Ang mga sumusunod ay mga mungkahi para maiwasan ang pagkalat ng Covid19. (The following are suggestions to prevent the spread of Covid19)
Mula sa personal na pahayag:
1. Kailangang may disiplina ang mga tao para makontrol ang paglaganap ng virus at ma-flatten ang curve.
2. Palakasin ang katawan at kumain ng masusustansiyang pagkain para hindi madaling kapitan ng sakit.
3. Sa halip na gumala-gala ay lagi lang sundin ang mga paalala at manatili sa loob ng tahanan para magbasa ng mga libro at aralin ang mga ito.
4. Siguarduhing naluto talaga ng maayos ang mga pagkain.
5. Gamitin ang libreng oras para magbasa at magkalap ng mga mahahalagang impormasyon sa internet.
Mula sa pamilya:
1. Laging magdasal sa Panginoon upang tayo ay magabayan at mailayo mula sa pandemic na Covid-19 virus.
2. Makinig sa mga paala mula sa ating gobyerno dahil sila ang higit na nakakalam kung ano ang dapat na gawin upang maiwasan ang paglaganap nito.
3. Palaging uminom ng tubig at huwag hintaying matuyo ang lalamunan bago uminom.
4. Gumamit ng disinfectant solution sa paglilinis ng mga bagay na laging hinahawakan.
5. Kumain ng maraming prutas lalo na ang mga mayayaman sa Vitamin C.
Mula sa radyo at telebisyon:
1. Palaging maghugas ng mga kamay para mapanatiling malinis ang mga ito.
2. Iwasan ang mga taong may ubo o may sintomas ng flu.
3. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.
4. Panatilihin ang social distancing.
5. Iwasan ang ‘di mahahalagang pagtitipon.
Mula sa mga kaibigan:
1. Mas lalo pang pagtibayin ang pananampalataya sa Poong Maykapal.
2. Magpatupad ang gobyerno ng total lockdown sa Pilipinas kung mayroon pa ring lumalabag sa kasalukuyang enhanced community quarantine.
3. Iwasan ang mga lugar na maraming tao at pati na rin ang mga may ubo at sipon.
4. Siguraduhing tama ang mga impormasyon na kinakalap.
5. I-dispose ng mabuti ang mga pinaggamitan na mga disposable face mask at hand gloves.
If you like this article, you might also want to check my other articles here: An Index of my Articles
Thanks to @Ashma for his words of encouragement. Our growing community is open for you. So, if you want to join. Feel free to visit the community.
For more information, you can click this link https://read.cash/c/get-sponsored-2a0b. You can join if you want to "Get Sponsored !!"
Stay safe