Edukasyon

0 21
Avatar for Eulamaev01
4 years ago

Nakakapanibago talaga ang sitwasyon natin ngayon dahil sa hinaharap nating pandemic. Kagaya na lamang ng nalalapit na pagbubukas ng taunang pag aaral ng mga estudyante. Dahil sa kinakaharap natin ngayon ay kinailangan mabago ang nakagawiang pag aaral ng mga bata na kung saan ay limang araw sa loob ng isang linggo ay nasa eskwelahan sila. Nakikinig sa kanilang mga guro, nakikita at nakakasalamuha ang mga kapwa nila estudyante. May mga bumabyahe at mero namang kilo kilometro pa ang nilalakad makarating lang sa paaralan. Lahat ng iyon ay magbabago. Dahil sa ipinatupad na ibang alternatibong paraan para sa pag aaral ng mga estudyante.

Ang nakakalungkot lang isipin ay hindi lahat ng mga tao sa ating bansa ay pantay pantay ang estado sa buhay kaya maraming umaangal sa panibagong pamamaraan ng pag aaral. May pangamba rin ang ilang magulang na baka hindi sapat ang kanilang kakayahan para matulungan aking kanilang mga anak sa pag aaral na gagawin na lamang sa kanya kanyang tahanan. Malawak sa usapin pag dating sa edukasyon dahil tayong mga Pilipino ay malaki ang pagpapahalaga dito. Kaya nararapat lamang na bago pa magsimula ang pagbubukas ng klase ay ihanda at ilatag ng maayos ng pamahalaan ang programa para sa mas maayos na pagbibigay ng edukasyon sa ating mga kabataan.

1
$ 0.00

Comments