Itawa mo na lang! HAHA!
Kung ikaw ay masaya humalakhak ka HAHA!! Kung ikaw ay malungkot, lumaban pa Haha!! Ganyan ang ikot ng mundo, di madali hanggang dulo. Pero tiyak mananalo ka , kaya pakatatag ka. Minsan mapagbiro ang tadhana The more na iniiwasan, the more hindi matakasan Pero ganyon talaga e, kahit pa mahirap Wag matakot tuparin ang mga pangarap Lumipad ka, humayo ka Maglakbay ka hanggang marating mo na Magpasalamat sa lahat ng lamat Dulot ng hirap na iyong hinaharap Bawat paghihirap ay prosesong dadaanan Ng bawat taong madalas nasa paanan Di bale na, sa simula lamang iyan Tamang pagkakataon lang , hintayin natin iyan Sa bawat problema, itawa mo na lang Huwag magmukmok, tatagan iyong loob Bawat problema, tiyak ang solusyon Manalangin, matuwa, kumilos ng may dedikasyon
2 comments
Halika, magtawanan tayo HAHHAHAHAH
Haha. Wala akong pera haha.. but its ok.. readCash will take care of it..😊