#balangaraw Parang nahihiya ako kapag may gusto ko para sa akin.. Pangarap ko sana magkaroon niyan matagal na.. Sabi ko pag may extra pera paglalaanan ko yan sa birthday ko.. Pero dumadaan ang marami birthday walang nagiging sobra para mabili yan.. May isa pako chance lagi, kapag pasko.. Dahil dun ako binibigyan ni mister ng pera pambili ng gusto namin bilin galing sa bonus niya.. Pero lagi rin sakto lang hanggang sa mga bata lang talaga ang budget.. Sa tuwing tinitingnan ko yan parang nasanay nako, parang nakontento na nandiyan lang naman yan pede ko rin mabili pag may sobra na.. Importante ngayon naidadaos ang mga gamit ng mga anak ko, yung nakakabayad sa kuryente, tubig, bahay mga bayarin ay Ok na.. masaya nako.. higit sa lahat buo ang pamilya walang may sakit.. Saka nalang ang mga gusto ko kapag kaya na.. Unahin ko muna mas importante..
8 comments
Naaalala ko po sainyo yong mama ko na namayapa na 2 years nang nakakalipas. Mahilig din po sya sa mga alahas pero dahil kapos sa pera binibili niya po yong mga binebenta lang sa quiapo. Kaya't may hinanakit ako sa sarili ko kase diko manlang sya nabigyan ng chance na regaluhan ng tunay na alahas.
ganun po talaga cguro . ang ina uunahin ang needs ng pamilya bago ang wants nila sana po magkaroon d din nyan someday
Totoo talaga sis..Yung pangangailangan lagi Ng mga anak ang inuuna natin. Ako Rin walang mabili sa sarili basta meron sa mga anak masaya na ako.
Tunay naman na kapag mahal mo ang iyong pamilya , uunahin mo muna mga needs ng pamilya bago ang sa sarili. Soon i know you can have it.
Mabibili mo na niyan, ka-noise! Ipunin mo iyong sukli mo dito solve na iyan.
pareho tau sis. mahilig din ako sa alahas kc good investment. pede benta or sangla pag oras ng kagipitan. kso hanggang tingin lang din muna ako eheheh
Ganyan ang damdamin ng nanay pag may gusto sa.sarili isang tabi muna kasi mga bata muna.
Yung earn mo dito sissy sa noise pwde mo ipangbili or tinda load para pag nakaipon ka pwde mo na mabili po