Honestly, I lost the zeal to write any articles nowadays lol. So why not publish my story here instead of being forgotten on the archives of Wattpad. I usually write in english to widen the scope of readers but this was originally written in our local dialect, tagalog, so I'll keep it as is. Just a heads up, it consist of 1800 words so read at your own mood haha. I'm not forcing you though :)) But if you did, thank you <33
I heard that if a man and a woman look at each others' eyes for eight seconds, they'll fall in love. But, in my case? I could guarantee that it is a bluff. (Lala, 2018)
Lala's POV
"Bessss! Nasakyan ko si crush kaninaaaa" nagagalak kong pagbungad sa aking matalik na kaibigan, si Mari.
Kararating ko lang sa room at siya agad ang hinanap ko. Ewan ko kung ako lang, pero shineshare ko agad kalokohan ko as soon as possible.
"Huuuuh?" Nagtataka niyang sagot, wari'y mali ata ang nadinig.
"Nakasakayan ko si crush kanina sa jeep kako" dagdag ko at lumingkis pa sa kanyang braso.
"Umagang umaga! Gumising ka na nga Lala! Puro ka pantasya, nagawa mo na ba yung assignment natin?!" pataray na sagot naman niya.
"Syempre hindi! Ako pa ba" masayang sagot ko at tumawa "Pakopya nga ako, bessss" panglalambing ko sakanya.
"Mukha mo! Magrush ka dyan, may sampung minuto ka pa"
"Luh bessss, ganyan mo talaga ako kamahal no" pasimula ko at umupo sa tabi niya.
"Kung pumasok ka sana ng maaga no kung alam mong wala kang assignment edi solve!" pagtataray nanaman niya at nagtuloy na sa pagbabasa.
"Iba ka talaga bes, para kang yung bespren ko e!" angal ko naman at inilabas na ang notebook ko.
"Malamang, sino bang bespren mo? Ung upuan ba" pangaasar pa niya ngunit inilabas naman ang kanyang kwaderno.
Agad ko itong hinablot at nilingkis siya "Yey bes salamat a." Agad na bumitiw na ako at mabilisang kinopya ang assignment.
"Tubera!" sabi ng tao sa gilid ko.
"Saglit lang, nangongopya pa ako" pagtataray ko at patuloy paring nagsusulat.
"Miss Tubera!" turan niya ulit ngunit hindi ko parin siya nililingon.
Patuloy siya sa pag-tapik sa balikat ko kaya nilingon ko siya na may masamang tingin. "Futa bes, kita mong nango-" at napahinto ng marealize kong si madam Q pala ito.
Paktay si madam Q andito na!
"Ehehe, yes madam, good morning po" awkward na pagbati ko sakanya.
"Kung tapos kanang mangopya, inform mo nalang ang buong klase at nang makapagsimula na tayo. Kanina pa nagring yung bell, at kanina ka pa namin tinatawag" turan niya at pumunta na sa front desk para iwan ang kanyang mga gamit.
Luuuh, nag rush mode nanaman ako kaya 'di ko napansin yung komusyon.
Tumingin ako kay Mari at napasimangot habang nakikita siyang tahimik na tumatawa. Inirapan ko nalang siya at ibinalik ang kanyang notebook.
"Madam tapos na po" magana kong sabi. "Ang sagot po sa number 1 ay letter A. Julius Ceazar" pagboboluntaryo ko.
"Ikaw miss Tubera namumuro ka na sakin huh! Math ang subject natin ngayon hindi history!" pagalit na sabi niya at tumayo pa sa harapan ko "Labas! Buong oras kang tatayo sa labas ng pinto, pronto!"
Napayuko nalang ako at sinunod ang sinabi ni madam. Nakasimangot lang akong nakasandal sa pintuan. Naririnig ko pa ang malalakas na tawanan at hiyawan ng mga kaklase ko.
Grabe talaga si madam Q! Walang awa! Mathematics nga pala ang una naming subject ngayon, hindi history. Bakit naman kasi mali ang ibinigay ni Mari na notebook! Yan tuloy akala ko history ang assignment.
Habang nagmumuni muni, biglang may nagsalita sa gilid ko.
"Excuse me miss, dito ba ang room ni Ma'am Anita?"
Hindi ko nalang pinansin ang nagsalita at baka matadyakan ko pa ng wala sa oras dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko ngayon. Grabe, ano nalang mukhang ililikod ko sa mga kaklase ko? Argh!
"Excuse me miss?"
"Ano ba! Isa pang excuse me mo dyan, bubuljakin na kita. Uso namang sumilip sa loob!" pagtataray ko at nilingon siya. Halong pagtataray, pagsisisi at pagkagulat ang naramdaman ko ng marealize na si crush pala ang nabulyawan ko.
Waaaaah! Anong ginagawa niya dito? Hindi ba sa Boy's High siya nag-aaral?
Nakatitig lang ako sakanya na para bang naestatwa sa kanyang kagwapuhan.
1...
2...
3...
4...
"Ah-eh..." maang ko nalang na turan habang pinagmamasdan siyang lagpasan ako upang sumilip sa classroom. Bago siya tuluyang magsalita ay tiningnan niya muna ang section na nakalagay sa itaas ng pintuan.
IV-Unity
"Excuse me ma'am" pasimula niya.
"Yes hijo?" rinig kong sagot ni ma'am Q.
Teka bakit may halong sweetness yung boses ni ma'am? Ay iba! Porke gwapo ganyan? Unfair saming mga pangeeet!
Nagtuloy nalang ako sa pagmamaktol dito sa gilid at pinabayaan na sila.
Ano ba naman iyan! Pagkakataon ko na sanang makausap si crush pinalipad ko pa! Kung bakit ba naman kasi tinarayan ko!
"Hoy lutang! Tara, samahan mo 'ko sa CR daliiiii" at bigla akong hinila ni Mari.
"Bes, naman pag ako, nabuljack ulit kay madam lagot ka na talaga sakin! Mali na ngalang ang ibinigay mong notebook kanina!"
"Shatap na bes, bigla mo kayang hinablot yung notebook. Akala ko naman alam mong sa likod ako nagsusulat para sa math. Which is alam mo diba, so bakit yung history pa natripan mong kopyahin" sabi niya at sinabayan pa ng pagtawa.
"Iyon ang unang tumambad sakin gash! may malaki pa ngang markings na kulay red, nakalagay capital A-S-S-I-G-N-M-E-N-T"
"Shonga ka talaga, 'bayaan mo na nga 'yun, may chika ako sayooooo!" excited niyang ani at may patili tili pang nalalaman. Buti nalang kaming dalawa lang ang nandito sa CR.
"Tumigil ka nga! Para kang biik na kinakatay!"
"Eh kasi naman! Si crush, dito na mag-aaral!"
Nagtataka ko naman siyang tinignan "Huh?"
"Gaga, yung crush ko na kinukwento kong kaibigan ni kuya! Si Aaron Lestre!"
Ahh yung ultimate crush niya na lagi niyang kinukwento pero never ko pang nakikita kahit sa picture manlang dahil every time na ipapakita niya ay may mga sumisingit or may mga nakakalokang kaganapan na nangyayari, tila ba napaka-against ang tadhana na makita ko yung crush niya. Iba rin.
"Oh, pano mo naman nalaman?"
"Kasi nga diba, pumasok siya sa classroom kanina! Ang gwapo niya talaga bes! Sabi niya transfer student daw siya at magiging classmate natin siya waaaah!" sabi niya ngunit na-speechless lang ako, realization hits!
"Hoy bes! Earth to you, para kang t*nga diyan, umayos ka nga" pang-aasar pa niya at parang kitikiti na nagtatalon sa sobrang kilig.
"Hoy, OA na ah! Good for you! Bakit pala biglaan yung pagtransfer niya? Tsaka patapos na yung 3rd quarter hindi ba't bawal na ang pagtanggap ng transferee?"
"Aba malay ko, ang mahalaga nagtransfer siya" kilig na sagot niya habang patuloy na nagaayos ng maayos naman niyang buhok sa salamin.
"Loka" walang gana kong sagot. "Tara na nga sa classroom, matutuluyan na talaga ako kay madam" sabi ko nalang at naglakad na pabalik.
Habang pabalik ay wala paring preno ang pagtalak ni Mari ngunit 'di ko nalang siya pinapansin.
"Sige, pasok na ko. Babuuush"
Wow, sa lahat ng pwedeng magustuhan ni Mari bakit yung crush ko pa? Alam ko namang wala akong panama kaya't maigi nang tapusin itong kabalbalang feelings na ito!
Naluluha man ay wala na akong magawa kundi ang tumitig sa kawalan.
Ang weakling ko talaga! Napaka loser!
"Miss Tubera, maari ka nang pumasok." sabi ni ma'am at nang tumingin ako sa relo ko ay 8:20 na pala.
Tahimik ko siyang sinundan papasok. Habang naglalakad ay nagsimula ng mag ingay ang mga lalaki sa room.
"Yes, Lala! Idol ka talaga!" sigaw ni Boris na sinundan naman ng hagikhikan ng buong klase.
Pakunwaring kaway nalang ang ginawa ko at wagas na ngumiti sa buong klase para mapagtakpan ang kahihiyan.
" 'Syempre ako pa! okay ba?" pang-gagatong ko at sinabayan pa ng tawa.
Alam ko namang insulto iyon pero wala akong magagawa. Si Boris yun. Paulit ulit kong iniisip habang napapabuntong hininga.
Pupunta na sana ako sa upuuan ko pero napansin kong may nakaupo na doon at masayang nakikipagtawanan kay Mari. Si ex-crush!
"Nga pala Ms. Tubera, from now on sa likod ka na uupo, pinalitan ko na ang seat plan. Hindi bale't hindi karin naman nakikinig. Nasasayang lang ang espasyo sa'yo" mataray na sabi ni Ma'am at itinuro ang pinakalikod na upuan.
Argh, imba ka talaga madam! Best teacher ever!
Tinungo ko ang bagong upuan ko at nainis sa itsura ng mga gamit ko. Obvious na basta lang initsa ang aking bag, habang ang notebook naman ay nasa lapag na.
"Owkamown!" nabulalas ko at narinig kong tumawa lang ang mga nakarinig sa akin.
Akala ba nila nagjojoke lang ako? Funyemes! Nakakabastos sila! wala manlang nag-initiate na ayusin at pulutin ang mga gamit ko! Napalayas na nga ako't lahat lahat para pang basura ang trato nila sa akin!
Tinitigan ko nalang ng masama ang pader sa gilid ko at hindi na kumibo.
"Okay, class dismiss. Patiently wait for your history teacher" sabi ni madam na idiniin pa ang salitang "history" na para bang nagpaparinig.
Tumayo na ang klase at sabay sabay na nagpaalam "Good bye and thank you ma'am"
Tumungo nalang sa desk ko.
"Imba Lala! Ikaw na!" Wala pang isang segundo ay nang-asar ulit ang grupo ni Boris.
"Oo na, idol niyo nanaman ako." ani ko at binigyan sila ng plastic na ngiti. Funyemes kayo!
Itinuloy pa nila ang pang-aasar na humantong sa panlalait ngunit pinabayaan ko lang sila. Asan na ba yung teacher namin?
"Nasa'yo na ang lahat! Flat screen, pandak, kapangitan, at higit sa lahat kabobohan" pagpapatuloy pa ni Boris kaya tumayo na ako.
Pinuntahan ko siya at nginitian ng matamis. "Hoy ikaw gasul! Kanina ka pa! namumuro ka na sa akin! Ano bang problema mo?"
"Anong sabi mo!" pikon niyang sabi at tumayo narin. Halos magkapantay lang kami ng height pero kung makalait siya wagas.
"Gasul ka na ngalang bingi ka pa? Ano ka na niyan bobo?" pang-gagatong ko.
*blaaag*
Napahawak ako sa mga upuan dahil sa suntok ni Boris sa kaliwa kong panga.
"shiiiit" pagmumura ko at napapaluha nalang sa sobrang sakit.
"Ano papalag ka pa!" dagdag niya at tinadyakan ako ng paulit ulit.
Sa kabila ng kunwaring tapang ko, napa-curl lang ako at walang magawa kundi ang lumuha. Wala manlang tumulong sa akin at nakatingin lang sila sa eksena namin ni Boris.
"Class what is this all about!" sigaw ng matinis na boses galing sa likod.
Naramdaman kong tumigil na si Boris sa pagtadyak at ng iminulat ko ang aking mata ay saktong nagdako ang tingin namin ni ex-crush.
1..
2..
3..
4..
5..
6..
7..
Nag-iwas siya ng tingin at ibinaling ito kay ma'am history.
Ouch! 8 seconds? Sino bang niloko ko? It's all just a bluff.
Tinulungan akong tumayo ni Mari at naririnig ko pa ang paghagulhol niya sa aking balikat. Huh? Bakit ngayon lang umeksena si Mari?
"Are you okay miss Lala?" Dinaluhan ako ni ma'am at tumingin kay Mari. "Mari, please bring her to the clinic" inalalayan naman ako ni Mari ngunit bago 'yon ay narinig ko ang bulong bulongan ng klase kasabay ang malakas na sigaw ni Ma'am history.
"Hala, umiiyak si Mari"
"Okay lang kaya si Mari?"
"Ano ba naman kasi si Lala, napapahamak tuloy si Mari!"
"Boris! What the hell do you think you're doing?! To the office now!"
"Mister president, ikaw na muna ang bahala sa klase" sabi ulit ni ma'am.
Ito ang mga katagang narinig ko bago tuluyang nagdilim ang aking paningin.
========================
Thank you for stopping by :))
Editing in the middle of the night, EvilWillow
Ganda po ng story <3 pero ang prediction ko po sa story, prang lalabas na si Mari ang kontra bida. AHHAA nanghuhula lng po pero astig po yan pag may mga twist :)