Bread winner

0 3

Kamusta mga ka read.cash? Kamusta naman ang simula ng linggo niyo? Sana mabuti naman kayo.

Sa totoo lang wala akong maisip na isulat ngayon mula kanina pag gising ko at habang nasa trabaho ako, read.cash ang nasa isip ko. Ang hirap pala magisip ng magiging topic sa isang artiko. Yan ang naisip ko. Pero naalala ko kasi may nabasa ako dito sa read.cash maging totoo lang daw sa sarili. Kaya nag isip ako ng tungkol sa sarili ko.

Kaninang umaga, narinig ko yung mga magulang ko, may pinagtatalanunan. Alam niyo ba kung ano? Pampagawa daw ng tricycle namin. Hindi ko alam kung anong ipapagawa ng tatay ko, mukha namang maayos pa naman ang tricycle. Narinig ko sabi ng nanay ko, mas importante pa daw ba ang tricycle kesa sa pagkain namin sa araw araw at pambayad sa tubig at kuryente. Yan ang pinagtatalunan nila. Iritable ang tatay ko dahil hindi niya mapagawa ang mahal niyang tricycle. Sa totoo lang malaking tulong ang tricycle namin na ginagamit namin sa pansarili naming lakad. Mahirap pag wala kang sariling sasakyan tapos mamalengke, medyo malayo kasi kami sa sentro ng bayan namin, hindi kayang lakarin kaya kailangan talaga may sariling sasakyan.

Hindi ako sumali sa usapan nila dahil may trabaho ako, isa akong call center agent at dahil may Covid eh,maswerte namang pinagayan kaming magtrabaho sa bahay na lang muna pansamantala.

Bilang panganay sa tatlong magkakapatid. Napaka bigat ng responsibilidad ko. Yung dalawa kong kapatid ma sumunod sakin, pareho na may anak. Yung isa may trabaho naman pero hindi sa amin nakatira. Yung isa kong kapatid na lalaki sa kasama namin sa bahay pati yung pamangkin ko, pero walang trabaho.

Sa isang bahay, ang magkakasama, ako,nanay at tatay ko, yung lalaki kong kapatid at yung dalawang pamangkin. At ako lang ang may trabaho. San ba kami kumukuha ng panggastos? Sa akin. Sa sahod ko. San kami kumukuha ng pambayad sa kuryente,tubig at internet? Sa akin ulit, sa sahod ko. Kaya naman ng marinig ko kanina ang pinagtatalunan ng mga magulang ko, pera na naman. Ano iisipin ko, san na naman yun kukunin? Saan pa ba eh di sa sahod ko ulit.

Hayy, hindi ako nagrereklamo. Mahal ko ang pamilya ko. Pero minsan napapagod na din ako. Minsan naluluha na lang ako. Mahirap, mabigat ang pasanin ko. Gusto ko na ding magkaron ng sariling pamilya pero paano? Iiwan ko ang pamilya ko, pano sila kakain? Paano sila mabubuhay na walang tulong ko? Yan ang mga alalahanin ko.

Sa totoo lang nahihirapan na ako sa sitwasyon ko, mahal ko sila pero parang hindi nila naiisip na napapagod na din ako.

Minsan gusto ko naman maging maramot para sa sarili ko. Minsan gusto ko na lang lumayo para maranasan nilang mabuhay ng wala ako. Pero hindi ko magawa. Dahil mahal ko sila. Pero sana maranasan ko din na iparamdam din nila sakin na iniisip din nila ang kinabukasan ko. Gusto ko na sumuko. Pero hindi pwede. Kasi bread-winner ako. 😢

Hanggang dito na lang muna, at tutulo na ang luha ko.

2
$ 0.00

Comments