Maruming trabaho pero legal
Wazzup mga manunulat na katulad ko! Naks, kala mo naman talaga active ako na gaya niyo hehe. Nga pala paumanhin kung ako may nawala ng ilang araw, marami lang talaga akong pinagkaabalahan na medyo hindi naman kapakipakinabang pero nagbigay naman sa akin ng kasiyahan haha.
Happy new month pala sa lahat ng naririto! Magtatag-lish muna ako sa aking pagbabalik haha para makabwelo hahaha
Topic ko ngayon ay tungkol sa mga trabahong marumi ngunit kumikita sa malinis na paraan
Basurero - may isang post sa Facebook na nakita ko noon na galing sa isang basurero. Makikita sa litrato sa post nya ang kanyang palad na puro dugo at ang nakalagay sa caption nya ay "Sana naman po bago nyo itapon ang mga babasagin o matatalim na bagay ay ibalot nyo ng maayos para hindi kami madisgrasya ng ganito". Pagkatapos kong makita ang post na yon ay na-alala ko ang mga bagay na nabasag ko dati, dahil basta basta ko nalang yon tinapon sa basuran at hindi ko inisip na maaari pala itong makadisgrasya sa mga kolektor ng basura. Napakaling tulong ng mga basurero sa ating kumunidad dahil isa sila sa dahilan kung bakit malinis ang ating paligid nakakalungkot lang dahil sa kabila ng mahirap nilang trabaho ay kakarampot lamang ang kanilang kinikita.
Taga-linis ng pozo negro - Ang paglilinis na siguro ng pozonegro ang pinaka-maruming trabaho sa lahat. Ang trabahong ito ay hindi pwede sa mahina ang sikmura. Minsan ay iniisip ko kung paano sila nakaka-kain pagkatapos ng kanilang trabaho. May isa kaming kapit bahay noon na nagkaroon ng problema sa kanilang pozonegro dahil ito ay puno na kaya naghanap sila ng taong kaya maglinis nito. Nagsimula ang tatlong lalaki sa pag titibag ng sahig kung saan nakatapat ang pozonegro at ng mabutas na nila ay agad umalingasaw ang makabaliktad sikmurang amoy ngunit parang wala lang itong sa kanila. Pag kalipas lang ng ilang minuto ay natibag na nila ang buong semento na nakatakip sa pozonegro at ang isa sa kanila ay agad na lumusong sa loob nun at nilimas ang laman hanggang sa maubos. Sa ngayon ay may mga company na ang may ganitong serbisyo at makabago na ang kanilang paraan sa paglilinis gingamitan na nila ito ng malaking hose na sisipsip sa mga dumi galing sa pozonegro.
Ilan lamang ito sa mga trabahong kung tingnan natin ay marumi ngunit marangal at walang taong nilalamangan. Katulad lang din natin sila na nagtatrabaho para malagyan ng pagkain ang kanilang lamesa sa araw araw at punan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.
Salamat sa taas! 👆🙏
Kitakits sa susunod kong article! :)
Lead Image is edited in PicsArt application.
Thanks for reading! 😉
Let's connect on noise.cash: DBron
Ilan lang 'to sa mga trabaho na ang tingin nang marami is napakababa pero dapat pinagmamalaki, in the first place. One of the ways para makatulong sa mga garbage collectors natin is the segregation, laking tulong n'yan. Then same sa question 'dun sa mga naglilinis ng pozo negro, Kuyaaa. Paano kaya silang nakakakain after hano? Mga immune na yata sila eh.