I always complain that I'm having a hard time when I write in Tagalog but here I am again, writing this piece because I was inspired by @Ruffa's bravery in confessing her feelings to her crush. This is inspired by her story, whether it was just a fiction or a real-life event.
I don't know if Spoken word poetries are still a thing but back in High School, I used to like this genre, and I'm trying to squeeze my mind again to write a Tagalog poetry. It is about your crush, so I hope your crush likes you back.
Play this Piano Cover of "Kung Hindi Rin Lang Ikaw" while reading this.
Crush: Ang Pag-Amin
By: Florie Mae @Eirolfeam2
Crush.
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima,
Isang salita na binubuo ng limang letra,
Pero sa tuwing nababanggit ito ay ikaw ang naaalala.
Crush.
Oo crush kita, matagal na.
Matagal ko ng gustong aminin,
Gustong gustong ilahad ang damdamin,
Pero natatakot akong sabihin,
Dahil baka magbago ang iyong pagtingin.
Paano naman ako aamin,
Kung kaakibat naman ng pag-amin ko sa'yo ay baka matanggap ko ang mga salitang,
"Huwag na ako. May iba akong gusto."
"Sorry, pero kaibigan lang ang turing ko sa'yo."
Pero sa kabila nito, ay umaasa din ako na kapag umamin ako, baka masagot ang mga tanong na,
"Gusto mo rin ba ako?"
"May pag-asa ba ako sa'yo?"
"Pwede bang maging tayo?"
Di ko maiwasang mapaisip kung bakit at paano kita naging gusto.
Hindi ko naman intensyon na mahulog ang loob ko sa iyo.
Ang alam ko lang nahumaling ako sa kabaitan mo.
Noong mga panahon na kailangan ko ng taong tutulong sa akin, ikaw ung nandiyan.
Ikaw kasi ung tipo ng taong mabilis lapitan,
Kaya't habang tumatagal, ikaw na din ang naging sandigan,
Sa tuwing may problema ay ikaw ang nilalapitan.
Hanggang sa napadalas na ang ating pag-uusap,
Sa umaga, tanghali, at gabi ay ikaw na ang laging hinahanap.
Kinikilig ako sa tuwing ikaw ay nakakausap,
Na para bang nararamdaman ko sa bawat text mo ang iyong yakap.
Crush.
Ikaw ang kumukumpleto sa mga araw ko,
At sa tuwing malungkot ako ay iisipin ko lang ang "crush" ko at masaya na ulit ako.
Napapangiti ako kapag bigla ko nalang naaalala,
Naaalala ang mga sandaling nagkatitigan tayong dalawa,
Na para bang dinala ako ng iyong mga mata,
Sa hinaharap na tayong dalawa ang magkasama.
Pero nagseselos ako,
Nagseselos ako sa tuwing nakikita kita na may kasamang iba,
Nagseselos sa tuwing may kausap kang iba,
Nagseselos kapag napapatawa ka ng iba.
Pero bigla ko nalang din naaalala na bakit ako magseselos kung wala namang tayo?
Pero mali bang magselos kung may nararamdaman naman ako para sa'yo?
Paano kung hindi nalang basta "paghanga" ang nararamdaman ko?
Paano kung hindi nalang kita crush kun'di mahal na kita?
Magbabago ka ba kapag nagtapat na ng nadarama?
Mahirap sumugal pero mas mahirap kapag hindi sinubukan,
Kaya't nag-iipon ng lakas ng loob para makapagtapat ng nararamdaman.
Huminga ako ng malalim,
Aabutin pa yata ng dilim,
Pero bago magtakip-silim,
Ay naisulat ko na ang nararamdaman ko para sa'yo,
Nagdadalawang-isip kung ipapadala ko pa ba ito,
Dahil baka masaktan lang din ako sa magiging tugon mo.
Isa, dalawa, tatlo,
Bumilang muna ako bago ko isend ito sa'yo,
At noong maisend ko na ay napapikit nalang ako.
May mga tanong na tumatakbo sa aking isipan,
"Pareho ba tayo ng nararamdaman?"
"O baka hanggang kaibigan lang?"
Makalipas ang limang minuto,
Biglang tumunog ang aking telepono,
Alam kong galing sa'yo ang mensaheng natanggap ko,
Kaya't huminga ulit ako ng malalim bago ko ito basahin,
"Pasensiya ka na pero hindi ko maibabalik ang nararamdaman mo."
"Hanggang kaibigan lang tayo dahil uunahin ko muna ang prayoridad ko."
Nasaktan ako sa naging tugon mo pero masaya ako,
Masaya ako dahil malaya na ako at wala na akong nararamdaman na pilit itinatago.
Hindi man sumang-ayon sa akin ang kapalaran,
Pero tanggap ko naman ang naging kahihinatnan.
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima,
Tinanggihan man ang nararamdaman ko para sa kanya,
Pero hindi parin matatapos ang aking paghanga sa kanya.
It was supposed to have an Audio Version (where I'm reading the piece on how it should be read. Char. 🤣🤣) but I just finished the piece now and Globe is just too slow so I won't be able to upload it tonight even if I finish reading it. And I will only find it cringe-y if I push it through anyway, so I'll just leave the reading part to you. 😹
Anyway, I admire those who are brave enough to confess to their crushes. As for me, if I were to confess to my crush, why would I do that? Charot. 🤧🤣
Ganda po nung 1 2 3 4 5..para akong napapakanta sa iyong mga kataga.. sadyang ikaw ay makata at nakakahanga.. :)