2
14
Mahirap man ang buhay
Hindi ka man makasabay
Sa iba't ibang palagay
Ng mga taong nalulumbay
Sa chismisan ay walang humpay
Di bale na lang, huwag kang sumabay
Lumakad ka na at maglakbay
Hayaan mo na, maaaring sila ay mas
Angat at yaman mo ay di sapat
Balang araw , ikaw naman
Ang gagantimpalaan
Dahil ikaw ay tapat
Mabubuhay ka nang maluwat
Masaya at maligaya
Buhay ay kaiga-igaya
Dibale maging yaya
Mahirap man ay kinakaya
Isang araw, ikaw naman
Maniwala ka, kaya mo yan
Laban lng habang my buhay