Ikaw ang palaging kasama ko
Sa hirap at ginhawa ay minamahal ako
Laging tinatama ang mga mali ko
Ang hangad ay laging sa ikabubuti ko
Minamahal ako sa pagiging totoo ko
Ipinagtatanggol ako sa mga kaaway ko
Ang turingan namin ay pangmagkapatid
Sayang pinagsasaluhan ay walang patid
Madalas mang magkatampuhan
Isa't isa ay laging takbuhan
Nang puso naming magkaugnay
Kailan man ay di mapaghihiwalay
Salamat sa iyo, kaibigan ko
Laging andiyan ka sa tabi ko
Pinapayuhan at pinatitibay ako
Sa panahong problemado ako
Buong pasasalamat sa iyong pagdamay
Pinalalakas ako sa panahong matamlay
Pagdamay mo'y tunay , di ka sumasablay
Pasayahin ako' ingatan, tunay kitang gabay
Alalahanin mo , andito lang ako
Mabuting gawa mo ay ibabalik ko
Makakaasa ka na di kita iiwan
Sa akin tunay kang number One
Kaibigang wagas kung humalakhak Sa bullyhan hindi paaawat. 😂 Salamat .. kaibigan! 👍🏻