Sa Kabila ng Lahat

4 28
Avatar for DreamBig
4 years ago

Mapuno man ang mundo natin ng aalalahanin at pasanin, may biyayang nakalaan para sa atin na mabubunyag lamang sa itinakdang panahon para dito. Naguguluhan ang puso at isip natin, nababagabag sa kung ano maihahain ng bukas para sa atin o kung may maliwanag na kinabukasan ba tayong mararatnan at aasahan. Minsan pakiramdam natin nakabaon ang ating damdamin at karanasan sa isang malalim na hukay at naihagis na sa isang madilim at malalim na bangin ang ating mga pangarap. Minsan gusto na nating huminto at makawala sa gapos ng mga problemang pilit gumugunita at dumadalaw sa pagod nating isipan. Madalas nakakapagod na. Nais na nating magpatalo sa takot at pangamba. Tila ba parang wala ng mainam na solusyon sa ating pighati at sigalot. Tila ba ito na ang huling kabanata.

Ngunit sa kabila ng lahat, gigisingin tayo ng pag-asa. Pag- asa na kusang naipagkaloob na sa atin ng nasa taas. Niyakap Niya tayo sa ating mga kahinaan at kabuktutan. Sa kabila ng lahat, lilitaw na muli ang araw sa gitna ng maiitim na ulap. Sisilip na muli ang maliwanag na sinag ng pag-asa at kasaganaan. Balang araw. Dadating sa mismong panahong hindi na natin inasahan na dadating pa sa buhay natin. Sa kabila ng lahat, nananatili ang grasya at awa na nagmula sa Kanya. Makakayanan natin ang lahat ng agam-agam at kalituhan na pilit ibinabato ng mundo sa pagitan nating mga nilalang. Sa kabila ng lahat, nagaabang ang tagumpay na ito'y muling maigawad sa atin. Sa tamang panahon at pagkakataon na hindi natin inaasahan.

Sponsors of DreamBig
empty
empty
empty

2
$ 0.00
Avatar for DreamBig
4 years ago

Comments

Inspiring article.. keep it up

$ 0.00
4 years ago

Salamat naman po ngmarami na nagustuhan niyo yunh article ko hehhee. Naappreciate ko po ito ng marami. Thank you so much sir.

$ 0.00
4 years ago

nakaka inspired nmn.sana makagawa rin ako ng article na tulad nito.good luck po and keep posting

$ 0.00
4 years ago

Salamat po sa inyo na mga nakakaappreciate hehe. Nakakataba ng puso may nakaaappreciate sa ginagawa mo labyu guysss hehhee

$ 0.00
4 years ago