read.cash Log in
@DreamBig more from that month

Mahal Kong Ina

Mahal kong ina Mahal na mahal kita Pag-aalaga at gabay Sa amin ay siyang bumubuhay Hindi ka mapapagod, O magsasawa o mayayamot Minsan kami ay asungot Kailanma'y hindi ka nagdamot Sa gawaing-bahay Hindi ka sumasablay Kahit pagod o tumatamlay Oh! Aking ina pagmamahal mo'y walang humpay Aking ina nagpapasalamat ako Dahil sa iyo naging buo loob ko Balang araw ikaw ay aking aalagaan Pangako sayo ika'y aking iingatan Mahal kong ina, tunay kang mahalaga Sa puso ko, palaging nandidito ka Ang kabutihan mo ay di maikukumpara Kahit pa sa iyo'y wala nang matira pa

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.