My Little Brave Man

4 26
Avatar for Eulamaev01
4 years ago

Meet my Baby Cardo and his Pre-leukemia journey.

He was diagnosed na positive sa dengue that was October 29 2019, after ilang days na discharged na kami sa hospital. The following week, nag follow up check up kmi sa Opd ng Dasca at sabi ng pedia na meron syang Iron deficiency anemia.

That's the reason na kada kukuhanan sya ng dugo ay palagi nalang inuulit, dahil malabnaw yung dugong nakukuha sa knya at mas lumalamang yung white blood cells nya. Niresetahan sya ng ferrous sulfate for one month and other vitamins to take.

Akala ko magiging okay na lahat, pero simula nun hindi na sya nawawalan ng lagnat, palaging ngsusuka at one time dumugo pa yung ilong. Nakailang beses ko syang naisugod sa hospital for an emergency dahil sa balik balik na paglalagnat nya at pagsusuka but same as first diagnosis dhil daw yun sa anemia nya. Mataas ang bacteria sa dugo nya kaya nahihirapan tanggapin ang gamot na pinapainom ko sa kanya at nahihirapan mag produce ng red blood cells ang katawan nya.

*Disclaimer ; Hindi po bacteria na dulot ng maduming paligid ang nsa katawan nya, bacteria na ktwan nya mismo ang ngproduce.

Nag decide ako na mag pa second opinion sa ibang pedia kaya pinacheck ko sya sa Opd ng Umc last January. Dala dala ko lhat ng previous laboratory test nya then ng request ulit sila ng panibagong cbc para mpagcompare nila yung result sa mga previous test nya.

Hanggang sa nakita nila na meron nang abnormalities sa dugo nya. Sobrang taas white blood cells nya at sobrang baba naman ng pula samantalang yung platelets nya lumampas na sa normal average na meron dapat ang isang batang kagaya nya.

Niresetahan sya ng zinc-sulfate para makatulong na ma intake sa katawan nya yung iron na kulang sa knya.

Kahapon check up nya ulit sa umc at ngpa cbc ulit kmi pero halos wala paring pinagbago yung result compared last week.

Ngconduct ng private talk yung pedia na tumitingin sa knya kasama yung hematologist at internal medicine doctor para mas maipaliwanag sakin yung kondisyon nya. Hindi ko napigilang umiyak sa harap nila, sobrang sakit sakin bilang isang ina na malamang nasa ganung kondisyon yung anak ko.

He was diagnosed with Myelodysplastic Syndrome or pre-leukemia at kylangan mag under go ng bone marrow aspiration para makakuha sila ng sample ng tissues sa ktwan nya at malaman ang causes ng abnormalities sa dugo nya.

Tinitibayan ko lang ang loob ko, ngumingiti at hinaharap lahat ng pagsubok na binabato sakin ng Diyos. Minsan inisip ko bakit sa anak ko pa, bakit samin nya pa binigay ang pagsubok na to. Pero sino ako para Questionin lhat ng desisyon nya sa buhay ko? Naniniwala parin akong may dhilan sya kung bakit nya binigay sakin lhat ito. Kaya patuloy lang akong kakapit at mgtitiwala sa knya. 🙏🙏

Ps: Maraming salamat sa mga doctor na kausap ko kahapon, hindi sila nangiming damayan ako. Sabi nila kasama ko daw sila sa laban namin ni baby cardo 😊

Continue to fight, my little brave man 💙 ILOVEYOU

4
$ 0.11
$ 0.11 from @Lois
Avatar for Eulamaev01
4 years ago

Comments

Naiintindihan ko Ang naramdaman mo ngaun Ang importante ngayon ay wag mawalan ng pag asa at gagaling din Ang anak mo,bakit Kita naiintindihan dahil pareho Tayo Ng pinagdadaanan sa ngayon manalig lang sa dyos lagi tumawag sa kanya dahil sya Lang Ang makakasagot Ng lahat Ng Ito binibigyan Tayo Ng mga pagsubok dahil Alam nya na kaya natin Ang mga pagsubok na binigay nya sa atin wag lang bibitaw sa mga bagay na ipinupukol sa atin Ng panahon Alam natin na pag may dumadating na mga ganitong problema ay kaakibat din Ang pinansyal na ating kailangan Basta lumapit lang Tayo sa kanya di Tayo nya pabayaan ipagdasal na gumaling na agad Ang anak mo...sa dyos walang impossible manalig sa kanya at pakikinggan kanya.....tiwala lang......

$ 0.00
4 years ago

Oh gosh! I want to hug you so tight right now, Eula. Bilang isang ina, ramdam ko ang hirap at sakit na dinadala mo ngayon. Kahit na lamok ayaw nga natin silang madapuan. Be strong. U and Cardo are included in my prayers. God bless you both. ❤

$ 0.00
4 years ago

Thanks you so much sis 😘

$ 0.00
4 years ago

You're welcome, sis. virtual hug

$ 0.00
4 years ago