Sa nakalipas na mga buwan, naranasan natin ang sobrang init sa Pilipinas. Sumabay pa sa pandemya.
Pagpasok ng Mayo, ayun tag-ulan na. Sa wakas maiibsan na din ang init na nararamdaman natin.
Madami na namang bagyo ang paparating ang sabi ng Pag-Asa. Kaya dapat lagi tayong handa.
Natutuwa din ba kayo na umulan na sa wakas?
Masaya pag tag-ulan. May mga batang nagtatakbuhan sa labas, nagsisigawan habang naliligo sa ulan.
Hindi ko tuloy maiwasan na maalala ang kabataan ko. Gaya nila, masaya din akong naliligo sa ulan kasama ang mga kapatid at kalaro ko.
Tatapat sa alulod ng bubong habang tumutulo ang tubig ulan at isinasahod ang ulo. Takbo duon, takbo dito. Ang saya lang!
Ang saya balikan ng kabataan.
Nung medyo nagkaisip na, nagdalaga na at nasaktan sa pag-ibig. Hindi na ko naliligo sa ulan para magsaya. Hinayaan ko mabasa ng ulan ang buo kong katawan habang tumutulo ang luha.
Minsan naman, gusto mo lang ng makinig sa ulan, hinahayaang tangayin ng ulan ang iyong isipan.
Andyan pa din ang ulan. Nakakaupo sa may bintana, habang hawak ng dalawang kamay ang mainit na kape.
Ang saya ng ulan!
Anong kwentong ulan meron kayo.
Pwede kayo magkomento. Salamat! ❤️
Pa click na din po ng thumbs up at pa subsribe na din po ❤️
Mas okay kapag maulan para di na din makalabas ang mga tao. Diba ang iniiwasan natin dito ay huwag magkakatabi ang mga tao dahil mabilis kumalat ang virus kapag magkakalapit tayo. Siguro tinaon talaga ito na pagkatapos ng summer ay ulan upang mabawasan ang pagkalat mg virus sa ating bana.