Maghahating gabi habang nakaupo sa harap ng bintana malapit sa papag na aking tinutulugan, ay nakatulala kong tinitigan ang mga bituin. Nag iisip kong ano ba talaga ang gusto kong mangyari. Mahirap ang mabuhay sa panahong ito, panahon kung saan pera ang bumubuhay sa tao. Marami na akong naranasan, lalong lalo na sa bawat pakikipagsapalaran ko. Una namatay ang aking tatay, tapos iniwan kami ni kuya . Iniwan niya ako kay nanay na laging mainit ang ulo pagdating sa usapang pera. Lagi nya nalang isinusumbat sa akin ang mga bagay bagay na may kaugnayan sa gastos ng pamilya. Masama bang kumain? Masama bang manuod ng telebisyon? Masama bang maligo? Hay! Naku! Lahat na yata nang ginagawa ko masama. Nagigingmasaya na lamang ako sa tuwing nariyan ang barkada. Mahirap talagang makahanap ng trabaho. Ako na siguro ang pinakamalas sa mundong ito. Ayoko sanang imulat ang magiging anak ko sa panahong ito, mahihirapan lang siya at baka maranasan niya pa ang kamalasang nararanasan ko.
Habang nag-iisip ng tahimik, ay may nabuo akong isang malaking pasya. Gusto kong lumigaya si nanay. Tama lang ang gagawin ko. Humanap ako ng malinis na papel at sinulatan ko si nanay. Alam kong hindi tama ang nararamdaman ko. Bigla-biglang may tumulong luha sa aking mga mata. Kahit na ganito si nanay, ay mahal na mahal ko siya. Sana maging masaya siya sa gagawin ko. Nay, wag ka nang mag-alala, wala ka ng dagdag palamunin. Wala ka ng sesermonan sa tuwing may nagbubukas ng telebisyon natin sa bahay. Sorry nga po pala sa mga kuryenteng nasayang. Nay pasensya ka na, hindi ko nabayaran yung mga inutang kung baon simula noong ako ay nasa kolehiyo. Pasensya na po kayo, kase walang trabahong natanggap sa akin. Pasensya na rin sa pag-gamit ko ng tubig. Siguro po ngayun, kakaunti nalang ang babayaran niyo sa tubig. Nay pwede niyo pa pong pagkakitaan yung cellphone ko,ibenta niyo nalang po kay aling Diday ng mga 3500. Nay may nabuntis nga po pala ako. Isa siyang mayaman na babae, maaari niyo po siyang huthutan kung wala na kayong maipapang binggo. Nay, hanggang dito nalang po siguro ang paghinge ko ng tawad sa inyo. Sana hindi na po kayo mamroblema. Nay, malapit na po palang mag eleksyon. Siguro pwede po kayong makahinge ng tulong kay mayor para sa aking kabaong. Walang kandidato ang hihindi sa inyo kase malapit na ang botohan. Nay, tiyak akong pupunta ang mga taong nakotongan ni tatay, yung ibibgay nilang abuloy ay tulong ko na po sa inyo. Para kahit sa papaanong paraan, ay may naiambag manlang akong pera sa inyo, at kumita ang kagaguhan ko. Salamat nanay at pasensya na po..
Habang hawak-hawak ko ang kutsilyo ni itay sa loob ng aking kwarto,ay nagdadalawang isip parin ako. Gagawin ko ba talaga ang lahat ng ito?. Unti unti kong sinasaktan ang aking katawan. Paulit-ulit kong hinihiwa ang bawat parte ng aking katawan. Napakasakit at makirot ang mga sugat. Maya maya pa ay napatulala ako sa larawan ng aming pamilya. Halos lahat ay nakangiti at masaya habang nagkakainan. Biglang pumasok ang lahat-lahat ng alaala sa aking buhay. Parang, ang mga oras ay nag-si-hinto at animoy isang CD player na nagrewind ng isang saglit.
Palipat-lipat man kami ng bahay ay masaya kaming nabubuhay nang magkakasama. Si tatay Karding ay isang pulis. Kinatatakutan siya ng mga tambay sa aming baryo. Sa tindig niyang napaka angas at sa mukha niyang nananapok, ay walang dudang siya ang hari nang mga engkwentro. Kahit napaka istrikto ni tatay sa labas ng bahay,ay ibang-iba siya sa loob kasama namin nila kuya at nanay. Palatawa siya at laging nakikipag biruan sa amin ni kuya. Lagi kong kinaiinggitan si kuya Fidel. Siya kase yung laging nabibigyan ng atensyon sa aming pamilya. Lagi nalang ako ang sumasalo sa mga pinaglumaan nyang gamit. Siya yung tipong hinahabol ng mga kababaihan at kilabot ng mga kabaklaan. Astig pumorma, maputi, maganda ang mga mata, at tinaguriang Mr. Pogi ng Rosario, Kawite. Iba talaga kapag may kapatid kang sikat. Lagi kayong pinagkukumpara sa lahat ng bagay. Si nanay Tina naman, siya na siguro ang pinakamabait na nanay sa buong mundo. Elementarya lang ang kaniyang natapos dahil sa kahirapan. Nakilala siya ni tatay sa isang karinderya sa Pasig. Napakasarap nyang mag luto. Dahil sa walang tinapos, ay nanatiling sa bahay na lamang ang tungkulin ni nanay. Siempre hindi makukumpleto ang pamilya kapag wala ako. Ako si Beno, maputi matangkad at gwapo rin daw sabi ng aming mga kapitbahay. Sabi nila nagmana raw ako kay kuya. Kaso hindi daw ganun kalakas ang porma ko. Pero para sa akin, ayus na kung ano ang meron ako. Ako yung binatang sawa sa pag-aaral, tanging kasayahan lamang ang ginugusto. Maraming oras ang ginugugol ko sa computer games at panunuod ng telebisyon. Hilig ko rin ang kumain ng kumain.
Si tatay ay laging nadedestino sa ibang lugar para sa kanilang Police Operation. Sa bawat gabing dumaraan ay laging kinakabahan si nanay. Natatakot siya sa pwedeng mangyari kay tatay. Lagi siyang nag rorosaryo sa tuwing may engkwentro sila tatay. Pero kahit anong pag iingat ang gawin natin ay hindi maaalis ang disgrasya sa ating buhay. Isang gabi ay may kumatok si pintuan. “Mrs. Reyes..! Tok! Tok! Ikinalulungkot ho namin ang pagkamatay ni Mr. Reyes, lubha siyang napuruhan sa labanan ng mga Pulis at kidnappers kagabi. Tuluyan napong nagpaalam ang inyong asawa. Kasalukuyang naroon siya sa hospital malapit sa polisya.” Gulat na gulat si nanay sa mga nangyari, hindi siya makapaniwala na wala na ang aming ama. Halos magunaw ang aming mundo sa balitang aming natanggap. Iyak nang iyak si nanay habang nakaupo malapit sa pintuan. Hindi namin alam kung ano ang dapat gawin sa mga oras na iyon. Sa sobrang sama ng luob ni kuya,ay sinuntok niya ng malakas ang pader ng aming kusina. Ang gulo-gulo at hindi ko maintindihan ang mga pangyayari. Napakalakas ng iyak ng aking ina. Bakas sa aming mukha ang kalungkutan, ngunit tinatagan ko ang aking sarili. Nilapitan ko si nanay at kinalamay ang kanyang kalooban. Sumama kami sa pulis para pumunta sa ospital kung saan naroroon si tatay. Nang marating namin ang ospital ay lalong lumakas ang pag iyak ni nanay. Hindi niya mapigilan ang mga nangyayari. Pagpasok at pagpasok palang namin sa kwarto ng aming tatay, ay hindi na nakayanan ni nanay ang mga pangyayari. Napaluhod siya at halatang nanghihina. Habang humihikbi, ay binuhat ni kuya si nanay papunta kay tatay. “karding!! Bakit mo kami iniwan... diba ang usapan natin ay magsasama tayo hanggang kamatayan? Sabi mo sabay tayong mamatay.Karding paano na kami ng mga anak mo. Ano na ang mangyayari sa amin ngayung wala kana?”. Sobrang kalungkutan ang mailalarawan sa aming pamilya nuong mga oras na iyon. Lumipas ang mga araw at inilibing rin ng maaga si tatay karding. Sobrang sakit para sa amin ang ihatid si tatay sa kanyang huling himlayan.
Pinilit naming bumangon sa mga nangyari. Inayos namin ang mga kailangan para mabuhay. Nagtitinda si nanay ng mga gulay para may makain. Si kuya naman, ay tapos na sa pag aaral at meron ng trabaho. Ako ay kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo. 4th year student na ako at dalawang semester nalang ay magtatapos na ako sa pag aaral bilang BSBM. Nagbago si nanay magmula nang iwan kami ni tatay. Naging mainitin ang kanyang ulo at laging pasigaw kung makipag usap. Hindi na kami nakakapagkwentuhan ng maayos, hindi niya na rin nakakamusta kung maayos lang ba kami.
Hindi naman maalis sa atin ang makahanap ng tunay na kaligayahan. Si kuya Fidel ay nagkaroon ng girlfriend; na masipag, maganda at lahat ng katangian na gusto niya ay narito na, kaya nga balak na niyang pakasalan ang babaeng ito. Upang lalong makatulong ay inamin sa akin ni kuya ang kanyang sikreto sa pag kakaroon ng pera. Bukod sa kanyang pinakamamahal na girlfriend, ay pumapatol din daw siya sa bakla. Sa katunayan nito, ay may limang bakla siyang pinatulan. Hinihingian niya ito ng pera sa oras ng kagipitan. Paminsan minsan naman daw ay nakikipagtalik siya sa mga ito para makakuha ng mas malaking pera. Sabi niya sa akin, ngayung nakapag desisyon na siyang magpakasal, ay titigilan niya na raw ang pakikipagkita sa kanyang mga bakla. Mag iipon siya para sa mga gagastusin at panimula ng kanyang sariling pamilya.
Kinalaunan ay nakasal na ang aking kuya sa kanyang asawa, matapos ang kanilang honeymoon ay hindi na siya nagpakita pang muli sa amin. Galit na galit si nanay sa ginawa ni kuya. Lalong nag iba ang ugali ni nanay. Wala na siyang paki alam sa akin. Matapos ang kanyang pagtitinda ng gulay, ay dumudiretso siya sa bingguhan malapit sa aming bahay. Ibang iba ang nanay na nakakasalamuha ko ngayun kaysa nung nabubuhay pa si tatay at kumpleto ang aming pamilya. Alas otso ng gabi ng umuwi si nanay. Inis na inis at nakakunot ang nuo. “hoy! Beno. Ang lakas lakas mo naman lumamon! aba eh baka wala na tayong makain bukas niyan!. Nakikita mo ba ang sarili mo?! Wala kapang trabaho hanggang ngayun!!. Tapos umaasa ka sa akin para sa iyong matrikula. Naku po!!! anak ng puta naman. Sige!.. iluwa mo yang mga kinain mo, para may pang almusal ka pa bukas ng umaga.” Ang galit na galit na sermon ni nanay. Sobrang nagulat ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko na kilala ang nanay na kasama ko sa bahay. “Ano!! Sumagot ka! Nasaan yung mga tuyo dito? Pati ba naman ang ulam na tuyo na riserba para bukas ay nilantakan mo pa? Hndi paba sapat saiyo ang itlog na maalat? Puta naman. Hay!!! Erhhh! Bwiset. Mula ngayon ay magbabayad ka na nang upa dito sa bahay. Nakakapang init ka ng ulo.” Sobrang nalungkot ako sa mga narinig kung iyon.
Mag sisecond semester na at malapit na akong magtapos. kahit iba na ang trato sa akin ni nanay, ay iniintindi ko pa rin siya hanggang sa nagipit ako at kinailangan ko ang pera. Kailangan ko nang pera para may maipambayad sa matrikula. Sa paaralan kung saan ako namamasukan, “okay class you may go, except for Beno Reyes.” Nagtaka ako kung bakit niya ako gustong maiwan sa klase, gayong wala naman akong ginawang masama. “goodbye sir,” “goodbye class see you tomorrow”. Ako nalang mag isa sa aming klase at may pinapasagutan siyang mga math problems. Habang ako ay nagsasagot, ay meron akong naramdamang humihipo sa aking mga braso. Pababa ito ng pababa hanggang sa mailagay ang kamay nito sa aking hita. Tiningnan ko ang aking professor at nagulat ako sa kanyang itsura. Nakasarado ang pintuan at mga bintana nung mga oras na iyon. Wala nang pantalon at brief si sir habang nakita kung naninigas ang kanyang pag aari. Nuong una ay natawa ako sa aking nakita. Pero, mukhang desperado ang loko. Pinilit niya akong hawakan ang kangyang ano, at hinalikan niya ang aking leeg. Hindi ako makapaniwala na ang gurong akala ko ay brusko, yun pala ay may gusto sa akin. Matapos ang aming pagtatalik ay binigyan niya ako ng 5000. Evening class nga pala ako kaya walang sagabal sa aking guro na gawin iyon. Napag isip-isip ko ang sinabi nang aking kuya. Ganun pala ang kumita ng malaking pera sa madaling paraan. Dahl dito ay nakakuha ako ng opurtunidad para maipagpatuloy ang aking pag-aaral. Matapos ang pagpapakasarap ko, ay umuwi na ako sa bahay. Binuksan ko ang telebisyon para manuod ng balita. Maya maya pa ay; “anak nang putang ina naman oh,,, ang laki laki na nga nang binabayaran natin sa kuryente tapos nuod kapa ng nuod ng telebisyon?! Ano bang utak ang meron ka!!! Tatanga tanga! Patayin mo nga yan at wala tayung pambayad sa kuryente! Saka, humanap ka nang trabaho para may silbi ka dito sa bahay!” Ayan nanaman ang akin nanay. Napakainit talaga ng ulo. Buti nalang at nakakuha ako ng pera kanina, salamat at may maibabayad na ako sa renta ng bahay. “ Nay,,, ito na nga po pala ang renta ko sa bahay. 2000 . yung susunod ko na renta ay ibibigay ko nalang sa susunod na buwan. Yung mga nautang kung baon nga po pala ay saka nalang kung makahahanap pa ako nang pera. Kung gusto niyo rin po, ay magbabayad din ako ng kuryente para hindi na kayo magalit”, “ aba!!! Beno. Kinokonsensya mo ba ako?! Pero mas maganda na ito para may pakinabang ka! Teka may trabaho kana ba?!”. Hindi ako naka imik sa tanung na iyo ni nanay. Pumunta nalang ako sa kwarto at nagsimulang gumawa ng mga projects. Pagod na pagod pero ayus lang. Si nanay nalang kase ang natitira kung pamilya, wala na kaming mga kamag anak dito sa Pilipinas. Hay!!! Sa sobrang pagod ko, ay dinalaw na ako ng antok. Nagsimula na akong matulog at pinatay ko na ang ilaw.
Nagising ako ng masaya at walang inaalala para sa aking matrikula. “nay.. good morning po”. “anong maganda sa umaga? Hoy ikaw! Aga agahan mo nga ang pag gising dito sa bahay. Hindi to motel. O siya sige, merong tuyo at sinangag diyan sa lamesa, kumain kana!. Yung kanin nanduon sa upuan, kahapon pa nang umaga iyon. Wag mong uubusin para may pananghalian pa tayo”. Si nanay talaga. Sabagay, bakit hindi pa ako nasanay sa kanya. Lagi naman siyang masungit. Sana magbago na siya. Pumunta ako sa lamesa at upuan para tingnan kung makakain pa ba yung kanin. Inamoy ko ito at tinikman. “Panis!” panis na yung kanin, kaya dali dali akong pumunta sa tindahan para bumili ng isang kilong bigas. “aleng Diday, pabili nga po ng isang kilong bigas.” “ito na yung bigas, ay beno may mga utang nga pala dito ang iyon nanay. Padami na nang padami eh, hindi ko naman mahindian kase kumare ko siya, pwede bang ikaw nalang ang magbayad? Karamihan kase ay puro alak ang inuutang niya.” “ah sige po. Baka sa susunod na buwan ko pa iyan mabayaran.” Matapos ang pagbili sa tindahan ay nag saing ako ng mabilisan. “Nay.. tara kain po tayo. Ito po may sardinas, kumain naba kayo?” hindi siya sumagot at lumabas bigla dala dala ang kanyang mga paninda. Paano ko kaya mapapaligaya ang aking nanay.
Mag aalas sais na at nag mamadali na akong pumasok. Pinuntahan ko si Sir. Babe, para itanung kung gusto niya ba talaga ako. Kinausap ko siya sa kanyang faculty room. Sakto at wala siyang kasaman co teacher. Pinag usapan namin ang tungkol sa amin.”sir yung nangyari sa atin.” “ahh yun ba? Kelangan mo ba nang pera?” ang tanung niya sa akin.” Sir pwede bang babes na ang itawag ko sayo.? Saka sir wala akong cellphone, gusto sana kitang makatext.” “Ahh sige mamaya, pwede kabang sumama sa aking bahay. Pagkatapos nang klase?” “opo sir”. At matapos ang pagkukumpirma ko sa aking teacher ay dumiretso na ako nang klasrum. Maraming kung ano ano ang pinag aralan namin. Tuluyan akong napagod. “o Beno tara! Uwi na tayo.” “ahh sir babes nagugutom na ako. Kain muna tayo.”
Pagkadating namin sa kanyang bahay ay nakahanda na ang mga pag kain. Dali dali ko itong nilantakan at nagpakabusog. Iniabot din sa akin ni sir babes ang cellphone na nirerequest ko. “Naku sir, salamat, loadan niyo ako ha? Wala kase akong pang load.” “sayang ka naman, sayang ang kagwapuhan mo. Haha para sa akin ka talaga.” Dinala niya ako sa kanyang kwarto at pinahiga sa kanyang malambot at mukhang mamahalin na kama. Binuksan niya ang kanyang flat screen na telebisyon, at isinalpak ang isang CD. Ibang klase rin ito si sir. Andami niyang koleksiyon ng mga sex videos. Bumalik siya sa kama at nagpahubad sa akin. Tinanung ko siya. “Sir may asawa ba kayo?” Meron pala siyang asawa, ang problema ay hindi nito alam ang kagaguhan na ginagawa ni sir babes. Kinaumagahan ay may daladala na akong 5000php habang papauwi sa bahay. Pagdating ko sa bahay ay naligo muna ako at nag bihis ng damit. “hoy! Beno! Mag dahan dahan ka naman sa pag gamit ng tubig. Hindi yan kasali sa binabayaran mo dito sa bahay. Anak ng... errhh... nakakabwiset... ang aga-aga.!” Lagi nalang ganito ang sistema sa bahay.
Sa wakas at mamayang alasais ay graduation na namin. Salamat din kay sir babes, kung hindi sa kanya, ay hindi ako makakapag tapos. Lahat kase nang bayarin ko dito sa iskul at mga baon ko ay siya na ang nagbayad, sa walong buwan naming pag sasama ay malaki ang naitulong niya sa akin. Nga pala, naalala ko ulit yung sinabi ni kuya. Kapag gusto ko na nang maayos na buhay, ay babae na ang aking hanapin. Unti unti ko nang iniiwasan si sir babes. kahit papaano, ay nag bunga rin ang mga pam bablackmail ko sa kanya. Sa totoo lang,ay natakot siya dati na malaman nang kanyang asawa ang mga kababuyan na ginagawa namin. Sabi ko sa kanya, pagtapusin niya lang ako ng pag aaral at titigilan ko na siya. Kakalimutan ko ang lahat at maghahanap ng maayos na trabahao.
Nagsimula na ang pag mamartsa. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin si nanay. “Bakit ganun? Alam niya naman na graduation ko ngayun, eh bakit wala pa siya? Ano kayang nangyayari sa kanya? Pupunta pa kaya siya?” natapos ang gabi ng pagtatapos at walang dumating na nanay para samahan ako sa pag abot ng diploma. Mangiyak ngiyak akong kumuha nang diploma sa taas ng stage. Ginawa ko ang lahat para sa aking nanay. Pinilit kong makapagtapos para sa kanya. Pero, sa lahat ba nang pagtitiis na ginawa ko ay hindi parin bumabalik ang dating nanay na nakilala ko? Pinilit kong intindihn siya kahit hindi ko na kaya. Paanong, simpleng hiling ay hindi niya napagbigyan. Ang gusto ko lang naman ay kasama ko siyang umakyat sa stage at kumuha ng diploma. Hay naku. Walang silbi ang mga luha na ito. “wag kang iiyak Beno. Wag kang iiyak” ang sabi ko sa sarili ko. “patawarin mo nalang ang iyong ina at bigyan mo pa siya nang mga pagkakataon.
Bilang regalo, ay binigyan ako ni sir babes nang 10 000php. Siya nga pala, ay mayaman kaya barya lamang sa kanya ang sampung libo. Pag uwi ko, ay bumili ako ng litson manok para sa aming pag sasaya. Pag dating sa bahay ay nadatnan kung lasing na lasing at nakikipag inuman si nanay sa mga kalalakihan. Sobrang inis ang aking naramdaman. Galit na galit kong inilapag sa mesa ang litsong manok at nag bihis nang damit pambahay. Pinigil ko nalamang ang aking sarili habang nagtitimpi. Maya maya pa ay dumating si nanay. Pakunwari akong masaya at tinanung siya.” Nay? Kumain kana? Tara kain na po tayo”. “oh anak. Maligayang bati sa iyo. Nakapagtapos ka na nang pag aaral. Makakahanap ka na nang magandang trabaho. Ito tingnan mo. Ipinagdiwang ko na ang iyong, graduation night ba ang tawag dun? Anak... gusto mong inom? Tara inuman tayo!!!!” Ang dapat na masayang gabi ay nauwi sa kalungkutan. Sa totoo lang ay hindi ko magawang magalit kay nanay. Tanging pag titimpi na lamang ang aking ginagawa sa tuwing nasasaktan niya ako. Mahal ko siya, pero ang tanung, mahal niya pa ba ako? Nag mumukha siyang bata na walang pinag aralan. Sana magbago na siya.
Maghahating gabi na at hindi parin ako makatulog. Naiisip ko ang galit sa aking nanay. Lumabas ako ng bahay para makapag isip-isip. Mukha nang pera ang aking nanay. Habang nag iisip ay may nakilala akong isang babae. Simple lang siya at hindi kagandahan. Parehas kaming may problema. Namomroblema siya sa kanyang tatay dahil sa sobra nitong pagka lasinggero. Nag usap kami hanggang sa maramdaman naming, mag mamadaling araw na pala. Siya nga pala si Rhea. Elementarya lang din ang kanyang natapos at kasalukuyang bugaw. Napaka sarap niyang kausap at mukhang mabait, ngunit nagulat ako sa propesyon na kanyang ikanabubuhay. Matapos ang mahaba haba naming pag uusap ay natulog na ako sa aming bahay.
Matapos ang graduation ay niyaya ako nang aking mga kaklase na pumunta sa isang bar. Nagpakasaya kami nang gabing iyon. Umorder ng limang case nang beer ang aking mga kaklase. Hati-hati kami sa mga ginastos. Iba na talaga kapag may barkada ka. Kahit malungkot ay magiging masaya ka, at basta kasama mo sila gumagaan ang problema. Gabing gabi na iyon at parami ng parami ang mga taong nagsisipuntahan. Nag paalam ako ng saglit sa aking tropa para mag banyo. Sobrang sikip na nang pantalon ko. “excuse me po, padaan, grabe naiihi na talaga ako”. Dahil sa sobrang pagmamadali ko ay may nabunggo akong napakagandang babae. Kutis mayaman at amoy mayaman. Huminge ako ng sorry sa kanya pero nag patuloy pa rin ako sa paglalakad para pumunta sa banyo. Matapos kung mag banyo ay agad agad ko siyang binalikan. Pumunta ako sa lugar kung saan ko siya nabunggo. Hindi ko siya naabutan. Sa lugar na iyon ay may nakita akong isang kwintas namay lamang larawan. “Ano kaya ang bagay na ito?” Tiningnan ko ang larawan at nakita ko ang mukha nang babaeng nabangga ko. Napakaganda niya talaga. Hinanap ko siya sa bar. Nag paikot ikot ako at sa wakas ay nakita ko na siya. “Miss, sayo ba ito?” natagpuan ko siyang umiiyak at nagiisa sa lamesa. “Miss mabigat ba ang problema mo? Baka makatulong ako.” Lubhang napakabigat nang dinadala niya, at ayaw niya nang kausap. Gusto niyang mapag-isa pero nag matigas ako at sinamahan ko siya. Kwenintuhan ko siya nang ilang mga bagay, dahilan nang pag-gaan ng loob niya sa akin. “miss, ako nga pala si Beno Reyes, at ikaw?” “Judy Anne Reyes.” “Anong problema mo?” ang tanung ko sa kanya. Nagalit siya dahil sa pakikialam ko. Pero para sa akin kahit ngayun ko lang siyang nakita ay parang inlove na ako sa kanya. Parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa kanya at parang may kakaiba.” Yung asawa ko kase. Nahuli kong nambabae.” “paanong ipinagpalit ka nang asawa mo? Eh ang ganda ganda mo kaya. Loko loko ba yung asawa mo? Pero Mrs. Sa akin ka nalang at paliligayahin kita. May anak ka naba? “ “bastos ka! (sinampal niya ako at nahalata ko ang sobrang sama nang luob sa kanyang mukha) Oo may anak na ako. Isa.” Hindi ko napigilan ang aking sarili. Pumayag siya na makipag talik sa akin. Kahit hindi niya pa akong lubos na kilala. Sabi niya, pampalipas daw nang sama ng luob. Kaya naman pinagbigyan ko siya. Nag paalam ako sa aking mga katropa at isinama ko siya sa isang motel. Nag check in kami at nag paka saya. Alam kung hindi tama ang ginagawa ko pero ito ang nararamdaman ng puso ko. Parang gusto ko siya. Maaaring dahil sa kanyang malakas na sex appeal at maaaring iba pa. Napaka pusok ko nang gabing iyon. Lasing na lasing ako at walang control sa sarili. Habang ginagawa ko ang mga bagay na masaya ako ay patuloy siyang umiiyak. Ibinuhos niya ang lahat nang sama nang luob sa akin. “ ano ba ang pangalan nang asawa mo?” “Fidel Reyes” nagulat ako sa aking nalaman. Parang ginago ko ang aking kuya nung gabing iyon. Bakit hindi ko agad na pansin ang kanyang apelyido. Natanggal ang aking kalasingan sa aking nalaman, parang natakot ako bigla sa aming ginawa. Pero wala na akong magagawa tapos na ang lahat. Kasalanan ito ni kuya Fidel. Kung ipinakilala man lang niya sana si judy sa amin, ehdi sana nakilala ko kaagad ang babaeng ito. Mayaman pala ang kanyang pamilya at wala nang pinoproblema si kuya. Hay! Pero huli na ang lahat sana hindi ko mabuntis si Judy. Natapos ang gabing iyon at hindi na kami nagkita. Umuwi ako sa bahay nang lasing na lasing at antok na antok.
Natulog ako at nagising nang mag aalasdose nang tanghali. “ anak nang kaputa-putahan naman oh. Hoy! Beno saan ka nanaman nanggaling ka gabi? At hindi na yata kita nakitang pumasok sa bahay?” kahit namura ako ni nanay ay masaya ako dahil nag karoon siya nang paki alam sa akin. Napansin niya ako sa kahit papaanong paraan. Inilabas ko na lamang sa kabilang tenga ang mga sinabing iyon ni nanay. Dahil sa aking hang over ay naligo ako. “hoy! Beno. Dahan dahan sa paggamit ng tubig. Hindi ikaw ang nag babayad niyan. Bakit may trabaho ka naba? Wala ka na ngang binabayaran dito sa bahay, tanging upa lang nang kwarto mo. Naku! Ang lakas lakas mong lumamon. Ang lakas mong gumamit nang kuryente at lalong lalo na ang paggamit mo nang tubig! Hoy hindi yan swimming pool. Yung ipinaliligo mo sahurin mo para may maipanglaba pa tayo!!” sa narinig kong sermon na iyon ni nanay ay parang nag iba ang pananaw ko sa kanya. Paglabas ko nang banyo ay nag pahinga muna ako.
Maya maya pa ay sinermunan nanaman ako ni nanay. “ Nay! Ano pa bang kulang ko?! Bakit kaba nagkakaganyan?! Pasensya na kung tumataas ang boses ko ngayun. Pero nay, gusto ko sabihin sa inyo na mali ang ginagawa niyo! Sa totoo lang, tayong dalawa nalang ang magkapamilya dito sa Pilipinas! May iba pa po ba kayong kamag anak? Nay,kung hindi niyo ako matatanggap. Mabuti pang patayin niyo na rin ako. O dikaya palayasin niyo nalang din ako dito sa bahay. Parang, mas mahal niyo pa yung mga alak. Lagi niyo nalang akong minumura! Nay mahal niyo pa ba ako?! Nay alam niyo po, gusto ko kayong maging masaya?! Nagsipag ako para makatapos nang pag aaral kahit hindi ko na kaya. Nanggamit ako nang mga tao para makapagtapos. Nay kung lahat ng bagay ay isisisi niyo sa akin. Isisi niyo na rin pati yung pagkamatay ni tatay!!! Nay naging demonyo na kayo!!!” Sinampal niya ako at napaiyak ang aking nanay. Dahil sa sobrang galit, ay umakyat na lamang ako sa aking kwarto at nagpalipas nang oras. Sobrang sama nang loob ko nung mga oras na iyon. Sana hindi nalang nangyari ang lahat nang ito. Parang hindi niya ako anak kung tratuhin. Ayus lang naman sa akin kung paulit-ulit niya akong muramurahin, pero sana mahalin niya rin naman ako. Sobrang sakit dahil, nanay ko pa ang tumatrato sa akin nang ganito.
Gabi na at lumabas pa ako nang bahay. Sobrang sama nang luob ko sa mga nangyari. Niyaya ako nang isang tambay na makipag inuman. Nilunod ko ang aking sarili sa alak. Tumagay ako nang tumagay, hanggang sa ako ay malasing nang todo. “Pare, bakit mo tinitiis na ginaganun ka nang nanay mo?” tanung nang aking kainuman.” Naku bakla yata yan si Beno. Sayang ang kagwapuhan, BAKLA naman.” Nagpanting ang aking tenga dahil sa aking mga narinig. Nagwala ako at itinumba ko ang lamesa. “Gago ka. Sino ang bakla sa atin?” Hinamun ko siya nang suntukan. Nakipagsuntukan ako pero hindi umubra ang tapang ko. Dahil sa sobrang kalasingan ay kinuha ko ang kutsilyo na nakalagay sa lamesang aking itinumba. Pinigil ako nang aking mga kasama sa tangkang pagsaksak sa aking kainuman. Basag na basag ang mga bote at puro bubug ang nasa paligid. Umuwi ako sa bahay nang patumba-tumba at dumiretso ako sa aking kwarto. Pinilit kong mahimas-masan ang aking sarili at dumungaw na lamang sa bintana.
(Tunog ng orasan: DING DING DING DING DING DING)
Nagising ako sa katotohanan nang mga oras na iyon. “Naku ano ba itong nangyayari sa akin? Buong buo na ang desisyon ko. Gusto kong lumigaya si nanay para narin sa aking tatay. Nanay, mahal na mahal ko po kayo. Sasabihin ko nalang po kay tatay na mahal niyo rin siya. Sana mabasa niyo ang sulat ko. Nay, paalam na po. Manginig-nginig kong itnaas ang kutsilyo ni itay. Maya maya pa ay, biglang pumasuk si inay sa aking kwarto. Nag mamadali at naluluha. Waring humihinge ng saklolo. “anak nakita ko ang tatay mo! Papatayin niya ako!” ang malakas na ungol ni inay. Dahil dito ay ibinaba ko ang kutsilyo at niyakap ko si nanay. “nay, nandito lang ako, hindi kita iiwan, patawad, i love you”
Hindi ko pala kayang iwan ang aking nanay na ganun na lamang ang kalagayan, isang baliw.
WAKAS