Bakit ko daw po laging hawak ang CP ko?
- Minsan busy sa pag oonline selling pero napakadalang ko na magpost ng mga items kasi karamihan ng mga fb friends ko seller din. Kaya hanap ako ibang way para kumita at pagkakitaan ang cellphone ko.
Then I started joining mga online websites, mga earning apps, yung iba namumuhunan pa nga ako. Tapos meron naman free lang. Kagandahan sa ibang online earning sites and apps pwede ka kumita kahit di ka mag invite. Hanggang sa nakahiligan ko na sya, ngreresearch ako, nanunuod ng mga tutorials mga video na may mga proof na kikita talaga sa sites or app na sasalihan.
At kagaya ng iba di maiiwasan na masabi nilang scam naman yan, lalo na sa mga hindi open minded. Pero ako as far as kumikita ako khit piso ng wala akong naabala at naagrabyadong tao ok na sakin yun. Honestly, madami na ko proof na kumita ako hindi man ganun kalaki pero I considered it as my savings. Panatag ako na kahit papano may savings kahit maliit na halaga lang. Kasi pag physical money di talaga ako makaipon 😂
Ang online world parang investment din yan mamumuhanan ka minsan pera, pero madalas tiyaga, sipag, at positive mindset.
Parang sa buhay natin kaylangan mo din mamuhunan ng tiyaga, mag sipag para hindi magutom, at maging positive para malagpasan ang mga pagsubok.
💖