Kalikasan ay ingatan
Biyaya ng kalangitan
Puno't mga halaman
Tunay nating yaman
Sa anyong lupa at sa anyong tubig
Ay may paraisong kaibig-ibig
Kabundukan o kapatagan o karagatan
Likha ni Ama'y may aking kariktan
Sa biyayang ipinagkaloob
Marapat na pagaalaga'y kusang loob
Ating paramihin , huwag puksain
Ito'y igalang natin , pamana ito sa atin
Mga isda't mga pananim
Mga bulaklak at hayop ay paramihin
Mga puno'y wag mong putulin
At baka buhay mo ang singilin
Magandang paalala ni Maria Makiling
Ang ating kalikasan huwag namang pabayaan
Kung ito'y magtampo sa atin
Saan tayo kukuha ng kakainin?
Ating kalikasan halina't alagaan
Para susunod na henerasyo'y kanilang mamasdan
Ang tunay na kariktan na ating natagpuan
Mundong puno ng sigla at kasaganaan
Dapat nating pangalagaan ang ang ating paligid. VEry well written.