Para Sayo Itay
Mahal kong tatay, Biyaya kang tunay Alaga mo't gabay Walang ibang makapapantay Sipag mo't tiyaga Tunay na kahanga- hanga Buhay ay handa mong itaya Kailanma'y di ka nagpabaya Dadi, Papa, Tatay o Itay Mga katawagang ikinaliligaya mong tunay Salamat sa iyong pasensya Pagmamahal mo at presensya Maraming salamat sa iyong lakas Puyat at pagod, sa iyo'y hindi mababakas I love you Tay, Mahal kita! Diploma't medalya alay sa'yo amang sinta Para sa iyo Itay! Buhay ay aking alay Pag-ibig mo't gabay, kasiyahan aking taglay Handa akong suklian, iyong mga pagsisikap Magtitiyaga hanggang huli, pasasalamat ko sa iyong paglingap
3 comments
Nice 😅
Salamat po sa mga nakaappreciate hehhehe sana makasulat pa ako ng maraming poem tagalog at english nakakagaan ng pakiramdam parang achievement ko na din kahit jobless
Your Tatay must be so proud of you. I hope you had the chance to let him read this :)