba ang pinagsasasabi ng hipokritong iyon?

"Teka lang po Sir, ano po bang ibig ninyong sabihin? Ako po ay makikick-out d-dahil sa pananakit kay Boris?" pag-uulit ko habang nabubulol-bulol pa dahil sa halong kaba, inis, at pagkagulat.

"Yes" sagot niya at biglang nag-iwas ng tingin.

"Sandali naman po sir, ako nga po iyong sinaktan o" ipinakita ko pa ang pasa sa aking panga at katawan.

"Paano naman po'ng ako ang may sala, kitang kita naman pong ako iyong nasaktan."

"Lahat ng iyong kaklase ay tumestigong ikaw ang nangulo at ikaw ang nanakit, miss Tubera. Ito na lahat ng records mo dito sa school" inabot niya ang envelope. "makakaalis ka na."

"Susme naman sir!" padabog kong ibinagsak ang envelope sa kanyang table.

"Bakit? Dahil ba siya ang anak ng may-ari ng school na ito kaya ninyo ako patatalsikin? Ganun ba?! Eh punyeta pala kayo!" mapapatalsik narin naman ako kaya winagas ko na at minura si panot.

"Tang*na magsamasama nga kayo ng bespren ko! Mga salot sa lipunan!" Pikon kong hinablot ang aking credentials at nagwalk-out. Ibinalibag ko ang pinto sa office niya at sinamaan ng tingin ang mga faculty.

Parang mangmang na nakatingin lang sa akin si madam Q, kaya pinanlisikan ko lang siya ng mata.

"Magsama kayo ng anak mong gasul! Mga walang utak!" panlalait ko at lumabas na.

"Hoy bata, pumasok ka na nga. Ala-una na o" paninita sa akin ni manong guard.

"Hoy karin kuya! Echosera ka! FYI, kicked-out na ako. Happy ka? Hah? Kaya huwag kang humara sa daanan ko, tse!" napagbuntunan ko siya ng galit at hinawi ang huli para tuluyan nang makaalis sa impyerno este sa paaralan.

Dumiretso ako sa city museum na nasa tabi lang ng school at duon nagpalipas ng oras. Ayoko munang umuwi dahil paniguradong nakarating na sa ate ko ang mga nangyari. Hindi manlang nila sinundan ang proper procedure. Kick out agad!

Naupo muna ako sa upuan katapat ng estatwa ni Jose Rizal. Parang baliw na tinitigan ko itong maigi.

1..
2..
3..
4..
5..
6..
7.. "Pwe! Tingin tingin ka dyan? Tusukin ko mata mo e!" dinuro duro ko pa ang estatwa.

Photo Source: Google https://www.google.com/search?q=rizal+meme&sxsrf=ALeKk02TpWZr7HWNUpAOIZpgoFT8OLmewQ:1616618402457&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjcjvbs5MnvAhXKc3AKHXGZDNsQ_AUoAXoECAMQAw&biw=1536&bih=750#imgrc=vxWL3bvxQx3NJM

(Rizal na tinatawanan ang Lala)

Sa mga taong andito, siguro iniisip na nilang wala na ako sa katinuan.

"Alam mo Rizal? Matik ka rin ah, tingnan mo nga at isa ka palang dakilang chick boy nung kapanahunan mo. Para kang yung bespren ko! Hastag medyo malandi!" saka ako tumawa ng nakakaloka.

"Pero maiba, seryoso, ako nga single since birth tapos ikaw hindi nabilang sa daliri ang chicks? How to be you po?"

"Excuse me ma'am, okay lang po ba kayo?" sabi ng gwardya na pumagitna sa amin ni bespren Rizal.

"Isa karin kuya! para kang yung bespren ko, magtatanong tanong kung okay lang ako pero deep inside wala palang pake! Pwe!" pagtataray ko at binagtas na ang daan palabas ng museum.

"May tama ata iyang babaeng 'yan?"

Ay grabi siya. Ikaw kayang tamaan ko?

"Hahaha, laptrep si ateng"

Mukha ba akong nagjojoke bata?

"Ay-bilib na"

Dapat lang, pwede ko ng palitan si Chris Tiu. Lol (Lots of Love)

Pagkalabas sa gate ng museum ay pumara na agad ako ng jeep para makauwi na.

Pagkauwi, mukha agad ni ate ang bumungad pagkabukas ko ng pinto.

"Hello ate, andito na po ako. Kakatapos niyo lang bang maglinis? Itatabi ko na po 'yang tambo para sainyo" sabi ko at akmang kukunin na ang tambo sa kamay niya ng umamba siyang ipapalo ito sa akin.

"Hep! Hep!" hooray "saglit lang naman ate, lemme explain" sabi ko habang nakakapit sa binti niya.

"Tigil tigilan mo ako Lala sa mga kalokohan mo! Lalampasuhin talaga kita pag hindi ka nagtino!" Singhal niya saakin at iniwawasiwas ang binti niya para mabuwag ako.

"Ate naman, chillax lang. Ika nga nila there's always a rain after the rainbow. So meaning matapos kong maulanan ng tadyak at pangiinsulto dapat rainbow naman ang kasunod. Grabe naman kayo kung pauulanan niyo rin ako" pagbibiro ko ngunit napahagulhol rin sa huli ng sawakas ay meron ng mang-aalo saakin.

"Ateeee" paulit ulit kong pagngawa. Walang nagawa si ate kung hindi ang aluin ako.

"Shhhh, tahan na Lala." Masuyong sabi ni ate habang yinayapos ang aking likod.

Nasa lapag na kaming pareho at wala akong pakialam kahit madumihan ang uniform ko. Hindi bale at kicked-out naman na ako.

"Ano ba kasing nangyari Lala?" tanong muli ni ate nung kumalma na ako.

Ikinuwento ko lahat ng nangyari kay ate at napapamura narin siya sa sobrang galit.

"Aba *** pala yang *** mong kaklase e! Porke sakanila ang paaralan, ano naman ngayon? Masasampal ko talaga iyang classmate at titser mong iyan!" inaawat ko na si ate dahil may balak talaga atang sumugod sa school.

"Bitiwan mo ko Lala! Isa! Hahambalusin ko talaga iyang mga pun** mong kaklase, isama mo pa iyang panot niyong principal! Pun** talaga! Waaaaaah!" pagsisigaw ni ate ngunit hindi ko parin siya pinapakawalan.

"Sige ate, sumugod ka at hindi talaga kita mapapatawad" pangtutulakan ko kay ate dahil para lang siyang nagpapapigil.

Para naman siyang asong nawalan ng laruan at siya naman ang lumilingkis sa akin.

"Lala naman, ipaghihiganti lang naman kita" pagpapaawa niya.

"Kasi naman ate, magiiskandalo kalang doon. Ipapahiya mo lang yung petmalu kong exit" pagbibiro ko.

"Alam mo kasi ate, tapos na ang kacheapang eksena ko don. Yung next time dapat galante naman, kaya ako ng bahala doon ate. Maghintay lang sila at makakarating rin tayo dyan" seryosong dagdag ko na puno ng pagkapuot.

"So ano nang gagawin natin ngayon niyan?"

"Hmmm magwawalwal?" pangsusulsul ko.

"Pwede ba Lala! Puro ka kabalbalan!"

"Hehe, sorry talaga ate a" seryosong sabi ko at niyakap siya. "Thankful talaga ako at ikaw ang naging ate ko"

"Sus! Walang ganyanan, may kailangan ka nanaman ano?" pang aalaska niya.

"Haha, si ate talaga. Joker" -_- pangcounter attack ko naman na may seryosong mukha.

"Tse, magbihis ka na nga don"

"okay ateng." Umakyat na ako sa kwarto at nagbihis. Humiga ako saglit pero hindi ko inaasahang ako'y makakatulog.\

==============================================================================

Thank you for reading :))

Writing in the early morn, EvilWillow <3

4
$ 4.15
$ 4.15 from @TheRandomRewarder
Avatar for EvilWillow
3 years ago

Comments

inaabangan ko tlaga to eh haha aa ngayon hindi ko napepredict ang susunod na mangyayari hahah full of surprise po ah, pero ang astig ni Lala. Ang angas din pag gumagamit ng 1st Person POV kapag babae ang bida hayszz saken korny eh. Lalaki kase

$ 0.00
3 years ago

Wieeeee, natutuwa ako at may reader pa ko na supper supportive wahahahha. Ay aabangan ko yang story mong yan. Feeling mo lang yan ay, ako rin feeling ko corny pero parang okay namaan haha. Tingen ng sayoooo mwahaha

$ 0.00
3 years ago

siguro pagkatapos nitong article na ginagawa ko tungkol sa anime hahaha, mas corny akin haha its about how death fell in love to life but that love is forbidden. Hanggang sa nareincarnate sila hahahaha corny

$ 0.00
3 years ago

Ayieeee. Bet ko mga reincarnation na yan! Sige Sige, galingan muna sa anime wahahaha. Tignan ko nga recommendations mo HAHAHA

$ 0.00
3 years ago

HAHAHA more on action, fantasy recommendation ko hahaha mga astig na anime

$ 0.00
3 years ago

Saaaame bet ko yan HAHAHA. Umay sa cringe haha

$ 0.00
3 years ago