To whom it may concern,
I created this post in behalf of all the beneficiaries of SOCIAL AMELIORATION PROGRAM under the DSWD and the National Government.
Para po sa mga taong mas nakakataas sa amin, at sa may akda ng mga alituntunin sa SAP ako po ay lumalapit sa inyo upang ibahagi ang aking saloobin at alam kong saloobin din ito ng nakararami.
Ang ayuda pong inyong ipinamahagi noong 1st tranche ay lubos po naming ipinagpapasalamat dahil naging malaking tulong po ito sa mga panahong kinakaharap po natin. Lumipas pa po ang ilang buwan at ang ating ekonomiya ay unti unting nabuksan. Ngunit hindi naman po lingid sa kaalaman ng lahat na apektado parin po ang kabuhayaan ng iilan nating kababayan. Kabilang na po dito ang mga POOREST OF THE POOR na mga benificiaries ng SAP.
Ang lubos pong ikinababahala ng lahat sa ngayon ay ang pagpapatupad ninyo ng panibagong pamamaraan para sa pagkuha ng ayuda para sa 2nd tranche. Alam po naming hangad ninyo ang kaligtasan ng lahat at kaakibat po nito ay ang maipamahagi sa lahat ang nasabing ayuda. Ngunit ang inilunsad nyo pong makabagong pamamaraan ay hindi po naangkop sa nakararami sa ating mga kababayan.
Sa mga kadahilang :
* HINDI PO LAHAT NG SAP BENEFICIARIES AY MAY CELLPHONE NA GAGAMITIN PARA MAG INSTALL NG MGA APPLICATION KAGAYA NG [ Starpay, Gcash, Paymaya]
* HINDI PO LAHAT AY MAYROONG INTERNET CONNECTION. HINDI PO LAHAT AY MAY KAALAMAN SA PAGGAMIT NG MGA NASABING E-WALLET O APPLICATIONS NA INYONG NAPILI PARA SA PAMAMAHAGI NG AYUDA.
* SILA PO AY POOREST OF THE POOR, NA ANG KABUHAYAN AY NABIBILANG SA INFORMAL SECTOR. KAYA ANG NAKARARAMI PO AY WALANG MAIPRESINTANG VALID ID UPANG MAGAMIT SA PAG VAVALIDATE NG MGA NASABING APPLICATIONS O NETWORK PROVIDER.
Ang layunin po ng post ko na ito ay upang maidulog sa inyo na maglunsad ng mas maayos, mas mabilis na paraan para sa pamamahagi ng ayuda. Kung ang layunin po ng ahensya ninyo ang magbigay ng serbisyo sa taong bayan, nawa po ay maging bukas ang inyong mga kaisipan para sa mga suhestiyon kagaya nito.
Ako po ay isa sa mga naunang nakatanggap ng ayuda sa pamamagitan ng STARPAY. Ngunit ang iilan po sa aking mga kapit-bahay, kakilala at iba pang benificiaries ng SAP ay dumadaing dahil sa inyong pahirap na sistema.
NANINIWALA PO AKO SA KASABIHANG "KUNG MAY TIYAGA, MAY NILAGA". AT SA KASABIHANG "PATIENCE IS VIRTUE". PERO HINDI PO ITO NG COCOMPLY SA PANAHON NG PANDEMIC KUNG SAAN ANG LAHAT AY NANGANGAILANGAN. KAYA SANA PO AY MAGAWAN NYO ITO NG MALINGAP AT AGARANG AKSYON.
PLEASE SA LAHAT NG MAKAKABASA NITO. CONSIDER SHARING PARA PO MABASA NG NAKAKARAMI.
SALAMAT PO!