Aeta

2 32
Avatar for Dottie_Sensei
4 years ago

Maitim, kulot ang buhok at isang napakagandang lahi ng Pilipino

Kamusta na nga ba sila?

Silang mga nakatira sa malayong bundok

Namumuhay ng payapa't malayo sa gusot

Ng buhay na tila laro ng kung sino ang matira at matibay

Aeta, sa kasalukuyan ay walang puwang sa syudad na aking kinabibilangan

Sila'y tinataboy at pinandidirihan

Nakakalungkot, tila ba bago lang sa lugar na sinilangan

Mabuti pa nga ang mga dayuhan

Tinuturing na nakatataas na siyang tinitingala

Ang bundok ay naging syudad

Sa patuloy na di umano'y pagpapaunlad

Nawawalan ng tahimik na tahanan

Teka, hindi nawawalan kundi inaagawan

Inaagawan ng ari-arian sa dahilang wala silang patunay

Buhay ay nanganganib sa tuwing sila'y sisisid

Sa kapirasong sentimo'y nag-aagawan mairaos lamang ang gutom na nararamdaman

Nakakaawa sapagkat sila na walang ginagawa ngayon ay kinakawawa

Sila ang Aeta, ang isa sa nagpapanatili ng ating kultura

Ngunit sa kasalukuyan ay nawawalan na ng halaga

2
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Dottie_Sensei
empty
empty
empty

Comments

Nice post! I look forward to your next post!

$ 0.00
4 years ago

Thank you very much. To stay tuned, please subscribe. 😊🙏

$ 0.00
4 years ago