Diary ng Jobless

1 12
Avatar for DreamBig
4 years ago

Whoohooo!! Graduate ng magandang course. Nagtake ng board exam pero bumagsak. Nadepressed. Nakalimot. Bumangon. Nagtake ulit ng review class para mag take 2 sa board exam. Nag-online review class habang pandemic para kapag nagresume na sa final schedule ng exam, prepared na. Naudlot dahil sa announcement na hindi muna matutuloy dahil sa pandemic. Nalungkot pero ayos lang dahil mas makakabuti ito kaysa naman magexam ka pero kabado ka pa dahil baka mainfect ng virus. Pero syempre hindi naman hahayaan ng gobyerno na magexams ang mga students sa kasagsagan ng Covid -19. May 2020. May nag-alok na mag-apply sa isang ESL company para magturo ng basic english. Na-engganyo na magapply kaya sinimulang bumili ng mga kailangan mula sa headphone na may mic hanggang sa wifi pero prepaid wifi na lang muna kasi hindi kaya ng budget. Hehehhehe. Nag-apply pero hindi natanggap dahil sa walang experience. Dati tumatanggap sila ng no experience applicant pero biglang nabago ang sistema. Ok sige hanap uli ng iba. Ganyan naman ang buhay diba. Kung may pintong nagsara tiyak may pintong magbubukas.

Hanggang sa ito na naman. Apply ulit sa ibang ESL companies. Ang dami naman diyan eh tiyak hindi ka mauubusan. Nabigong muli dahil sa taas ng mbps ng internet connection na hinihingi nila. Dapat daw magcomply sa server na ginagamit nila. Sumubok na naman. Syempre!!! Hindi ka papatalo sa bigat na pasan pasan mo ngayon. Hindi ka nilikha upang matalo. Nilikha ka upang magtagumpay. Subok ulit. Nagbakasali na makakakuha kahit data entry jobs o VA jobs. Pero hindi kinaya sa qualifications. Malayong malayo sa natapos na kurso sa kolehiyo. Di bale. Madami pang iba diyan na tatanggap. Nainip kaya nagclipclaps baka sakaling sa pagspin ng roleta tumapat sa $1 o kaya makuha ang 500k na clapcoins at iconvert sa pera. Kelangan kumita eh. Kelangan ding tumulong pantustos sa pangaraw-araw. Hanggang sa ito may nakita na isang ad sa facebook group looking for financial advisors , no experience required. Naengganyo kaya sumali sa Zoom Online Career Preview. Nabigo ulit dahil hindi kinaya ng budget ang training fee. Hanggang sa ito sumusulat ng articles baka sakaling mabiyayaan ng mas malaki dahil sa pagtitiyaga. Oo, nakakainip sadya. Pero sikal pa tayo , gurl. Hinay -hinay. Baka isang araw magulat tayo. Umaapaw na ang banga.

Sikap pa. Laban pa. Hindi pa dito natatapos ang kwento ng buhay. Kinakaya kahit paulit ulit na nabibigo. Nasasaktan pero lumalaban. Naiinip pero laging may gimik sa buhay. Hindi pedeng laging nakatunganga at naghihintay.

4
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Avatar for DreamBig
4 years ago

Comments

Lumipad ka hanggang kaya ng pakpak mo. Kapag napagod, huminga muna at magpatuloy sumubok sa hinagpis ng hangin. Kapag bumagsak huwag hayaang malugmok. Bangon at lumipad ulit. Kapag nabali ang pakpak. Wag mawalan ng pag-asa. Tumayo ka at ikaw ay mag lakad. Kapag hindi na talaga kaya. Sumigaw ka, kaibigan may taong tutulong sayo. Hindi ka nag-iisa. 😊 Nice article po. Very inspiring. Nakaka motivate sa mga taong pasuko na dahil sa pagsubok.

$ 0.00
4 years ago