6 Na Rason Kung Bakit Mahalaga na may Goal tayo sa Buhay

0 2206
Avatar for Eulamaev01
3 years ago

Ang pagkakaroon ng GOAL sa buhay natin ay sadyang napakahalaga. Dahil isa ito sa mga unang hakbang na gagawin mo sa iyong paglalakbay patungo sa paghahanap ng iyong tunay na tungkulin at walang kapantay na tagumpay sa iyong personal na buhay.

Ayon nga sa isang sikat na philanthropist and author na si Tony Robbins,

โ€œSetting goals is the first step in turning the invisible into the visible.โ€

Narito ang anim na dahilan kung bakit mahalaga ang pagtatakda ng mga layunin o GOAL sa ating buhay.

  1. Goals give you focus.

    Kung walang isang layunin o goal, ang iyong mga pagsisikap ay maaaring magbigay sayo ng kalituhan. Kung sa una pa lang ay naka set na ang layunin o goal mo sa iyong nakatakdang gawin o sa personal mo mang buhay ay mas makakatulong ito na makapag focus ka sa iisang layunin lamang at mas matatapos mo ito ng mas maayos.

  2. Goals Help you measures progress. Ang pagsubaybay sa iyong pag-unlad patungo sa pagkamit ng isang layunin ay posible lamang kung naitakda mo na sa una palang ang iyong mga layunin. Ang kakayahang masukat ang pag-unlad ay lubos na nagbibigay-kasiyahan.

  3. Goals help you to stay motivated.

    Halimbawa, isaalang-alang natin ang buhay ng isang atleta. Kung ang goal nila ay magkaroon ng malakas at malusog na pangangatawan, magsusumikap sila sa bawat araw, may nararamdaman man sila o wala, kung sila ay may sakit o wala, kung sila ay pagod o hindi, dahil mayroon silang isang layunin ay mas nagpupursige sila na pumunta sa gym para ma achieve ang goal nila. Ang kanilang pagnanais na makamit ang kanilang layunin ay nagpapanatili sa kanila sa gym kung kailan mas gugustuhin nilang laktawan. Sa parehong paraan, ang pagkakaroon ng isang layunin ay magpapanatili kang maging motivation.

  4. They Help You Beat Procrastination.

    Ang pagseset ng goal ay nakakatulong para makaiwas tayo sa PROCRASTINATION o pagliban. Ito ay isang bagay na kaylangan nating labanan mula sa oras-oras. Gayunpaman, kapag nagtakda ka ng mga layunin sa buhay, ang mga tukoy na layunin para sa nais mong makamit, makakatulong ito na maunawaan na mapanganib ang pagpapaliban. Ito ay nasayang na oras. Ito ay isa pang araw na hindi mo pagtupag o pag gawa sa mga layunin mo na iyon.

  5. You Achieve Even More.

    When you set a goal and reach it, it gives you the taste of victory. You will want to taste that again.

    Anong ibig sabihin niyan? Itutulak mo ang iyong sarili patungo sa susunod na hakbang ng iyong layunin.

  6. Goals Help You Determine What You Want In Life.

    Ang pagtatakda ng mga layunin ay nagtutulak sa iyo na pag-isipan pa kung ano ang tunay na nais mo sa buhay. Ano ang antas ng tagumpay na nais mong makamit? Ano ang antas ng kita na nais mong magkaroon? Kumusta naman ang pangarap mong tahanan? Kapag naitakda mo ang layunin na ito, ay itinatakda mo na rin ang iyong mga hangarin sa buhay at hindi ka titigil hanggang sa hindi mo ito nakakamit.

2
$ 0.00
Avatar for Eulamaev01
3 years ago

Comments