May mga araw na dadating sa iyo na pakiramdam mo ok naman ang lahat pero hindi ka pa rin masaya. May mga araw na pakiramdam mo gusto mo na lang mapagisa. May araw na feeling mo bigat na bigat ka na at parang pasuko ka na. May araw na ayaw mo lumabas ng kwarto o umalis man lang sa kama para magunat unat dahil buong araw ka ng nakahilata at mukang latang lata. Mahirap. Grabe yung ganoong sitwasyon.
Parang bibigay ka at any moment. Ang hirap hirap pagdaanan ang mga ganoong pakiramdam. Wala kang ibang maramdaman kundi lungkot at kawalang seguridad. Yung mga panahong pakiramdam mo suko na ang lahat sa iyo dahil hindi mo rin naman gusto tulungan ang sarili mo. Nawawalan ka na din ng pasensya sa sarili mo at sa sitwasyon na hinaharap mo. Parang di mo na kaya.
Ganyan din ako eh. May mga panahong feel ko ang hina ko. May feeling ako na ayoko na dahil parang hindi naman nagbabago , malungkot pa din ako. Gusto mo na lang na tumakas sa ganoong pagkakataon. Gusto mong umalis sa lungkot at takot. Pero kahit mahirap, pinilit mo. Pinulot mo ang sarili mo. Gumawa ka ng paraan para makayanan mo na the next time na magkataon uli na masubok ka pa. Binigay mo yung best mo para magsimula ulit at harapin ang katotohanan na ang buhay ay nababalot ng misteryo. Marami itong pagsubok na pumipisil sayo upang mas maging malakas at mahubog ng tama.
Hanga ako sayo! Hanga ako sa inyo sa ipinakikita ninyong katatagan at pag-asa na bukas paggising ninyo maalala ninyo ang mga pinagdaanan ninyong hirap at sakit at maaalala din ninyo na "Ah! Tapos na nga! Kinaya ko din pala". There are days which you feel so low, so empty. But keep on moving. You are not alone in this fight.