Hinto muna. Pahinga nang saglit. Masyado nang magulo ang mundo. Araw-araw consumed ang ating isipan ng napakadaming isipin : due date ng Lmonthly bills, sinanlang alahas na malapit na maremata, rush of work dahil month end na naman, kakainin para sa susunod na araw, pangmadiinan na OOTD para mapansin ni crush, cramming for exams at marami pang iba. Ang dami.Sobra. To the point na 3 oras na tulog na lang ang ating pahinga. Unhealthy routine. Nakakastress. Nakakahina ng immune system at ang ending mas nagiging unproductive sa bawat trabaho. Akala natin nagiging productive kapag madaming ginagawa pero kapag napagod eh di magpapahinga din. Dahil pag pinilit mo ang iyong limit , baka ikaw naman ay magkasakit. Hindi natin kailangan na magpakadevoted sa trabaho o sa ibang gawain to the point na nalilimutan na nating magpahinga, mamuhay at enjoyin ang buhay. Aba! Mahirap yan. You are starting to lose yourself dahil consumed ka sa madaming bagay. Nalilimutan mo nang gawin ang mga bagay na matagal mo nang gustong gawin dahil sa patong patong na priorities na nakapatong sa balikat mo.Magpahinga saka bumalik ulit sa ginagawa mo.
Ang sabi nga ng iba, less is more. Tama yan. Minsan the more na pinupush natin ang madaming mga bagay, mas lalo tayong napapariwara, lalong napupurnada ang mga plano natin na nais nating matupad agad-agad. Hindi madali ang mag-intay. Nakakabahala nga naman kung may mangyayari nga bang maganda sa kabila ng ating pagtitiyaga. Pero kumapit ka, kaibigan. Ang totoo ay hindi nawawalan ng saysay ang lahat ng iyong pinagpagalan. Siguro matatagalan pero tiyak dadating.
Kaya naman ang payo ko sayo LIVE ONE DAY AT A TIME. Sabi ng mga resellers " PM IS THE KEY." Ang sabi ko naman "PATIENCE IS THE KEY." Dadating din yan nang dahan dahan. Wait wait lang tayo. Learn for progress. Also learn to rest... Dadating, SA TAMANG PANAHON.