Paano maging masaya kahit may pinagdadaanan?

5 65
Avatar for DreamBig
4 years ago

Sa mga nangyayari sa paligid natin ngayong mga panahon na ito mahirap matagpuan ang tunay na kaligayahan na magmumula sa kaibuturan ng ating mga puso. Mas madali pa nga ang magalit, magmukmok,mainis,magloko, magreklamo at malugmok kaysa manatili kang masaya at maligaya. Pero papayag ba tayo na hanggang dito na lang tayo? Makukuntento na ba tayo sa katayuan natin na wasak at sa kalungkutan ay sadlak? Anong kabutihan nito sa atin? Hindi ba at wala.

Hindi dapat tayo papigil sa mga nangyayari sa mga nangyayari sa paligid sa atin. Oo, mahirap ang buhay, kalat ang virus dulot ng Covid -19 at maraming tao ang nawalan ng hanapbuhay at oportunidad para umasenso. Ngunit kaibigan, may pag-asa. Palagi naman. Hindi yan nawawala. Tayong mga nilalang lamang ang nagiisip na kapag nagkamali tayo, hanggang doon na lang. Wala nang ibang magandang mangyayari pa. Diyan tayo nagkakamali. Hindi pa tapos ang ating kuwento. Ang sabi nga ni Vice Ganda, kapag hindi pa happy ibig sabihin hindi pa ending. Oh diba? Nakakatuwang marinig ang mga salitang punong-puno ng pag-asa. Huwag matakot kaibigan kung pakiramdam mo talo ka na, mahina ka, at wala ka nang mararating pa. Ito ay mga salita na nasa isip mo lamang. Subukan natin na hanapin ang lahat ng mabuti at mainam sa lahat ng bagay kahit gaano pa ito kawasak o kahit gaano pa ito hindi kaganda para sa tumitingin. Akala lang natin natalo tayo, pero ang totoo panalo na tayo, umpisa pa lamang. Kapag kasi may Diyos ka sa iyong puso, umpisa pa lang panalong- panalo ka na. Dahil sa Diyos lamang matatagpuan ang buhay at tagumpay. Wala nang iba. Kaya kahit nahihirapan tayo na bumangon dahil sa epekto ng ibang tao o pangyayari sa paligid mo, huwag kang mangamba. May Diyos ka at hawak ka Niya.

Huwag natin pakinggan ang bawat ingay. Huwag indahin ang mga bulong na naririnig natin sa katahimikan. Ang mga ingay na nagsasabing " Mahina ka" , o kaya " Wala ka nang mararating pa" ay mga salitang maaari natin gamitin upang dumipensa. Ipakita natin sa mga ito na hindi ito ang totoo. Ang totoo malakas tayo at matagumpay tayo. Maaaring hindi natin ito nakikita agad, ngunit ang maliliit na tagumpay ay nagiging malaki kapag patuloy na pinalalago at iniingatan.

Gaano man kabigat ang pinagdadaanan mo ngayon, bukas makalawa mapapasabi ka na lang ng "Tapos na pala ang problema ko!! Nakayanan ko din pala ang lahat dahil kasama ko si Cristo, ang aking Panginoon at Tagapagligtas".

5
$ 0.00
Avatar for DreamBig
4 years ago

Comments

Very well said! 😊

$ 0.00
4 years ago

Salamat po mam. Pasub naman po. Hehhee slamaat

$ 0.00
4 years ago

Ako naman ang pinagdaanan ko or pinag dadaanan ko dalawa lng ang nagpapatibay saken mga anak ko at ang diyos. Sa lahat ng pagsubok sa buhay. Sa kanila lang aq humuhugot ng lakas.

$ 0.00
4 years ago

Tama po kayo jan. Wala na pong iba na makakaakay sa atin sa panahon ng problema. Si God lamang po talaga. Kahit nga masama tayo anjan pa din Siya at ginagabayan tayo palagi sa buhay. Di Siya tumitigil na magmahal

$ 0.00
4 years ago

Pa sub naman po kung nagustuhan ninyo hihihi salamat

$ 0.00
4 years ago