Magandang Hapon sa lahat!! Kumusta ang panahon sa inyong lugar???
@DreamBig
Joined 11 July 2020 · 150 posts
Wag mapagod, wag sumuko, DREAM BIG!!!
120 KT
0 KT · 1¢ received · 0 KT given
Posts
Itawa mo na lang! HAHA! Kung ikaw ay masaya humalakhak ka HAHA!! Kung ikaw ay malungkot, lumaban pa Haha!! Ganyan ang ikot ng mundo, di madali hanggang dulo. Pero tiyak mananalo ka , kaya pakatatag ka. Minsan mapagbiro ang tadhana The more na iniiwasan, the more hindi matakasan Pero ganyon talaga e, kahit pa mahirap Wag matakot tuparin ang mga pangarap Lumipad ka, humayo ka Maglakbay ka hanggang marating mo na Magpasalamat sa lahat ng lamat Dulot ng hirap na iyong hinaharap Bawat paghihirap ay prosesong dadaanan Ng bawat taong madalas nasa paanan Di bale na, sa simula lamang iyan Tamang pagkakataon lang , hintayin natin iyan Sa bawat problema, itawa mo na lang Huwag magmukmok, tatagan iyong loob Bawat problema, tiyak ang solusyon Manalangin, matuwa, kumilos ng may dedikasyon
Ingat-Yaman Mayaman ang ating mundo. Sagana sa lupain, karagatan, halaman, mga puno, bulaklak, hayop at iba pang mga bagay. Kay gandang pagmasdan ang mga luntiang bukirin. Pagkasikat ng araw nakahanda na ang mga magsasaka upang pumunta sa mga palayan. Kasama nila ang mga asawa nila na naghahanda ng masarap na meryenda. Mainit na bibingka na may nakakahahalinang halimuyak at lasa at ang malinamnam na tsokolate. Gayun din naman ang mga mangingisda, umagang umaga pa lang ay abala sa pagaasikaso ng kanilang lambat at inihahanda ang kanilang bangka sa pagpalaot. Iba't ibang klase ng isda ang mahuhuli: may bangus, may lapu-lapu, may tuna, tawilis at iba pa. Sagana sa yaman ang ating mga dagat. Nakalilibang na pagmasdan ang nakaaakit na ganda ng karagatan. Asul na asul. Sumasayaw ang mga alon sabay sa pag-ihip ng hanging Amihan. Nakagagaan ng pakiramdam ang preskong simoy ng hangin. Ang mga tao sa kabundukan ay may simple ngunit masayang pamumuhay din. Nagsisibak ng kahoy para ipanggatong at magamit sa pagluluto ng kakainin sa hapunan. Ang mga magkakamag-anak ay nagkakatipon gabi-gabi upang pagsaluhan ang mga ngiti at halakhakan habang inuumpisahan tikman ang masasarap na pagkaing inihanda ng mga kababaihan. Sila ay mga tagapag-alaga ng mga puno. Pinararami nila ang mga puno sa pamamagitan ng pagtatanim at pagaalaga ng husto upang kung bumabagyo sila ay makaiwas sa pagguho ng lupa. Saan mang dako sila manggaling bitbit nila sa kanilang sarili ang adhikain na pangalaggaan ang kalikasan. Disiplinado at may malasakit. Hindi nagkakalat ng basura sa daan. Hindi bumabaril ng mga ibon o humuhuli upang alagaan sa sariling bakuran. Hindi gumagamit ng dinamita upang mas makahuli nang maramihan. Hindi sinisira ang mga kabundukan, hindi ginto ang pinagdidiskitahan. May puso para sa inang kalikasan. Noon iyon... Ngayon?? Mabilis na nag-iba ang takbo ng buhay. Magkakaiba ng paniniwala at gawa. Hindi magkasundo sa kultura at disiplina. Nawalan na ng amor sa isa't isa. Tapon dito, tapon doon. Masiklab na pagpapasabog sa dagat. Nasisirang mga koral at perlas. Pinagdamutan ng tahanan ang mga lamang-dagat. Gabi't araw ay singkad sa pagsira sa mga kabundukan layon ay upang makalikom ng magagandang ginto't pilak. Pagiging makasarili. Ako muna bago ang mamamayan. Pagdebelop sa mga lupain upang gawin subdibisyon at establisimyento. Nawalan na ng pagaaruga sa kalikasan. Mga taong nagsusunog ng kanilang mga basura. Di anlintana ang usok na ibinubuga ng mga sinusunog at nagbabaga. Dumudumi ang hangin sa paligid. Dumadanas na ng mahagupit at mabagsik na mga bagyo. Lindol. Ipo- ipo. Maalinsangan na panahon. Nasaan na ang ating disiplina sa pagaalaga sa ating kalikasan? Ito'y hindi sadyang atin. Ito lamang ay pahiram. Sinisingil na tayo ng kalikasan. Hindi ba natin ito alintana? Ating mga ugali ay lubhang sumusobra na. Hindi magandang pakikitungo sa isa't isa. Hangad ay pansariling kaginhawahan lamang. Nakakalungkot. Ito ang totoo. Kailangan na nating magbago. Napapanahon na. Upang ibalik ang dating sigla ng ating kalikasan. Kumilos na tayo mga tagapag ingat-yaman.
Hi Family!! Kumusta po?? Ang lakas ng kulog kanina kakatakot! Hehehhe
Time To Move On Life is a test But you can do your best It may be hard at first Tired , already burst No matter what we face Soon we will ace No reason to quit Time will help you fit Be patient in your growth One day we'll take an oath Success will be at hand Drummers on a marching band At times we will lose But friend it is time to choose To quit? Or stay in the beat? Move on, now time to hit Time to win, Have fun, then drink our gin Let's fight the hate Love will always wait Move on with your past This too shall pass Your past does not define you Move on, He's just here beside you
Good morning My Family!!!!
Mahal Kong Ina Mahal kong ina Mahal na mahal kita Pag-aalaga at gabay Sa amin ay siyang bumubuhay Hindi ka mapapagod, O magsasawa o mayayamot Minsan kami ay asungot Kailanma'y hindi ka nagdamot Sa gawaing-bahay Hindi ka sumasablay Kahit pagod o tumatamlay Oh! Aking ina pagmamahal mo'y walang humpay Aking ina nagpapasalamat ako Dahil sa iyo naging buo loob ko Balang araw ikaw ay aking aalagaan Pangako sayo ika'y aking iingatan Mahal kong ina, tunay kang mahalaga Sa puso ko, palaging nandidito ka Ang kabutihan mo ay di maikukumpara Kahit pa sa iyo'y wala nang matira pa
MAGANDANG GABI KAPAMILYAAAA!!!
Annyeong mga kaReadcash!!!!
Anong iyong mga pangarap?? Comment na
You are Phenomenal You are awesome. You are great. You are able. You are gifted. You are beautiful. You are wonderful. You are loved.You are a phenomenal human being. You are more than what you think of yourself. You cam always do great things. You can magnify God's greatness for He is already in you since the very beginning. He holds you so that you chase your dreams. Believe in yourself. Believe that you can really be remarkable. You can offer a lot more things in this beautiful world. You can be the very best in everything that you do. Be passionate. Explore. There are so many things we can do because we are not limited. God has given us everything to be limitless. We are Gods children. We are created in His image and likeness. It means there is a God-like attitude in us. It means we are more powerful than we think we are. It is the power called love. As humans, we get hurt many times over. We cry, we get tired. But this power of love keep us moving. It keeps us going . It keeps us hopeful. It brings us to be mindful of our capabilities to try over once we have already recovered from our painful pasts. Our imperfect journey in this world gives us the excitement to pursue, to dream, to live, to be joyful and to win the beautiful destination ahead of us. We are phenomenal so start living a paradise-like life here on earth.
Kumain na ba kayo ngayon?
Kumusta ang mga work from home diyan hehehe
Kumusta naman kayo diyan ngayon???
Ang Pag-ibig nang Umiibig Ang pag-ibig ay nakakapagpasaya Hatid sa pamilya at kapwa ay ligaya Di napapagod , di nakakalimot Nabibigay ng kusa, hindi nagdadamot Ang pag-ibig ay nakakagaan Sa mga taong may pinagdadaanan Sinisikap na makapagbigay Sa mga taong di mapalagay Ang pag-ibig ay mabunga Nag-aalab, nagbabaga Hangad ay laging kay ganda Bagay na pangit gumaganda Ang pag-ibig ay walang hanggan Buhay iaalay kaninuman Makatulong sa kapwa at bayan Maglilingkod kahit saan
Someone Higher Than You Heaven is above the the earth. There is always someone higher than all of us. He is the one guiding our path and leading us to a better and brighter tomorrow. He is the one who keeps on saying live,laugh and love. He says build your paradise within your home, within your community. He says fly high and achieve your dreams. He always wants to tell you of HIS GREAT AND ENDLESS LOVE for you. He is always there when you are in great joy, he is also there when you are in deep pain. He wants to give you His shoulders so that you could cry and leave all your burdens at His feet. He wants to build a profound and personal relationship with you. He loves you. He likes you very much. He is deeply interested in you. Whenever you feel down and frustrated about yourself, you can always feel your feelings before him. You can cry to him, you can say anything that bothers you. He understands. He knows every struggles that you are going through. He knows every challenges you will face in this world and He is giving you everything readily available just so you are able to conquer and win any battles. He is so proud of you . He really is. He knows you will overcome it. He has His own timing. His timing is wonderful. My friend, though you may face different obstacles in life, keep holding on. Keep your hopes up. Everything is worth it. It is worth the pain. It is always worth the wait. Be strong and courageous. Fight a little more. Don't quit. He is watching and He always believes in you. He is able to turn your weaknesses into strengths, your impossibilities to possibilities . He is the one who can bring out the best in you. He is more than willing to journey with you. He is my friend. He is my father. He is Our Father.
Ingat tayo lahat guysss. Stay safe My ReadCash Family!!!!
Good day mga ka Breadwinners diyan!!!!
A man with a Cheerful Heart Having a cheerful heart is a gift. Despite every challenges everyone may face, he still pursue to find happiness in every instances for he believes that happiness is already inside of us. It is always at hand. He seeks beauty in every bad circumstances. He is full of love for himself and for other people as well. He never boasts but remains humble. He celebrates his life and every blessings that he receive and he flourishes and uses his gifts to offer and bless the world. He knows he is living in a wonderful world abundant in resources. He knows his mission. His mission is to live in love. He reaches out to everyone in need of help. He comes to give himself so that he could offer everything he has. He thinks the unthinkable : to love the unlovable. Though difficult as it may seem but he chooses to believe in the goodness of man's heart that is hidden. He uncovers one's goodness by being an example to them showing love and compassion to anyone just so in time they could pass it on to others.He treats everyone as a neighbor and family.He appreciates every hurdles he face as an opportunity for growth. He finds success in every failure as a preparation for greater heights. He knows that everything is part of success. He believes that failures are also successes. Small steps can lead to greater victory if done continuously. He who has a cheerful heart always wins.
Pasubscribe naman diyan hahhaha!!! Subs din kita mwaaah
Umiinit na naman ang panahon.
Salamat Read Cash!!!
Tunay na kayamanan Ang tunay na kayamanan ay hindi nasusukat sa dami ng pera, estado sa buhay, o pagkakakilanlan ng isang tao. Hindi ito nasusukat sa laki ng bahay, o sa ganda ng buhay. Ang tunay na kayamanan ay nakikita sa kabutihan ng iyong puso. Maraming pamilya ang sagana sa kanilang kayamanan ngunit hindi nakadadama ng tunay na kaligayahan. Abala sila sa maraming bagay at sa pagpapayaman, hindi nila alintana na nagiging mahirap sila sa marami pang mga bagay. Wala na silang oras upang makapagsalo salo sa hapagkainan at magkamustahan kung ano ang nangyari sa buong araw. Binubuhos ang marami nilang oras sa pagtatrabaho kahit di na nila halos kailangan ito. Ang resulta ay napababayaan ang kanilang kalusugan. Sa pagtanda nila, nakikita ang resulta ng labis na paggamit ng kanilang mga katawan. Marami din namang pamilya na kapos sa buhay , ngunit nananatiling matatag ang pagmamahalan nila sa isa't isa. Maligaya sila sa kakarampot na kita makaraos lamang sa pangaraw-araw. Nagsisikap sila ng husto upang balang araw ay magtamasa ng tagumpay at pinahahalagahan nila ang pagtitiyaga ng bawat isa. Tulong tulong sila sa pag-angat at hindi lamang kapamilya nila ang isinasama sa pag-angat pati na din ang kanilang mga kapitbahay. Ang saya na mamuhay ng payak na para bang nakamtan mo na ang lahat at wala ka nang hinahangad pa. Ang tunay na kayamanan ay matatagpuan sa natatahimik na konsensya. Nakakapamuhay ka nang masaya dahil alam mo na wala kang natatapakang ibang tao. Namumuhay ka nang malaya dahil wala kang taong inaagrabyado. Namumuhay ka ng patas at marangal ang lahat ng iyong mga gawa.Madami kang tunay na kaibigan na alam mong maaasahan sa kahirapan man o kaginhawahan. Ang tunay na kayamanan ay matatagpuan sa simpleng pamamaraan: malinis na puso, simpleng buhay, magandang kalusugan, at malinis na konsensya.
Panibagong araw, panibagong simula!!!
Good morning everyone!!! Have a nice day to all
Maging maganda nawa lalo ang bukas!!!
Goodnight everyone!!!
How is everyone doing right now??? Enjoy the rest of the night!!!
Gratitude : The Best Attitude Being grateful despite of every challenges you face is one of the most powerful weapons anyone can ever use to defeat stress. Despite the storms he or she is facing, he/she continues to remain humble and appreciate the little things in life. He/she remains joyful and full of lovetank that no matter what comes his or her way, it is for his or her best. He or she may feel down or lonely but he or she still knows that there is still joy in his or her heart that will never be taken. It is the love that comes from God that makes him or her appreciative of every small and big blessings in life. No matter how hard life gets, he or she remained optimistic that this too shall pass. Everything has a reason. Everything has its own season. In sadness or gladness, there is still hope. That hope is so powerful that it can bring a person from darkness to light. Being grateful is associated with this hope that every challenges has a solution. When we face challenges, we are never alone. We will never be alone. God has placed people in your lives to touch your heart and influence your outlook in life. God has always been with you through your highest and lowest. This is the good news that we should all be grateful for. No matter how hard challenges can get, there is always grace and compassion being given to us. Gratitude is powerful. Gratitude is profound. It is everything that can change a man's heart. Gratitude heals. Gratitude is everything.
Kamusta po kayo diyan???