Ang Huling tula na Isinulat Para Saiyo
Gusto kong tumula ng hindi patungkol sayo.
Gusto ko namang aliwin ang makata na nasa loob ko.
Dahil pagod na ako.
Pagod na pagod na akong habulin ka gamit ang aking panulat at mga salita.
Pagod na akong ipaunawa sayo kung ano nga ba ang kahulugan ng "Mahal kita"
Mahal kita hindi dahil mahal mo ako.
Na ang mahal kita ay hindi isang katanungan na dapat ay sinasagot.
Na pag sinabi kong mahal kita,
mahal kita at yun na yun.
Kaya gusto ko munang bumalik sa umpisa.
Kung saan, mahal ko lahat ng nasa paligid.
Mahal ko ang mga ibon na nasa himpapawid.
Mahal ko ang puno na nagbibigay sakin ng lilim.
Mahal ko ang kalangitan at
ang ganda nito ay sadyang kaibig-ibig
Iba pala ang ibig sabihin ng pagmamahal mo.
Pahiram lang pala sakin lahat ng alaala mo.
Mahal mo ako dahil ayaw mo ng maiwan
Mahal mo ako sa kadahilang alam mong hindi kita sasaktan
Kaya ito na ang huli
Ito na ang huling beses na mag aaksaya ako ng papel at tinta
Ito na ang huling beses na magiging parte ka ng aking mundo ko at ng aking mga tula.
Kaya paalam na sa iyo, aking Ginoo.
Dahil aaliwin ko muna ang makatang nasa loob ko na pinatay mo.
Ang Huling tula na Isinulat Para Saiyo Gusto kong tumula ng hindi patungkol sayo. Gusto ko namang aliwin ang makata na nasa loob ko. Dahil pagod na ako. Pagod na pagod na akong habulin ka gamit ang aking panulat at mga salita. Pagod na akong ipaunawa sayo kung ano nga ba ang kahulugan ng "Mahal kita" Mahal kita hindi dahil mahal mo ako. Na ang mahal kita ay hindi isang katanungan na dapat ay sinasagot. Na pag sinabi kong mahal kita, mahal kita at yun na yun.
Kaya gusto ko munang bumalik sa umpisa. Kung saan, mahal ko lahat ng nasa paligid. Mahal ko ang mga ibon na nasa himpapawid. Mahal ko ang puno na nagbibigay sakin ng lilim. Mahal ko ang kalangitan at ang ganda nito ay sadyang kaibig-ibig
Iba pala ang ibig sabihin ng pagmamahal mo. Pahiram lang pala sakin lahat ng alaala mo. Mahal mo ako dahil ayaw mo ng maiwan Mahal mo ako sa kadahilang alam mong hindi kita sasaktan
Kaya ito na ang huli Ito na ang huling beses na mag aaksaya ako ng papel at tinta Ito na ang huling beses na magiging parte ka ng aking mundo ko at ng aking mga tula. Kaya paalam na sa iyo, aking Ginoo.
Dahil aaliwin ko muna ang makatang nasa loob ko na pinatay mo.