What if...

1 12
Avatar for EiprilleBie
1 year ago

Hello. I'm back.

Scholar nga pala ako sa Graduate School sa Ateneo de Manila. Sa ikalawang picture ay nandiyan ako kasama ang matalik kong kaibigan na si Jam. Magkaklase na kami mula pa noong college hanggang makagraduate kami. At pati sa Graduate School ay magkaklase kami.

Pero last August, grumadweyt na siya at ako ay hindi pa. Non-thesis kasi siya, ako naman ay with thesis. Noong nakita ko ang mga prof ko (sa unang picture), nakaramdam ako ng inggit at panghihinayang. Kung sana nagnon-thesis ako, grad na rin sana ako.

Pero habang tinitingnan ko ang tatlong guhit sa toga nila ('yong isang prof ko diyan, siya ang nagpush sa akin na magthesis writing,' yong isa naman 30 years old siya nang magkaPHD sa ibang bansa), naalala ko ang dahilan. Gusto kong maging DOKTOR (phd) at kailangang magthesis ako para makapag-enroll ako sa PHD classes kung sakali.

Oo, Doc. na ang tawag ng mga kaklase ko sa akin. At hindi sa pagyayabang, pero ginagamit kong inspirasyon 'yon upang ipush ko ang pagsusulat.

Balang-araw, magkakatatlong guhit din ako. Pero di pa sa ngayon. Tatapusin ko muna ang thesis ko. (CRAMMER'S REPRESENT! HEHEHE)

Jam is my friend for almost 16 years since college.

2
$ 0.01
$ 0.01 from @Micontingsabit
Avatar for EiprilleBie
1 year ago

Comments

Magkakatotoo yang what if na yan! Claim it gorl

$ 0.00
1 year ago