Tunay na kayamanan

2 50
Avatar for DreamBig
4 years ago

Ang tunay na kayamanan ay hindi nasusukat sa dami ng pera, estado sa buhay, o pagkakakilanlan ng isang tao. Hindi ito nasusukat sa laki ng bahay, o sa ganda ng buhay. Ang tunay na kayamanan ay nakikita sa kabutihan ng iyong puso.

Maraming pamilya ang sagana sa kanilang kayamanan ngunit hindi nakadadama ng tunay na kaligayahan. Abala sila sa maraming bagay at sa pagpapayaman, hindi nila alintana na nagiging mahirap sila sa marami pang mga bagay. Wala na silang oras upang makapagsalo salo sa hapagkainan at magkamustahan kung ano ang nangyari sa buong araw. Binubuhos ang marami nilang oras sa pagtatrabaho kahit di na nila halos kailangan ito. Ang resulta ay napababayaan ang kanilang kalusugan. Sa pagtanda nila, nakikita ang resulta ng labis na paggamit ng kanilang mga katawan. Marami din namang pamilya na kapos sa buhay , ngunit nananatiling matatag ang pagmamahalan nila sa isa't isa. Maligaya sila sa kakarampot na kita makaraos lamang sa pangaraw-araw. Nagsisikap sila ng husto upang balang araw ay magtamasa ng tagumpay at pinahahalagahan nila ang pagtitiyaga ng bawat isa. Tulong tulong sila sa pag-angat at hindi lamang kapamilya nila ang isinasama sa pag-angat pati na din ang kanilang mga kapitbahay. Ang saya na mamuhay ng payak na para bang nakamtan mo na ang lahat at wala ka nang hinahangad pa.

Ang tunay na kayamanan ay matatagpuan sa natatahimik na konsensya. Nakakapamuhay ka nang masaya dahil alam mo na wala kang natatapakang ibang tao. Namumuhay ka nang malaya dahil wala kang taong inaagrabyado. Namumuhay ka ng patas at marangal ang lahat ng iyong mga gawa.Madami kang tunay na kaibigan na alam mong maaasahan sa kahirapan man o kaginhawahan.

Ang tunay na kayamanan ay matatagpuan sa simpleng pamamaraan: malinis na puso, simpleng buhay, magandang kalusugan, at malinis na konsensya.

Sponsors of DreamBig
empty
empty
empty

6
$ 0.00
Avatar for DreamBig
4 years ago

Comments

Just be kind to everyone.. nice articles..

$ 0.00
4 years ago

Tama!

$ 0.00
4 years ago